Chapter 18 - Green-eyed Monster

8 0 0
                                    

Green-eyed Monster


Demetre Leighn Montano


"THAT'S IT! I'm calling the police!"


"pwede ba Jexter Kace?! Kumalma ka nga!"


"Do you really think I can be calm right now?!"


"Uh—hello? Nandito pa kami, baka naman pwedeng pakihinaan yung boses kasi kanina pa kami naririndi."


Napatigil lang si Kace at Psalm nung sinaway sila ni Pats. Kanina pa kasi nagtatalo ang mga ito. Nandito kami sa apartment nina Chery, dahil nga wala pang klase ay nagkasabay kami sa paglunch. Naisipan namin na dito tumambay, kaming girls lang actually. Kaso maaga din nadismiss ang klase ni Kace kaya pinasunod ko siya dito para naman may kasama siyang maglunch.


Kaso lang, huli ko ng narealize na makikita ni Kace yung mga regalo sakin nung admirer ko for this day, isang bouquet ng red roses at 3 boxes of Cadburry shots. Kaya kanina pa nagtatalo ang dalawa, si Kace na gustong tumawag sa police para daw paimbestigahan kung sino man yung stalker ko, at si Psalm na ayaw pumayag.


"Seriously though, hindi naman ganoon ka-extreme yung ginagawa ng admirer ni Dem. Kaya hindi naman na siguro kailangan na dalhin pa sa police yung issue." Biglang sabat ni Fritz.


"Stalker, hindi admirer." Itinama talaga ni Kace, "and what do you mean this is not extreme? Kulang na nga lang matabunan si Leighn kagabi nung binuksan niya ang locker niya eh. Hindi pa ba extreme yon?"


"Hindi ka ba hinihingal pare?" ani Pats


Napasabunot na lang si Kace sa buhok niya sa sobrang frustration. Well, 6 kami na babae dito, nag iisa lang siya. Kaya paniguradong kanina pa siya naiistress samin.


Sumenyas muna ako kena Psalm bago ko nilapitan si Kace. Kung hindi ko pa siya kakausapin, baka talagang lakarin na niya ang police station.


"Bub..." i held his arm and lean on his shoulder. "just let it slide, okay? Wala naman siyang ginagawang masama eh."


"that, you never know Demetre Leighn." he firmly said.


Okay, kailangan ko na talagang mapakalma si Kace. He called me by my name, he's furious.


"I know, pero wala pa naman siyang ginagawang masama eh. Maybe he just wants to help me. And besides, there's nothing wrong with admiring someone diba? Let it slide na please bub? Atsaka, nandyan ka naman eh. I know you'll protect me bub." I am showing him my cheeky smile and I know that he would be shaken. Cross fingers.


He looked at me, baffled. Pero maya maya din ay umiwas na ito ng tingin at nagbuntong hininga.


Yes! I mentally applaud myself. He's calm now. I just hope na hindi niya na sabihin kena Daddy, dahil baka hindi lang yun sa police station magpunta.

Consequences of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon