Chapter 2 - Bestfriend #2

13 1 0
                                    

The Nerdy Friend at the Library


Demetre Leighn Montano


2 years ago Freshman Years


"Bakit naman kasi may pathesis papers agad besh! Nakakaloka ha!"

Kanina pa ako dito sa library ng school. May research subject kasi ako and sobrang nakakashook talaga siya mga besh. Binigay lang samin yung mga outline and all those stuffs na kailangan namin sundin para makagawa kami ng thesis and nada. Yun na yon. Kami na daw bahala gumawa and magfigure out ng mga things and such.

Kaya eto kami ngayon ng mga kagroup ko sa thesis na yon, naghahanap ng libro for reference and pati na din yung mga other needs namin sa ibang subjects. Bilin kasi ng prof namin, dapat daw lahat ng references namin and yung mga bases namin ay from a book, ayaw daw niya ng galing sa online kasi. Buti na lang apat kami sa group and lahat kami nakagawa na ng thesis nung highschool.

"Nakahanap ka na ng book for reference?" tanong ni Psalm

Hindi kami magkagroup kaya di ko alam bakit kasama ko tong babaeng to. Pero syempre blockmates kami kaya okay lang. And isa pang maganda ay last subject namin tong thesis edi kung tapos na kami halimbawa sa part namin pwede na kaming mauna umuwi kasi walang class na kasunod.

"Sis kung nakahanap na ako edi sana kanina pa ako sa bahay. You know how i hate doing school stuffs outside."

Tinawanan lang naman ako nito at nagpatuloy nadin siya sa paghahanap. After 30 minutes of looking nahanap ko na din yung book na kailangan ko, kaya nagfill up lang ako ng form don para mahiram ko yung book outside library. Nagpaalam na din ako sa mga kagrupo ko and kay Psalm. Gusto na nga nitong sumama kaso hindi pa nito nahahanap yung book na kailangan nito.

"Beshy wait mo na kasi ako. Mabilis na lang to promise." Nag pout pa to sakin kaya binatukan ko

"panget mo wag ka gumanyan."

Sige na ha wait mo na ako. Malapit na ako matapos mga ilang minutes na lang. basa basa ka na muna ng kont i dyan fren."

Wala na akong nagawa kundi intayin ito. I decided to sit sa may dulong table malapit sa book shelves. While i was walking towards the table halos lahat ng malapit don ay nagbubulungan at may tinitingnan. Akala ko nga ako eh pero hindi pala. Yung girl ata na may glasses na namimili ng book. Kaya pagkaupo ko don sa may table ay napatingin din ako sa kanya.

Hala! Nagmamadali akong naghalungkot sa bag ko at kinuha yung pads. Mabilis na naglakad ako palapit don kay ate girl at hinarang ko yung sarili ko sa back niya. Gulat naman itong napatingin sakin.

"what are you doing?" she looked at me, shocked.

"miss you have a period stain." Mahinang bulong ko dito.

Agad niyang tiningan ang skirt niya. She looks like about to cry kaya bumulong agad ako na I have pads in my pocket. Nagpasalamat naman siya kaya sinamahan ko siya sa cr na malapit. Babalikan ko na lang si Psalm. After changing I let her burrow my jacket para matakpan yung skirt niya. Todo pasalamat naman ito sakin at sinabing ibabalik din agad bukas. Aantayin daw niya ako dito sa library kaya I said yes na lang kahit di ko alam kung babalik ako dito sa Lib bukas. Sabay kaming bumalik sa Library at nagpaalam na ako, nakita ko kasing nagfifill up na ng form si Psalm. Kinuha ko na yung mga gamit ko at pinuntahan si Psalm.

"hoy bruha san ka galing? Akala ko talaga umalis kana." Nakataas kilay agad na tanong nito sakin.

"may tinulungan lang ako don. Ano tara na?"

Consequences of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon