Chapter 14 - I'm Here

9 0 0
                                    

Enjoy reading! :)



I'm Here


Demetre Leighn Montano


"ANO?!"


Sabay sabay nilang sigaw pagkatapos magkwento ni Psalm tungkol sa nangyari kahapon. Nandito kami ngayon sa Amaris Cafe, yung cafe ni Chery. Lunchbreak kasi namin kaya dito namin naisipan pumunta tutal medyo mahaba haba ang break namin.


"ay teh lakasan niyo pa, mukhang hindi nadinig nung mga nasa kabilang kalsada eh." Sarkastikong anas ni Psalm.


Nag-peace sign naman sina Loise, "sorry naman teh gulat na gulat lang talaga."


"sabi na nga ba may kakaiba sa prof na yun eh." Nakakunot noo pa si Fritz na parang may inaalala.


Binatukan ko naman ito, "hoy grabe maka judge."


"grabe ka din makabatok sis!"


"kaya ba ang tagal ng meeting ng archi dept kahapon?" tanong ni Pats


Tumango ako. "masyadong importante si Prof sa archi dahil malaki na talaga ang naitulong niya sa madaming estudyante. Kaso hindi naman daw pwede na idisregard yung ginawa niya. Kahit pa ba sobrang galing niya na prof, once may ginawa ka na hindi tama, lalo pa at sa loob ng school, tanggal sa trabaho."


"kalat na nga sa dept namin eh. Ang dami ding nagsasabi na baka daw tanggalan siya ng lisensya." Dugtong ni Psalm.


I gasped, "hala bakit naman? Dahil lang doon sa ginawa niyang yon?"


"sissy, he is a professional, matanda na din siya kaya alam naman na niya kung ano ang tama at mali, dapat nung una pa lang alam niya na ang magiging kapalit ng ginawa niya. He harmed a student, at nakipagsabwatan pa din siya sa isang estudyante, meaning tinolerate niya yung mali na gawain, kaya hindi na nakakapagtaka na maalis siya sa trabaho and worse, matanggalan ng lisensya." Ani Pats


Natahimik na lang ako at di na sumagot. I was drowned with my own thoughts. Never in my life na naimagine ko na may matatanggalan ng pagkabuhayan dahil sakin. Ayoko ng ganto. I don't want to bring any harm to other people.


"hoy beshcakes! Hayaan mo na yon. Ang school na ang bahala na magdesisyon sa kung anumang mangyayari. Kalma kana lang jan." tinapik ako sa balikat ni Chery.


"tsaka hindi mo naman kasalanan yun sis. Si Alec ang nagsimula ng lahat kaya wag mong iisipin na kasalanan mo ang nangyari. Buti nga naisipin niyang solusyunan yung kasalanan niya eh." Ani Loise.


"syempre hindi ko maiwasan na isipin na what if pinigilan ko siya sa pagtulong sakin? Edi sana hindi na nangyari yung sa office diba? Inuna ko pa kasi ang landi eh. Yan tuloy." i answered

Consequences of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon