Naghanap ako ng itim na damit sa closet ko.
At may nakita akong isang dress na black. Bigla namang tumulo yung luha ko. Si mama kasi ang nagbigay nito sa akin.
Di ko pa pala nasabi nung tumawag si papa yun yung time na sinabi niya sa akin na binawian na ng buhay si mama. At ngayon ang burol niya.
Liver cancer stage 4 yung sakit ni mama. Kaya naman nabigla ako. At iniyak ko yun at umakyat ng rooftop ng school namin.
At doon nga niyakap ako ni Ventura. Di ko nga alam kung bakit niya yun ginawa.
Doon na naman nagsimulang kumalabog yung dibdib ko akala ko nga wala na. Pero bumalik.
Nagbihis na ako at bumaba na ng sala. Dito lang naman sa bahay yung burol ni mama.
Pagkababa ko pinuntahan ko si mama. At tinignan ang mukha niya. Paniguradong masaya na siya ngayon dahil di na siya nahihirapan.
Bigla na namang tumulo ang luha ko. At maya maya ay may humawak sa balikat ko. Hinirap ko siya at nakita ko ang kuya ko na may malungkot na mukha.
"Kuya!" niyakap ko ng mahigpit si kuya at umiyak.
"Shh! Ayaw ni mama na makita kang umiyak." Pagpapatahan niya sa akin.
"Kuya sabi niya ihahatid niya pa ako sa stage siya ang magsasabit ng medal ko kapag mag ga-graduate na ako. Pero paano na mangyayari yun kung wala na siya?" Iyak pa rin ako ng iyak habang yakap pa rin si kuya.
"Andito naman kami ni papa. Kami magsasabit ng medal mo. At sigurado namang makikita ni mama na nakaakyat ka ng stage diba? Tahan na." Pagco-comfort sa akin ng kuya ko.
"Kei." Narinig kong may tumawag sa akin at nakita ko si Hana sa may pintuan. Naka black din siya.
At nagulat ako dahil kasama niya si Ventura.
"Kei condelence." Sabi ni Hana at Ventura.
Napaiyak na lang ako ng malakas at tumakbo papunta kay Hana at niyakap siya.
"Shh!" Hinaplos haplos ni Hana yung likod ko.
Ilang minuto din ang nakalipas at tumigil na rin ako sa pag-iyak at naupo na lang katabi si Hana.
Katabi naman ni Hana si Ventura. Tahimik lang akong nakaupo at nakayuko.
Magang maga na nga ata ang mata ko sa kakaiyak.
Maya maya lang ay tumayo na si Hana.
"Kei una na kami ni Ventura." Pagpapaalam niya.
"Ah sige. Ingat kayo" Matamlay na sagot ko.
"Ah. Hana puwedeng ikaw nalang muna ang mauna. Dito muna ako." Pagpigil ni Ventura sa papaalis na dapat na si Hana.
"Sigurado ka? Alam mo ba kung paano umuwi?" Tanong ni Hana.
"Oo."
"Sige. Sige Kei una na ako."
"Sige. Ingat" naglakad na papuntang labas si Hana. At humarap naman 'tong si Ventura sa akin.
"Bakit di ka pa umuwi?" Tanong ko sa kanya dahil 8:00 na ng gabi pero di pa siya sumabay kay Hana.
Hindi niya ako sinagot pero binigyan niya ako ng malungkot na ngiti.
Mas gusto ko yung ngiti niyang masaya kesa sa ngiti niya ngayon.
"Bakit ikaw? Kaya mong ngumiti araw-araw? Wala ka bang problema?" Biglaang tanong ko sa kanya dahil napapansin ko lagi na nakangiti siya sa school. Parang laging positibo yung pananaw niya sa buhay.
"Marami din akong problema. Tao lang din naman ako. Pero diba mas magaan sa loob yung lagi kang nakangiti at masaya kahit may problema." Sabi niya sa akin.
"Pero paano mo yun nagagawa?" Matamlay na tanong ko sa kanya.
"Alam mo. Yung mama ko di ko man lang narinig yung maganda niyang boses. Di ko man lang nahawakan yung kamay niya. Di ko siya nakita sa personal. Dahil baby pa lang ako kinuha na siya ni Lord. Ang papa ko naman nasa heaven na rin kasama ni mama. Pero nagagawa ko pa ring ngumiti dahil alam kong nandyan lang sila at binabantayan ako. Na mayroon pa ring nagmamahal sa akin. Andyan yung tita ko na alam kong mahal na mahal ako. Nakakangiti ako dahil alam kong may nag-mamahal sa akin. At alam kong itong ngitung 'to ay isa sa mga magpapasaya sa kanila. Kaya ikaw ma swerte ka dahil may kuya at papa ka pang nandyan para alagaan ka. Andyan si Hana na bestfriend mo." Nabigla naman ako sa sinabi niyang yun wala na pala siyang mga magulang peri nagagawa niya pang ngumiti at tumawa.
"Kaya siguro naman makakangiti ka rin pagkatapos nito." Sabi niya sa akin sabay ngiti na naman.
Unti unting may namuong ngiti sa mga labi ko.
"Salamat." Sabi ko na may halong ngiti.
"Basta alalahanin mo lang yung mga taong nagmamahal sayo. Siguradong kaya mong ngumiti ng katulad sa akin."
Di ko alam pero bigla na lang akong lumapit sa kanya at niyakap siya.
"Salamat ulit. At sorry."
"Sorry saan?" Pagtataka niya sa pag so-sorry ko.
"Sorry kasi... basta sorry." Nag-sorry ako dahil alam kong nalungkot siya nung kwinekwento niya yung about sa mama at papa niya.
Nakita ko sa mga mata niya yung lungkot kahit na nakangiti siya.
Psh. Tinatago niya sa mga ngiti yung tunay niyang nararamdaman.
"Tsk. Sige na sige na. Uwi na ako. Baka nag-aalala na yung tita ko sa akin." Doon ko lang na realize na nakayapak pa rin pala ako sa kanya kaya naman bumitaw na ako.
At napayuko dahil sa hiya.
"Sorry. Natagalan ata yung yakap ko sayo." Napakamot na lang ako sa ulo ko.
"Hahaha kung yung pag-yakap mo sa akin ang magpapangiti sayo bakit hindi diba? Gusto mo pa ba ng yakap ulit." Napakunot naman yung noo ko dahil doon. Wow! Minsan pala makapal din mukha nito.
"Relax. Siyempre joke lang hahaha ^_^. Sige uwi na ako. Bye. Dapat makita na kitang nakangiti sa school ah." Bigla naman niyang ginulo yung buhok ko.
Palabas na siya ng bahay namin pero bigla siyang tumigil sa may pinto at humarap ulit sa akin. Tapos ngumit siya ng napakalaki labas ngipin pa.
At natawa na lang ako sa ginawa niya yun.
"Umuwi ka na. Bye." Pagpapaalam ko sa kanya.
----------
:) uy yan daw dapat laging naka smile gayahin niyo si Ventura hahaha XD
Guys siguro hanggang 5 chapters 'to kung hindi kakayanin 10 na lang.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Pero..
RandomStudies na isa sa mga pinakamahalagang priorities mo o love na biglaan na lang dumadating? COVER MADE BY: MaricrisMaliglig