Chapter 19 - Crush

11 0 0
                                    

A/N: I'm very sorry sa late update. It has been a busy week kasi tapos busy ulit ako this coming week. pero I'll try to update pa din. anywhooo. Enjoy reading! :)



Crush


Demetre Leighn Montano


"THE HECK Demetre Leighn! Ilang beses ko na bang sinabi sayo?! That man is a bad shot! He will ruin you and tear you to pieces! Hindi mo ba naiintindihan yon?"


Nanatili lang akong nakayuko habang nakasakay kami sa kotse ni Kace at pinapakinggan ang mga sinasabi ng lalaki. Nandito na kami sa labas ng bahay, pero hindi pa kami bumababa. Si Psalm naihatid na namin kanina pa.


"Demetre, you know how much I care about you. You know I will do anything to keep you away from harm. I just want you to be safe Dem." Mahina na ang boses nito pero nasa tono pa din ang galit.


Hindi na ako nakahuma kanina noong biglang sinuntok ni Kace si Alec. Hinila agad ako nito palabas ng university kaya hindi ko na nagawang lingunin si Alec. Hindi na din ako nakapagpaalam kena Pats.


"What happened to 'I have no time for men' that you've been saying ever since, huh? Ano? Dumating lang yung gago na yon bigla ka na lang magkakaganyan. I thought your studies is your top priority? Ano nagbago na ba ha Demetre Leighn?"


"Sandali nga Jexter Kace. I know that your bad and everything, i know that you are just worried for me. Pero teka lang ha? Ano bang ginawa kong mali para kwestyunin mo lahat tungkol sa akin? As far as I know, wala naman akong kasalanan, wala akong ginawang mali or sinuway na utos niyo. I'm just talking to the guy! Ni hindi ko naman niyakap o hinalikan! I'm just talking to him and nothing else!" hindi ko na kinaya kaya napasagot na ako dahil sa mga sinasabi nito.


"Deme—"


"oo nga siya yung admirer ko. He's been giving me gifts and all that. Wala namang masama doon! Walang ginawa yung tao para bigla mo na lang suntukin ng ganoon! Tsaka hindi ko naman siya boyfriend or kung ano para umakto ka ng ganoon. Yes I promised all of you and myself na studies ang top priority ko. But, can't I just be happy because someone is attracted to me? Mali bang maging masaya na may taong nagkecare sakin bukod sainyo na pamilya ko? Mali ba yon ha?"


"You know it's not that—"


"then what?!" hindi ko na napigilang sumigaw. "If it's not about that then what is this? Why are you all acting this way?! I promised Jexter. I promised! And of all people, it's you who would know that I will definitely keep that promise no matter what. May karapatan naman siguro akong maging masaya sa ibang bagay diba? May karapatan naman siguro ako diba?"


Hindi ko na ito hinintay na sumagot at direderetso na akong bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob ng bahay. Nakasalubong ko pa si Kuya Vandre na nasa sala pero hindi ko ito pinagtuunan ng pansin at umakyat na agad sa kwarto ko. Nilock ko ang pinto at sumalampak sa bean bag na nasa may paanan ng kama ko.

Consequences of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon