Sheena's Pov:
Agad akong nagtungo sa classroom at sa back door ako dumaan papasok na sana ako ng makita kong kinakausap ni kian si sheena, habang si sheena hindi nya ito nililingon, napahinto ako at humakbang patalikod, baka masinsinan ang pag uusap nila at baka makatulong si kian para mag balik ulit sa dati si sheena, naglakad ako palabas ng building at dumiretcho sa canteen,
"Hahahahha welcome back sainyo" isang malakas na boses ang narinig ko ng nasa pintoan palang ako ng canteen at alam kong ang vice pres. yun na bakla, madali silang makikita dahil kaharap ito ng pintuan, tatalikod na sana ako ng biglang.
"ohhh, girl aalis ka kaagad?" pigil ni natasha sakin habang nakatalikod parin ako sa kanya
"obvious ba?" humarap ako dito at inirapan sya
"Tsss" umirap din ito "btw gusto lang kitang ipakilala sa nagbabalik studyanteng kaibigan ko" ngumit ito ng napakaplastic
"So?" taas kilay na tanong ko, at alam kong nagtitimpi lang sya
"So, as a SSG president nararapat lamang na ipakilala kita sa kanila" ang plastic talaga ng ngiti nya ampotek
"so this is k-"
"I'm van" tumayo yung lalaki at lumapit sakin, tinignan ko ang kabuuhan nya at masasabi kong cool, ang ganda ng porma nya at ang gwapo pa, pero parang may iba e parang familiar sya sakin nakita kona ba tong lalaking to diko maalala
"kilala ba kita?" tanong ko baka kilala nya rin ako
"it depend's," nagkibit balikat ito
kaya napatango nalang ako"Sige mauuna na ako" Paalam ko
"wow huh" boses ng isang demonyeta
"Nakakita lang ng pogi nagpapahabol na?" singit naman nun bakla
"tanga kaba? kasi kong oo congrats" saad ko dito at tumalikod na tsaka mabilis na naglakad palayo tsaka bumalik na sa classroom, siguro naman tapos na sila mag-usap
"ohh, shaira san ka galing?" si kian na nakasalubong ko sa hallway
"pake mo?" nakataas kilay na saad ko at dinaanan lang sya
"sungit, hahahahah" tumawa pa ito pero nagderederetcho na ako patungong classroom
"psttt, sheena" umupo agad ako sa tabi nya
"anong napag-usapan nyo ni kian?" Napatingin ito ng nakakunot noo sakin
"Ikaw" saad nya at muling lumingon sa harap
"a-ako?" utal na saad ko
"wag kang assuming sabi ko ikaw san ka galing?" Seryoso muli syang tumingin sakin
"ahhh kala ko ako pinag-uusapan nyo e" napapakamot pa sa ulong sabi ko
"gusto mo malaman?" pagtukoy nya sa pinag-uusapan namin
"hindi" saad ko
"tss, kunwari pa" inirapan ako nito
"aba, parang sinasabi mong gusto ko parin sya ahhh" inis na sabi ko rito
"bakit hindi?" seryoso syang tumingin sakin
"hi-hindi na" utal na sabi ko
"tssss, cr muna ako" ani nya at tumayo sabay lumabas ng classroom, habang ako naiwan at inaantay yung teacher namin.
-------------
Sheena's pov:Habang naglalakbay ako patungong cr ay napahinto ako sa isang pintoan kung saan dalawang room lang ang distansya patungong Cr,
"I'm not gonna fight back what I've become
Yeah, I've got bruises where I came from" boses ng isang lalaking nagmumula don sa loob ng room nayun, tinignan ko ang kabuuang pinto ng room at music room nga pala yun(SONG:beautiful scars by:maximillian)
"But I wouldn't change if I could restart
I ain't gonna hide these beautiful scars" Pinihit ko ang doornob na may kunting awang tsaka pumasok sa loob, Isang lalaking nag guguitara habang nakapikit pang kumakanta, kaya naman hindi nya ako mapapansin"I've been going way too hard on myself
Guess that it's the reason I've been feeling like hell" hindi ko maaninag ang mukha nya dahil naka hood ito pero masasabi kong sobrang smooth at ang ganda ng boses nya dinagdagan nya pa ng pag guguitara,"I went down a road that only got me nowhere
I've seen every corner, every inch of this place" Naalala ko bigla si papa, noon tinuturuan nya rin ako magguitara pero hindi ako matoto-toto,hindi ko namalayang dumadaloy na pala ang mga luha sa mata ko"Being all alone it really got me thinking, maybe overthinking" pinihit ko na yung doornob para umalis sa lugar na yun pero aksidente kong nasipa ang upuan na malapit sakin na gumawa ng ingay sa kulob na kwarto, napatingin ako sa stage dahil huminto ito sa pagkanta at pag guiguitara
"Anong ginagawa mo rito?" sabi nya ng hindi ako tinoonan ng tingin,kahit mahina ang boses nya ay naririnig ko dahil kulob nga ang buong room
"Napadaan?" Sarkastikong sagot ko, tinanggal nya ang sumbrero ng hood nya sa ulo nya na ikina gulat ko
"pa-paano ka nakapasok rito?" Gulat na saad ko
"Gumamit ng paa?" sarkastikong sagot nito, tsss napakunot ang noo ko
"Alam mobang pwede kitang kasohan dun sa pagkidnap mo sakin at pagtangkaan akong patayin?" inis na saad ko rito
"Alam mo rin bang pwede kitang kasohan sa panghihimasok ng private property?" seryoso itong umingin sakin at ngayon kitang kita kona ang kabuuhan ng mukha nya, napaatras pako ng konti
"Ikaw ba yung leader ng mga pumapatay ng tao don?" seryosong saad ko din
"Oo" agarang sagot nito, kaya nagulat ako, Maganda nga boses, may karisma, magaling magguitara, pero mamamatay tao tsss
"Dapat kang makulong kung ganon" inis na saad ko rito, bumaba sya ng stage at nagtungo papunta sakin
"you don't know everything" Saad nya at nagtuloy tuloy sa paglalakad at dinaanan ako tsaka padabog na lumabas sa music Room, tssss kung ano man ang dahilan ng pagpatay mo mali parin ang pumatay, pero kung si natasha ang pag uusapan? why not tssss. Lumabas ako ng Room tsaka nagderetcho ng cr, ng matapos akong maghilamos at mag-ayos ng sarili ko ay dumiretcho na ako sa classroom
"Ohhh, maaga kapa para bukas ms. dixon" ani ni ms. Gracia Pero nagtuloy tuloy lang ako sa pagpasok at hindi sya tinuunan ng pansin, ramdam kong lumapit sya sakin at kinuha ang kqmay ko at hinila ako palabas patungong dulo ng hallway kung saan nandon ang hagdan
"Masyado kanang bastos sheena" sigaw nito sakin pero nanatili lang akong tahimik
"Anong klaseng pagaalaga ba ginawa ng mama mo sayo at ganyan ka kasutil" iniangat ko ang ulo ko at tinignan sya
"ikaw anong kahibangan ang pumasok sa isip mo bat ka ganyan" sagot ko rito, Sinampal nya ako
"Wala kang galang, hindi mo kinikilala ang kausap mo!" singhal nito sakin
"kilalang kila kita Ms. Gracia" Kunot noong sabi ko
"diba ikaw yung kabit ni papcy?" nakataas kilay na dagdag kopa
"hu-huh?" halatang kabadong sabi nya
"Tsss, pagsisigawan kopa ba?" inirapan ko sya
"hey, what's happening here?" Maarteng singit ni natasha
"My ghad Sheena pati teacher papatulan mo, napaka walang galang mo naman" Maarteng umirap pa ang loka pero hindi lo sya pinansin
"Ms. gracia si mamcy na tunay hindi ako nasampal pero ikaw na kabet?" napasmirk at rito tsaka naglakad palayo
"see you on guidance office sheena" rinig kong sigaw pa ni Natasha tsss.
Thank you for reading!
-Moonxie🌜
BINABASA MO ANG
MEET THE GANGSTER (ON-GOING)
Random"Gangster's never change but they know how to love"-sheena "ENJOY READING"