"Wooohh!!! Graduate na tayo Kei!! Congrats sa valedictorian namin wooh! " niyakap ako bigla ni Hana. Oo nga pala graduate na nga kami. Nagkakagulo na ang mga estudyante dahil tapos na ang graduation ceremony. May nakikita akong nag-iiyakan tapos nag-yayakapan.
Parang naiiyak na rin tuloy ako. Bakit sila ganyan makikita pa naman nila ang isa't isa di naman malayo yung pupuntahan nila. Di tulad ko ang layo. Sa U.S. na talaga ako mag-aaral. Di ko na makikita araw-araw yung pamilya ko pati na rin ang bestfriend ko.
Sayang wala si mama siguradong proud na proud yun sa akin. Valedictorian kaya anak niya!
"Uy!! Umiiyak ka ba??" bigla naman ako napahawak sa pisngi ko. At umiiyak nga ako.
"Dapat masaya ka diba? Kasi graduate na tayo?" humarap ako kay Hana at pinunasan niya yung luhang tumutulo sa mata ko.
"Eh.. kasi.. " di na ako makapag-salita dahil s pag-iyak ko.
"Hoy!! Ano ka ba!! Di ka pa naman aalis diba? Wag ka ngang mag-drama! At saka isang araw pa bago ka umalis." tama siya dalawang araw pa pero maikli lang yun eh. Naayos ko na rin pala yung mga kailangan ayosin para makaalis na ako agad. Naayos na yung passport ko tinulungan ako ng school namin.
"Gusto mo bukas buong araw tayong mag-bonding eh! Gusto mo isama pa natin si Kyle." sinamaan ko naman siya ng tingin nung ngumiti siya at siniko niya yung tagiliran ko ng binanggit niya yung pangalan ni Kyle.
"Speaking of.. nasa likod mo siya." tumingin naman ako sa likod ko at nakita si Kyle na nakangiti ma mi-miss ko yang ngiti na yan.
"Hi.. congrats. Graduate na tayo!! Pero bakit sobrang busangot yang mukha mo diba dapat masaya ka?" Tama siya dapat masaya ako pero kasi...
"Eh kasi naman eh.." bigla na namang tumulo yung luha ko.
"Hala!! Halika nga!!" nagulat ako ng bigla niya akong hilahin at niyakap.
"Ssh! Ang iyakin mo talaga noh?" Narinig kong sabi niya habang yakap yakap pa rin niya ako.
"Last day ko na bukas. Pagkatapos nun aalis na ako. Kaya ako naiiyak." pagpapaalala ko sa kanya
"Ano ba yan Kei!! Tama na nga yang drama!! At payakap na rin masyado kayong PDA eh!" naramdaman kong yumakap na rin si Hana sa amin.
"Ma mi-miss kita bestfriend." napaluha ako ng marinig ko iyon. At naramdaman ko na basa na yung damit ko.
"Akala ko bawal malungkot bakit ka naiyak?" tanong ko kay Hana at humiwalay na rin ako sa pagkakayakap.
"Ang drama niyong dalawa." tinignan naman namin ni Hana ng masama si Kyle.
"Oo nga pala. Basta bukas ah?" Pinunasan niya yung luha niya at humarap kay Kyle.
"Kyle sumama ka magbo-bonding kami ni bestfriend." Pag-yaya ni Hana.
"Sure. Ako pa ba? Lulubusin ko na ang pag-papasaya dito kay Kei." binigyan naman niya ako ng wink pag-katapos nun.
"Yuck! Tigilan mo nga yan!" Pandidiri ko kunware pero sa totoo lang kinilig ako. Ay hala!!
Bukas na. Lulubusin ko na rin ang bonding namin bukas.
—————
"Ang tagal mo naman Kei!!" Narinig kong sigaw ni Hana sa labas ng kwarto ko.
Nag-bibihis pa kasi ako. Ewan ko ba at masyado siyang nag-mamadali.
"Teka nga lang!! Malapit na!" sigaw ko pabalik
Pag-katapos kong mag-bihis lumabas na ako ng kwarto ko at nakita kong nakasimangot si Hana sa harap ko.
"Ang tagal mo." nababagot na sabi niya.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Pero..
AcakStudies na isa sa mga pinakamahalagang priorities mo o love na biglaan na lang dumadating? COVER MADE BY: MaricrisMaliglig