MKP 7

164 21 16
                                    

Wait anong gagawin ko?

"Kyle! Uy! Anong nangyayari?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. May tumutulo pa ring luha sa mga mata niya.

"Si.. si papa." Yung papa niya? Bakit anong meron sa papa niya? Diba wala na ang papa niya?

"Ang papa mo?" Naguguluhan na ako at nag-aalala na talaga.

Di niya sinagot yung mga tanong ko at nag-lakad na lang siya bigla. Tapos nakikita ko pa ring nanginginig yung nga kamay niya. Tapos halos matumba tumba siya sa pag-lalakad.

Pumara siya ng tricycle. At sumakay siya ako naman sumunod lang din sumakay din ako.

Di ko puwedeng iwan 'tong si Kyle baka kung ano pang mangyari.

Ano ba 'tong gagawin ko? Bakit ganoon wala akong magawa? Pero kapag ako yung may problema at umiiyak, lagi siyang nandiyan para pangitiin ako. Pero ito ako ngayon, walang magawa para maibsan yung nararamdaman niya ngayon na di ko naman alam kung ano.

"Kyle? Anong bang problema?" Tanong ko pero di man lang niya ako nilingon. Nakatulala lang siya.

Isang salita lang yung narinig ko sa kanya at yun ay yung pag-para niya sa tricycle.

Pag-kababa niya bumaba na rin ako. So, dito pala ang bahay niya.

May gate yung bahay nila. Tapos mukhang maliit lang mula dito sa labas.

Derederetso lang si Kyle. Binuksan niya ang gate na hindi pa rin ako nililingon.

Wala pa rin siya sa sarili niya. Ano ba talagang nangyari?

Sinundan ko lang siya hanggang sa may gate nang bumukas yung pinto ng bahay nila.

At may nakita akong babaeng nakatayo. Binati siya nung babae pero parang walang narinig si Kyle. Derederetso itong pumasok sa bahay nila.

Isasara na dapat nung babae yung pinto at papasok pero nakita niya akong nasa harap ng gate kaya lumapit siya sa akin.

"Magandang gabi." Bati niya sa akin. Nasa harap ko na siya ngayon at hawak hawak ang gate.

"Magandang gabi po. Kaklase po ako ni Vent-- ah ni Kyle po. Ako po yung kasama niya. Pumunta po kasi kaming perya. Kei po." Pagpapakilala ko.

"Ah.. oo nga nasabi nga sa akin ni Kyle na pupunta siyang perya at may kasama siya. Ikaw pala yun." Ngumiti siya sa akin pag-katapos nun.

"Gusto mong pumasok muna sa loob." Yaya niya sa akin.

"Ah.. ano po.." nakakahiya naman. Ano bang puwede kong isagot? Nakakahiya namang tumanggi ako, nakakahiya rin namang pumasok ako sa loob.

"Sige na huwag ka ng mahiya." Hinila niya na ako papasok ng bahay nila kaya wala na akong nagawa.

Akala ko maliit lang yung loob pero nung pumasok ako medyo malaki pala.

Nakaupo ako ngayon sa isang couch. Tapos tumingintingin ako sa paligid ng may makita akong picture.

Kaya tumayo ako at tinignan yun. Yung bata kamukha ni Kyle tapos buhat buhat siya nung isang lalaki.

"Si Kyle yan noong bata pa siya." Nagulat ako nung biglang nagsalita yung babae. Nasa tabi ko na pala siya di ko namalayan. Oo nga pala di ko pa siya kilala.

"Ah.. kayo po ba ang tita ni Kyle?." Ano ba 'to pumasok ako ng di kinilala itong nagpapasok sa akin.

"Ah.. oo ako nga." Nakangiting sagot niya.

"Ito juice." Pag-aalok niya.

"Salamat po." Kinuha ko yung juice at ininom yun.

"Nasaan na nga po pala si Kyle?" Tanong ko. Nag-aalala pa rin kasi ako hanggang ngayon sa kanya.

"Nasa kwarto niya ata. Ano nga palang nangyari at ganoon yun?" Tanong ng tita ni Kyle.

"Yun na nga po. Di ko po alam bakit po siya naging ganoon? Kaya nga po sinundan ko siya hanggang dito. Nag-aalala po kasi ako. Naging ganoon na lang po siya nung may nakita siyang nasagasaan." Pag-kasabi ko nun makikita mo sa mukha niya na nalungkot siya.

Napabuntong hininga yung tita ni Kyle.

"Naku sigurado akong bumalik na naman at naalala na naman niya yun." Nagtaka naman ako sa sinabi niya anong yun?

"Po?" Yun na lang yung naging tugon ko.

"Di mo pa siguro alam. Namatay ang tatay ni Kyle sa isang aksidente. Nakita ng sarili niyang mata kung paano nasagasaan yung tatay niya at napakabata pa ni Kyle noon nung makita niya yun. Iniligtas siya ng tatay niya. Sabi niya sa akin dapat siya ang masasagasaan pero itunulak siya nga tatay niya at siya ang nasagasaan.

"Last time na nagkaganyan siya ganoon din ang nangyari. May nakita siyang nasagasaan at halos mag-kulong siya sa kwarto niya at di mo na siya makausap ng maayos. Siguro ay naalala niya yung nangyari kaya nagiging ganyan na naman siya. Siguradong parang patay at matamlay na naman siya sa mga susunod na araw at di ko alam kung kelan siya ulit babalik sa pagiging masigla." Mahabang pag-kwento ng tita ni Kyle.

Kaya pala. Grabe pala ang pinagdaanan ni Kyle. Pero nagagawa niya pa ring ngumiti kahit paminsan minsan.

"Kaya mahal na mahal ko yang bata na yan. Parang anak ko na rin ang turing ko sa kanya. Wala na rin kasi akong anak. Parehas na parehas ang sitwasyon namin. Iniwan rin ako ng mga taong mahal ko." Feeling ko maiiyak na ako sa ikinikwento ng tita ni Kyle. Maswerte pa pala ako na nandyan pa si papa at kuya.

"Kaya ikaw hanggat nabubuhay pa yung mga taong mahal mo pahalagahan mo sila. Mahalin mo." Pag-papatuloy niya.

"Salamat po sa sinabi niyo. Na realize ko na maswerte pa pala ako." Sabi ko ng nakangiti.

Tinignan ko yung relo ko at alas 7 na pala. Kailangan ko ng umuwi.

Tumayo na ako sa pag-kakaupo at nag-paalam na sa tita ni Kyle.

"Kailangan ko na po palang umuwi. Mauna na po ako." Pagpapaalam ko sa tita ni Kyle.

"O sige iha!" Hinatid niya ako hanggang gate. At pumasok na siya ulit sa loob.

Tinignan ko ulit yung bahay nila. At napaisip ako.

Di ko man lang nakausap ulit si Kyle. Papasok kaya siya bukas? Kailangan ko siyang tulungan rin. Ang dami niya ng nagawa sa akin. Pero ako wala pa kahit isa. At isa pa mag-kaibigan na kami kaya kailangan tulungan ko siya.

----------

Sorry ngayon lang nakapag UD! Advance HAPPY NEW YEAR sa mga readers ko! :)
Nabitin po ba kayo ulit? Haha ganoon talaga.

VOMMENT PLEASE!

~YEOLIE~

~KAMSA~

Mahal Kita Pero..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon