Chapter 9 - The Bodyguards

12 1 0
                                    

Sorry for the late update. Thank you for waiting!

Enjoy Reading! :)



The Bodyguards


Demtre Leighn Montano


"Demetre Leighn Montano, pinapatawag ka ni Kuya sa family area." Bungad ni kuya Vandre ng mapagbuksan ko ito ng pinto.


"ano big brother ikaw ba yan?" biro ko dito.


Today is Saturday at nandito lang ako sa bahay. I was doing my plates when my brother suddenly barged inside my room.


Naguguluhan naman akong nakatingin dito dahil nanatili lang itong walang emosyon sa mukha at nakatitig sakin ng seryoso. Napatayo tuloy agad ako para lumabas at sumunod kay kuya papuntang family area.


And there I saw Daddy, Kuya Xandre, Kuya Vandre and Kace looking at me seriously.


Uh-oh... "Am I in trouble?" nakangiwing tanong ko.


"sit down" matigas ang boses na utos ni Daddy.


"uhm... may nalabag po ba akong rules?"


"Ano itong nadidinig namin na may sunod daw ng sunod sayo na lalaki?" magkasalubong ang kilay na tanong ni Kuya Xandre


Nakanganga lang akong nakatingin sa kanila. Di makapaniwala pano umabot sa kanila yung balitang yon. And then it dawned on me.


I glared at Kace and he just grinned making me more annoyed.


I rolled my eyes at them. "ang over acting niyo po. Wala lang yon okay? Nagkataon lang po yon."


Kuya Vandre eyed me suspiciously, "nagkataon lang? tatlong beses tapos nagkataon lang? iba't ibang lugar pa?"


Gulat naman akong napatingin dito. I mean paano nila nalaman na tatlong beses eh wala naman si Kace nung huling beses kaming nagkita which is last week?


"Don't give us that look. Kala mo di namin malalaman no?" ani Daddy


I sighed "daddy, wala nga lang yon. Nagkataon lang talaga siguro na nasa iisang lugar kami for three times. Tsaka mukha naman siyang harmless eh."


"nako Demetre Leighn ha. Hindi natin alam kung ano ba talaga ang pakay sayo ng lalaking yan. Malay mo kinukuha lang pala niyan ang loob mo tapos kikidnapin ka at sasaktan pag pinagkatiwalaan mo na." sabi ni Kuya Vandre


"tama, mamaya manloloko pala yan, baka iscam ka pa." ani Kace


Consequences of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon