"Kasalanan mo ang lahat ng to! Kung hindi dahil dyan sa mga pinaggagawa mo hindi sana mangyayari to!"
Galit na galit sila sakin. Hindi ko maintindihan kung bakit at kung paanong naging kasalanan ko lahat.
"Umalis kana! Ayaw kong makita yang pagmumukha mo. Sisigiraduhin ko na hinding hindi na kita makikita pa!"
Ano bang nagawa kong mali? Masama bang magdesisyon ng para sa sarili ko? Ganon na ba kasama yung desisyon ko at humantong lahat sa ganito?
"Ayoko na Dem. Pagod na pagod na ako. Baka sa susunod na araw, ako naman yung maubos kakabigay ko sayo ng lahat ng meron ako. Kasi alam kong kahit gaano kadami o kalaki ang ibigay ko para sayo, alam kong hindi yun magiging sapat dahil iba naman ang hinahanap mo."
Isang desisyon na nauwi sa mali. Isang pagkakamali na kailanman ay hindi na mababawi.
Nagmahal lang naman ako. Mali bang sundin ang tinitibok ng aking puso?
BINABASA MO ANG
Consequences of Loving You
RomancePano mo masasabing mahal mo ang isang tao? Kapag ba lagi siyang nasa isip mo? Kapag namimiss mo siya? Kapag di ka mapakali dahil alam mong di siya okay? Kapag ba gusto mo lagi siyang nasa tabi mo? Matatawag pa bang pagmamahal kapag handa kang ibigay...