Chapter 8 - Thumping Heart

10 1 0
                                    

Thank you and Enjoy reading! :)




Is that my Heart thumping?


Demtre Leighn Montano


"OHMYGOSH besh! Tunay nga?"


Tumili tili pa talaga silang lahat habang nadidinig akong nagkwekwento. Nakabalik na kami kanina pa dito sa villa. It's currently 11 pm and andito kaming lahat sa may living area. Kinuwento ko sa kanila yung tungkol don sa lalaki na may magandang blue eyes. Sobrang bothered talaga ako at curious kasi dalawang beses na kami nagkita. I would not make it a big deal if we met for the second time sa city. Kaso dito talaga sa province kung saan kami nag out of town kami nagkita. Kaya sobrang di ko talaga mapigil yung feels ko. Kinikilig ako megesh!


"oh em! Baka si destiny mo na yun atih!" kinikilig na sabi ni Loise


"Mygsoh beshy! Finally magkakajowa kana!" sa aming lahat ata, si Psalm ang pinakatuwang tuwa. Hinawakan pa talaga nito ang dalawang kamay ko at ginalaw galaw. Napatigil lang kami sa pagtawa ng may biglang lumipad na throwpillow samin ni Psalm.


"Pare alam ko namang throw pillow ang tawag jan pero wag mo naman literalin." I glared at Kace, who throws the pillow.


Tiningnan niya muna kami ni Psalm ng matiim at may pagbabanta. "tumigil nga kayo sa kilig kilig nayan. Pano kung stalker pala yon ha Demetre Leighn?"


"ay grabe bes ang gwapo niya namang stalker, hindi accurate."


"tss. Matulog na nga kayo at hindi naman totoo yang mga kinakikiligan niyo. Malay ba natin kung masamang tao pala yon?"


Agad naman siyang binatukan ni Psalm, "napakabitter mo Jexter Kace. Tsaka wag ka ngang nega! Malay mo naman yun na talaga yung destiny ni beshicakes diba?"


"aruy, jellybels ka ba erp?" nakangising tanong ni Pats kay Kace.


"aruyy..." tudyo nilang lahat


"I'm not jealous. Nagiingat lang ako. We dont even know the guy. Besides, Leighn's not allowed to have a boyfriend yet. Not on me and her family's watch." Depensa nito


"ano ka ba Kace. Hindi ko naman sineseryoso yung pagkikita namin nung lalaki. It's just fascinating kaya natutuwa ako. Kasi nangyayari pala talaga yon inreal life. Nothing serious bro, chill ka lang." pigil ang tawa na pagpapakalma ko dito. Mahirap na, baka bigla nitong ireport kayna kuya o kay daddy, baka bigla pa akong pauwiin.


"nothing serious pero kung makakisay ka dyan sa kilig daig mo pa jellyfish." Nakasimangot na anas nito


"hoy grabe ka baliw!" nakangusong inirapan ko pa ito. Pero maya maya lang ay ginulo nito ang buhok ko at pabiro akong sinakal.

Consequences of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon