Chapter 5 - Bestfriend #5

16 1 0
                                    

Pambawi hehe :) Next update will be the present times, the start of everything. so please keep on reading.. 

Please do vote or comment if you like the story and share your thoughts about it. Thank you so much for reading and appreciating my story!

Enjoy! :)




The Descendant of Gabriela Silang Friend


Demetre Leighn Montano


2nd Year College


"Ayoko na talaga! Pagod na pagod na ako!" nakasubsob sa table na reklamo ni Fritz.


Nandito kami sa cafe nina Chery kasi Friday ngayon and kakatapos lang ng last class naming lahat. Pati si Loise ay kasama namin kahit kanina pa naman ito tapos sa klase. Wala naman daw itong gagawin. Dito lang din pala siya sa univ nagaaral at kablockmate pala ito ni Chery, pareho silang Fine arts ang kinukuha.


Kanina pa din nagrereklamo si Fritz sa sobrang pagod. Ngayon lang namin ito nakasama ulit. Pagod na pagod na daw ito sa sobrang dami ng ginagawa para sa President's cup na mangyayari 2 weeks from now.


"Yan kasi, may pagsali ka pa sa student council eh." Ani Chery na busy sa pagnguya ng banana chips


"hindi naman kasi ganito kastress yung student council nung first year eh. Naghigpit lang talaga bigla kasi bago na yung president." Depensa ni Fritz sa sarili


"Sino ba yung bagong president? Sobrang higpit ba?" tanong ni Loise


"seriously di mo kilala?" gulat na tanong ko dito at umiling lang naman ito sakin. "Si Maria Patricia Padilla, yung matapang na babae na taga masscom. Miyembro siya ng halos lahat ng orgs dito sa school at walang may lakas ng loob na kumalaban sa kanya. " paliwanag ko.


"and from what I heard, her family is also powerful and she definitely knows how to throw a punch. Kahit muka siyang maamo at payat, andaming lalaki na ang napatumba niya. Lalo na yung mga nakikita niyang lumalabag sa rules ng school." Dagdag ni Chery


"She's a descendant of Gabriela Silang." Ani Fritz na tumunghay na.




"MGA BESH 911!" bungad ni Chery


Andito kami ngayon sa may park sa tapat ng food court. May mga bench kasi dito at tables and mas masarap dito tumambay kasi nga open space so fresh air ganorn. Kaya nagtake out na lang kami ng food sa foodcourt tapos dito na namin kakainin sa may bench sa dulo.


Today is Monday, and ngayon ang simula ng President's Cup. Walang klase ngayon kaya dito namin napiling tumambay. Kaming 4 lang ngayon ang magkakasama kasi wala si Fritz dahil busy ngayon sa pagaasikaso ng event ang student council.

Consequences of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon