Ngayon pala yung pag-punta namin sa perya.
Simple lang naman yung suot ko t-shirt na white na may nakasulat na 12. Tapos pants at vans at may dala rin akong maliit na bag.
Time check 2:30. Ok na 'to puwede na akong umalis 30 minutes ang byahe malapit lang naman ang school namin.
Pag-kababa ko ng jeep sa harap ng school namin ay hinanap agad ng mata ko si Kyle.
Pero hindi ko siya nakita.
Pero mayamaya pa ay may nakita na akong tumatakbo papunta sa direksiyon ko.
At nakita ko na nga si Ventura!
"Sorry ah! Late ba ako.?" Hingal na hingal na sabi niya tumatakbo kasi siya nung papunta siya dito kanina.
"Hindi naman." Maikling tugon ko.
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Simple lang rin yung damit niya ngayon. Pero alam mo yung ang lakas ng dating.
"Tara na!?" Yaya niya sa akin ng nakangiti.
"Naku please lang wag kang ngumiti ng ganyan." Tumingin ako sa ibang dereksiyon at mahinang sinabi yun. Pero mukhang narinig niya ata.
"Ano?"
"A.. ano wala. Sabi ko tara na!" Hinila ko na siya.
"Wait lang. Masyado.ka atang nag-mamadali." Napatigil ako sa pag-hila sa kanya at tinignan siya.
"Hindi kasi diyan yung daan. Excited ka ata." Napapikit ako ng sabihin niya yun. Bigla akong nahiya eh! Tinawanan niya pa ako.
"Ay! Sorry!" Napakamot na lang ako ng ulo ko.
----------
Andito na kami ngayon sa sinasabi niyang perya.
Makikita mo sa mukha ng mga tao yung mga malalaking ngiti nila.
May iba't iba akong nakitang mga laro. Merong Ferris wheel, carousel at iba pa.
"Halika dito tayo!" Hinila na naman ulit ako ni Ventura.
"Kuya isang laro nga po!" Sabi ni Ventura doon sa nagbabantay.
Ang lalaroin ata namin yung parang dart ang kaso di dart board yung tatamaan namin kundi yung mga prizes na umiikot.
Meron nga akong isang nagustuhan doon sa mga prizes. Wallet na kulay yellow. Favorite color ko kasi yung yellow eh!
Dinukot ni Ventura yung wallet niya sa bulsa ng pants niya. Tapos kumuha siya mg 20 pesos at ibinayad doon sa mamang nagbabantay. At ibinigay naman sa kanya yung pang-tama doon sa mga prizes.
"Ano bang gusto mo?" Tanong sa akin ni Ventura habang hawak niya yung pantama doon sa mga prizes.
"Ako? Hindi.. ano wala.." pagtatanggi ko. Kahit meron naman.
"Tsk! Meron eh! Nakita kitang nakatitig doon sa wallet na yellow kanina. Teka kukuhain ko yun para sayo. Magaling ako dito kaya isang tirahan lang makukuha ko na yun." Sabi niya at akmang titirahin na yung wallet.
Pfft.! Haha! Di niya natamaan.
"Pfft.. akala ko ba magaling ka diyan?" Napabungisngis ako dahil nag-mayabang pa siya di niya naman natamaan.
"Hindi nag-kamali lang ako. Isa pa! Kuya isa pa nga po." Nag-abot ulit sa kanya yung manong ng panira.
Pero di niya pa rin natamaan.
Ilang beses niyang ginawa yun pero wala pa rin. Hahaha! Sa huli sumuko rin siya at di niya nakuha yung wallet. Sayang naman. Naku bibili na lang ako ng katulad nun.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Pero..
RandomStudies na isa sa mga pinakamahalagang priorities mo o love na biglaan na lang dumadating? COVER MADE BY: MaricrisMaliglig