Chapter 10 - The Cold Blue Eyes

17 1 0
                                    

A/N: Hellooo! I just wanna greet y'all a happy new year. I know i'ts kinda late, but, yeah. Sorry for the late update, babawi is me! Anywooo, thank you for those who's waiting.. 

Enjoy reading! :)




The Cold Blue Eyes


Demtre Leighn Montano


"so what are you trying to say?" nakapamewang na tumayo si Chery at humarap kay Pats


"anak ng may ari ng university si kuya blue eyes kaya siya nakapagenroll in the middle of the sem."


"grabe ang unfair ha." Psalm rolled her eyes.


"malay niyo naman may iba pang reasons kaya siya nakapasok agad." Sabi ko na kinatingin nila sakin.


"ay wow. Jowa ka teh?" nakataas ang kilay na tanong ni Loise na kinapula naman ng mukha ko.


"hoy grabe hindi ah. Ayoko lang talaga mangjudge dahil lang sa mga chismis." Pagdadahilan ko


"asus naman. Ang sabihin mo, gusto mo lang ipagtanggol si apple of the eye mo." Nakangising sabi ni Fritz


"ah basta galit talaga ako sa may ari ng school kasi hindi makatarungan yung ginawa niya. Hindi na kami friends simula ngayon." Biglang saad ni Pats


"gaga di kayo friends teh wag ka magilusyon dyan." Nabatukan tuloy siya ni Chery


"Pero bakit di ko pa siya nakikita sa school?" takang tanong ko.


Pinaningkitan naman nila agad ako ng mata. "at bakit mo tinatanong aber?"


"duh. Bawal bang magtanong? Curious lang talaga ako."


"Bukas pa kasi ang start ng pasok niya." Sagot ni Pats. Siya nga pala ang student council president kaya malamang alam niya.


"speaking of bukas.." yumukyok sa arm rest ng sofa si Psalm, "Monday na naman! Oh bakit? Tila kay bilis ng araw. Di ko man lang naramdaman at nasulit ang dalawang araw na walang pasok." Pagdradrama nito


Binato naman ito ni Fritz ng unan, "tinatamaan ka na naman ng kabaliwan."


Today is Sunday at nandito lang kami sa apartment nina Pats at Chery para magchill. Usually naman kasi talaga, every Sunday kami nagkikita kita para magchill. Pag Saturday kasi busy kami sa mga acads and family bondings ganon. Pero si Pats at si Chery lagi lang silang nandito sa apartment.


After kasi noong birthday ni Chery, umalis na siya ng tuluyan sa mansyon ng mga ito. Hindi naman din ito hinabol ng parents nito or kahit kinamusta lang. As in hinayaan lang talaga nila si Chery na umalis. Buti na lang, yung grandparents ni Chery, na nagpalaki sa kanya, ay may iniwan na negosyo. Yun yung coffee shop. Since legal age naman na ito, sa kanya na nakapangalan yung shop. Doon nanggagaling yung pera ni Chery panggastos sa araw araw. Scholar naman ito ng school kasi Dean's lister ito kaya hindi na ito mamromroblema sa tuition.

Consequences of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon