Chapter 6 - The Beginning of the End

14 1 0
                                    

The Start of my Downfall


Demetre Leighn Montano


"ma ayoko na ma." Madramang sabi ni Psalm na suminghot singhot pa kahit di naman umiiyak.


"ano bang nangyayari sayo Psalm Digma? Tuluyan kana bang nabaliw?" ani Patricia


"eh kasi naman eh. Pagod na pagod na akong gumawa ng plates." yumukyok ito sa lamesa "Ma suko na ako ma."


"hello tita?" kunwari ay kausap ko si Tita sa phone kaya agad naman napaangat ng tingin si Psalm at sinamaan kami ng tingin.


"cramming pa more sis." Ani Chery kaya natawa kaming lahat.


Today is Monday at nandito kami ngayon sa may food court. 1 month pa lang ang nakalipas nang magsimula ang first sem. We're now third year students at thankful sa isa't isa kasi nakahanap kami ng support system na talaga namang di kami iiwan kahit anong mangyari.


"bakit laging mukang stress tong si Psalm samantalang si Dem naman parang fresh lagi at walang iniisip na acads?" kunot noong tanong ni Loise


"number one fan ng cramming si Psalm eh kaya laging mukhang stress." Si Fritz ang sumagot kaya napatango silang lahat.


Umalma naman agad si Psalm "Hindi no. mataba lang talaga ang utak niyang si Demetre Leighn." Nakangusong sagot nito


"tumpak! Halimaw yang si Dem eh. Tamo mula 1st year top 1 sa deans lister hanggang ngayon. Grabe di ko keri yan mga erp." Ani Pat


Napatawa naman ako sa mga binitiwang salita ni Pat. Well sanay naman na kami sa kanya kasi mula ng maging close namin siya halos araw araw kaming tumatambay sa apartment nila ni Chery. Tsaka maangas lang talaga itong magsalita at matapang umasta pero pusong mamon din.


"grabe ka naman sa halimaw besh." Sabi ko at nginisihan lang naman ako ni Pats


"nga pala guys malapit na is my birthdayy!" hyper na sigaw ni Chery at napatingin tuloy samin ang ibang naroon pero pinagsawalang bahala na lang namin. Lagi naman kaming pinagtitinginan lalo na pag magkakasama kami. Di siguro nila expect na magiging magkaibigan kaming lahat na magkakaibang personality.


"buti na lang talaga at Saturday ang birthday mo saktong walang klase." Ani Fritz


"oo nga. Kaya we're gonna celebrate until we pass out. Omg im so excited!" impit nitong tili


Pag talaga mga gala at kung ano anong kasiyahan or party lumalabas ang pagkakikay ni Chery. We love her nonetheless.


"saan ka ba magcecelebrate?" tanong ni Loise


"my father gave me money bahala na daw ako kung ano gagawin ko don. Kaya nagpareserve ako ng villa for us! We're gonna have staycation away from the city!"

Consequences of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon