A/N: Guys i fa-fast forward ko na yung pangyayari ah haha!----
Grabe ilang months na lang wala na ako sa school na 'to. Kasi gra-graduate na kami.
Oo nga pala mas naging close kami ni Kyle. Lagi niya na rin akong hinahatid sa bahay namin.
Ewan ko ba kung anong meron pero parang nag-iba yung pakikitungo niya sa akin, basta parang may iba eh.
"Kumain ka na?" Nagulat ako sa biglang pagtatanong niya break time na kasi namin eh. At nasa loob pa rin ako ng classroom kasi kailangan kong taposin yung pinapagawa ng adviser namin.
"Malamang hindi pa. Hindi pa nga ako nakakalabas ng room kaya malamang di pa ako nakakain." Sagot ko. Ganyan na ako sumagot sakanya close na close na kasi kami 'di tulad nung dati na medyo nahihiya pa ako at medyo awkward pa.
"Oh ito!" May inabot siya sa aking box.
"Ano 'to?" Binasa ko yung nakasulat sa box. Mukhang dessert o bread ang laman nito.
Binuksan ko na at.. wow! Yung favorite ko! RED VELVET CAKE! Isang slice nga lang.
"Ang sarap! Thank you Kyle! Sige kakainin ko na 'to." Kukuhanin ko na dapat ang kaso nakalimutan ko walang kutsara.
"Wala pala akong kutsara. Mamaya ko na lang siguro kakainin." Ano ba yan gusto ko na sana kainin ngayon. Ibinalik ko na yung takip.
"Teka! Kukuha ako ng kutsara. Kainin mo na ngayon mahirap yung may ginagawa ng walang kinakain." Pag-tigil niya sa akin sa pag-sara nung box. At lumabas siya ng room. Pupunta siguro siya ng canteen para kumuha ng kutsara.
Maya-maya lang ay bumalik na siya tapos may dalang tubig at kutsara.
"Oh ano yan? Bakit may tubig kang dala?" Tanong ko sabay turo sa tubig na dala niya.
"Para sayo baka mauhaw at mabulunan ka." Sabi ko sa inyo may kakaiba sa kanya eh.
"May tubig naman ako eh! Dapat di ka na bumili. Sige kakainin ko na 'to." Kinuha ko yung kutsara niya at kumain.
Habang nakain ako nakatitig lang siya sa akin at nakangiti anong problema nito?
"Teka nga, alam mo di ako makakain ng maayos dahil sayo. Bakit ka ba nakatingin?" Tanong ko pag-katapos kong nguyain yung kinakain ko. Ang sarap!
"Ang ganda mo kasi." Namula naman yung mukha ko pag-kasabi niya nun.
"Hahaha! Ikaw talaga palabiro! At saka matagal ko ng alam na maganda ako kaya di mo na kailangan sabihin." Pagbibiro ko sabay hampas sa braso niya. Para mawala yung pamumula ng pisngi ko.
"Salamat dito sa cake ah! Ang sarap! Alam mo may kakaiba talaga sayo." Sabi ko habang inaayos at nililigpit yung mga kalat, yung box kung saan nakalagay yung slice ng red velvet cake na ngayon ay simot na simot at ubos na ubos ko.
"Di pa ba halata yung mga ginagawa ko? Hinahatid sundo kita sa bahay niyo. Gusto ko lagi kang masaya, yung tine-text kita lagi kung kumain ka na. Hindi pa ba halata?" Nalito naman ako sa sinabi niya.
"Ha? Bakit ano bang meron sa ginagawa mo?" Tanong ko ulit.
"Gusto kita Kei!! Kaya tatanongin kita kung puwede kitang ligawan?" ANO!!?
"Huwag mo nga akong biroin. Haha!" Pinilit ko na lang tumawa para di masyadong awkward.
Ilang minuto rin yung katahimikan at dinagdagan ko yung sinabi ko.
"Totoo ba talaga? Kasi kung totoo.. alam mo na mang hindi ako papayag." At kung totoo nga ang saya ko dahil gusto niya rin ako.
Pero sabi ko nga ..
"Alam ko naman na di ka papayag pero hayaan mo kong gawin yun sayo. At maghihintay ako hanggat ready ka na." Mag-hihintay siya para sa akin?
"Ah! Hana!" Buti na lang dumating si Hana. Hindi ko kasi alam kung anong isasagot ko.
Tumayo na ako sa upuan at pinuntahan si Hana na nasa pintuan.
Nakita ko naman si Kyle na sinundan ako ng tingin.
"Tara Hana sa library tayo!" Hinila ko si Hana at lumabas kami ng room. Gusto ko muna makausap ang bestfriend ko tungkol dito!
Tinawag ako ni Kyle pero hindi ko ito pinansin.
---
"Anong nangyari?? Bakit bigla ka nalang nanghila ha?!" Nandito kami ni Hana ngayon sa library.
"Kasi si ano.. si.." nagaalangan pa ako sabihin kay Hana.
"Ano? Si ano? Hay naku Kei! Sabihin mo na nga!" Naiinis na sabi ni Hana.
"Si Kyle kasi.. ano.." hindi ko talaga masabi.
"Ano ba Kei! Sasabihin mo ba o hindi.. paputol-putol ka eh!" Nainis na tuloy si Hana sa akin. Buti nga di siya napasigaw kundi papalabasin kami dito sa library. Bakit ba kasi naisipan kong dito kami pumunta?
"Si Kyle kasi inamin niya sa akin na gusto niya ako at gusto niya raw ako ligawan." Nakita kong biglang lumaki yung mata niya.
"OH MY GOSH!! TALAGA? SINASABI K-" di natuloy yung sinasabi niya dahil tinakpan ko yung bibig niya. Nasa library kami diba? Bawal ang maingay at sumigaw.
"Shhh!" Pagpapatahimik ko.
"Sorry! Kyaaa! Talaga sinabi niya yun? Ano namang sagot mo? Ayos yun ah! Gusto ka niya, gusto mo rin siya. Edi maganda! Eh anong problema?" Medyo hininaan niya na yung pag-sasalita niya.
"Pero Hana .. alam mo namang hindi puwede. Kahit gusto ko siya hindi puwede." Nakunot ang noo niya.
"Hayss! Oo alam ko mas priority mo ang pag-aaral so hindi mo siya pinayagan ganun ba?" Kilala na niya talaga ako.
"Oo." Maikli kong sagot.
"Hay naku Kei, bahala ka na kung gusto ka talaga niya o kaya sabihin na nating kung mahal ka talaga niya kaya niyang mag-hintay diba?" Napatango naman ako sa sinabi ni Hana.
"Siguro nga. At sana totoo yung mga sinasabi niya di lang trip." Sabi ko habang nakapangalumbaba.
"Oo nga pala. Bukas na yung test para sa libreng pag-aaral sa U.S. Ano mag-tetest ka ba?" Oo nga pala yung school namin parang kakabit ng school sa isa sa mga university sa U.S. kaya nag-aalok sila ng ganto.
Maganda ang university na yun kaya gustong gusto kong dun mag-aral.
"Oo magte-test ako." Kapag nakapasa ako sure na yun na doon ako mag-aaral pero...
---------
Sorry ngayon lang po ako nakapag-update. :))
VOMMENT KAYO PLEASE! *nagpacute* HAHAHA
~Yeolie~
~Kamsa~
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Pero..
RandomStudies na isa sa mga pinakamahalagang priorities mo o love na biglaan na lang dumadating? COVER MADE BY: MaricrisMaliglig