Nailibing na rin si mama. At halos mamaga yung mata ko sa pagiyak.
At balik eskwela na rin ako. Di ako puwedeng lumiban ng matagal.
Inihanda ko na ang mga gamit ko para sa pag-pasok. At bumaba na ako ng sala para mag-almusal.
"Ok ka na ba anak? Sigurado ka bang papasok ka na?" Nagaalalang tanong sa akin ni papa pati yung kuya ko mukhang nag-aalala na rin.
"Opo pa. Di naman porket wala na po si mama a-absent na lang ako at di na papasok. Di naman po puwede yun at baka magalit si mama." Ngumiti ako ng pilit para ipakita na ayos lang ako kahit na medyo hindi pa.
Natapos na akong kumain. At kinuha ko na ang bag ko na nakasabit sa upuan ko.
"Alis na po ako pa, kuya." Pagpapaalam ko kay papa at kuya.
----------
"Kei! Kamusta?" Ang maingay na bestfriend ko ang bumungad agad sa akin pag-kapasok ko ng room namin.
Dumeretso na agad ako kung saan ako nakaupo at sinundan naman ako ni Hana. Isinabit ko na rin yung bag ko sa upuan na nasa harapan ko.
"Ok lang ako Hana." Matamlay na sagot ko.
"Sure ka Kei? Gusto mong mag-joke ako?" Sabi niya sa akin at tumayo siya sa kinauupuan niya at humarap sa akin. Tinignan ko naman siya.
"Ikaw magjo-joke? Wag na Hana. Ayoko ng korning joke." Pagbibiro ko sa kanya.
"Grabe ka naman Kei! Gusto lang naman kitang patawanin." Pagtatampo niya sabay talikod sa akin.
"Uy! Sorry na! Thank you rin." Niyakap ko siya pagkatapos nun. At niyakap niya rin ako pabalik.
Sweet ng friend ko diba?
Kaya humarap siya sa akin. At nginitian ako.
"Goodmorning!" Sabay kaming humarap doon sa bumati sa amin at nakita namin ang maaliwalas na mukha ni Ventura.
"A.. ha-hi!" Utal utal na pagbati ni Hana ako naman ngumiti na lang ng bahagya. At kumuha ulit ako ng libro sa bag ko.
"Ngiti na ba yan?" Humarap ulit ako kay Ventura dahil sa tanong niya.
"Ha?"
"Yan! Ngiti na ba yung ginawa mo kanina?"
"Oo. Bakit? Ano pa bang ibang tawag doon sa ginawa ko?"
"Tuturuan kitang ngumiti. Kaya hintayin mo ko mamaya sa labas. Huwag ka munang umuwi." Saan naman ako dadalhin nito?
"Ha? Bakit saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. Ang kaso bigla na lang dumating yung teacher namin kaya ayun di niya nasagot yung tanong ko.
"Class ready na ba kayo sa quiz natin?" Tanong ng teacher namin.
"Yes maam!" Malalakas na sagot ng mga kaklase ko ako naman ganito pa rin parang lantang gulay at walang gana.
Na mi-miss ko na kasi si mama.
30 minutes, yun yung binigay na time sa amin para sagutin yung quiz namin.
Pero bakit ganoon walang pumapasok sa utak ko. Wala akong masagot.
"Ok tapos na ang 30 minutes. Pass your papers na." Utos ng teacher namin at pinasa na paharap yung papers.
Pagkapasa ng mga papel agad agad na tsinekan ni maam yung mga ito.
Pagkatapos tinignan niya ako. At yung itsura niyang yun ay parang gulat na gulat.
"Ms. Agustin! Anong nangyari sayo? Bakit 1 point lang ang nakuha mo sa quiz? At congrats Mr. Ventura perfect ang score mo." Nagulat lahat ng mga kaklase ko at tumingin silang lahat sa akin.
Malaki kasi ang expectation nila sa akin. Mahirap din kasing maging Rank 1 sa klase dahil lagi nilang inaasahan na matataas yung makuha mong grade.
Kaya naman lahat sila ay nagulat.
"Anong problema Agustin? At ang baba ng nakuha mo?" Tanong sa akin ni maam.
"Sorry po." Yumuko na lang ako dahil nahiya rin naman ako.
Ako kasi nakakuha ng pinakamababang score na kabaliktaran na dapat kong makuha.
"I understand Agustin, pero di mo dapat pinapabayaan yang pag-aaral mo." Alam ni maam na .. na wala na si mama.
Yumuko na lang ako ulit. At mayamaya pa may naramdaman na akong basa sa mukha ko.
Umiiyak na pala ako.
Nakakainis! Nakakainis talaga!
Akala ko tutuparin ni mama yung promise niya. Pero bakit iniwan niya ako agad?
Di ko na mapigilang mapaiyak pa lalo kaya ipinatong ko na lang ang ulo ko sa desk ng upuan ko.
Wala na rin naman si maam kaya ok lang.
"Kei ok ka lang?" Tanong sa akin ni Hana.
"O-oo ok lang ako." Sagot ko. Halata sigurong umiiyak ako kasi nauutal utal ako.
"Kei. Umiiyak ka ba?"
"Hi-hindi ok lang talaga ako." Sagot ko pero hindi ko pa rin inaangat yung ulo ko para humarap sa kanya nakapatong pa rin ito sa desk.
Ayokong may makakitang umiiyak ako. Lalo na't andito pa ako sa room at nandito lahat ng classmates ko.
"Sigurado ka? Iaangat mo nga yang ulo mo. Humarap ka sa akin. Kung ok ka lang talaga!" Mukha ng nag-aalala sa akin si Hana pero di ko pa rin inangat ang ulo ko.
"Please Hana. Ok lang talaga ako. Please wag mo muna akong kausapin please." Pakikiusap ko sa kanya. Buti nga naririnig at naiintindihan niya pa ako. Kasi nahikbi na nga ako nakayuko pa ako.
"Ok sige Kei." Matamlay yung tono ng boses niya. Di ko alam kung anong ekspresyon ng mukha niya ngayon. Pero sa tingin ko malungkot din siya.
Di niya na rin ako kinulit.
Pero maya maya pa ay may kumalabit na sa akin.
"Kei! Uy! Mamaya ah! Wag ka munang umu-- teka teka! Ok ka lang?" Sigurado akong si Ventura 'to.
"O-ok lang ako." Sabi ko habang naiyak pa rin.
"Uy! Sigurado ka? Puwede mo kong kausapin kung gusto mo."
"Sabing ok lang ako. Iwanan mo muna ako please."
"Keila! Iaangat mo nga yang ulo mo. Ito panyo punasan mo yang luha mo. Alam kong naiyak ka. Kaya ito--"
"DIBA SINABI KO NG OK LANG AKO!! BAKIT BA ANG KULIT MO!! DI KA BA MAKAINTINDI NG TAGALOG? SIGE ITO. LEAVE ME ALONE!!" Naputol yung sasabihin ni Ventura ng bigla akong sumigaw at lahat na rin ng kaklase ko nakatingin sa akin. Lahat sila nabigla sa pagsigaw ko.
"So-sorry. Gusto ko lang naman na-" di ko na siya pinatapos at tumakbo na ako palabas ng room at pumuntang clinic.
Nagpalusot na lang ako na masama pakiramdam ko. Para hindi ako pabalikin sa room.
At natulog na lang ako baka pag-gising ko. Malimutan ko na lahat ng nangyari.
----------
Kyaa! Haha nakita ng classmate kong lalaki 'tong chapter na 'to ang drama daw! Haha madrama naman talaga.
Vote and comment please! Dedicated sayo next chapter promith!
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Pero..
De TodoStudies na isa sa mga pinakamahalagang priorities mo o love na biglaan na lang dumadating? COVER MADE BY: MaricrisMaliglig