Thank your for waiting uwu
Enjoy Reading! :)
The Talk of the Town
Demetre Leighn Montano
"Ako naiinis na ha. Kanina pa sila tingin ng tingin satin. Ano ba kasing meron?" iritadong sabi ni Psalm
Today is Tuesday at sabay kaming pumasok ni Psalm. Nasa bahay kasi si Kuya Xandre ngayong week kaya sa kanya na lang kami nagpahatid. Tapos pagpasok na pagpasok pa lang namin ni Psalm sa gate, pinagtitinginan na agad kami ng mga tao.
I have a bad feeling about this..
"Wag mo na lang sila pansinin besh—"
Di ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang may humila samin ni Psalm—si Pats pala. Dinala kami nito sa student council room.
"anong meron?" takang tanong ni Psalm. Pagpasok kasi namin ay nandoon silang lahat, kahit si Fritz na mamaya pa ang pasok.
"Why didn't you tell us Dem?" seryosong tanong ni Loise
"Okay, I'm confused. What's happening guys?" naguguluhang tanong ni Psalm
"Something happened yesterday..." ani Chery
"Dem..." tawag sakin ni Fritz
Sinasabi ko na nga ba eh. Sigh.
"Guys... ano ba kasing meron?" iritado na si Psalm
"It's about Dem..."
"what about her?"
"...and Alec Hunter Williams, si Kuya blue eyes." Pagtutuloy ni Pats sa sinabi ni Loise
Ilang minutong katahimikan ang namayani bago galit na nagsalita si Psalm.
"anong ginawa ng gago na yon kay Dem?"
"guys, wala namang—"
"hush babe. Wag mo na ipagtanggol yung gago na yon." Putol ni Fritz na kinagulat ko. Seryosong seryoso kasi ang mukha at boses nito.
"Tinulungan ni Hunter si Dem kahapon sa pagbitbit nung mga written works niyo at hinatid din siya sa faculty room. May mga picture na kumakalat na hawak ni Hunter yung kamay ni Dem at don na nagsimula yung mga rumors na nilandi daw ni Dem si Hunter." Nagtatagis ang bagang na kwento ni Pats
BINABASA MO ANG
Consequences of Loving You
RomancePano mo masasabing mahal mo ang isang tao? Kapag ba lagi siyang nasa isip mo? Kapag namimiss mo siya? Kapag di ka mapakali dahil alam mong di siya okay? Kapag ba gusto mo lagi siyang nasa tabi mo? Matatawag pa bang pagmamahal kapag handa kang ibigay...