MKP 2

480 42 47
                                    

*lab* *dab* *lab* *dab*

"ANG CUTE MO!"

"ANG CUTE MO!"

"ANG CUTE MO!"

Naalala ko yung nangyari kahapon.

Bigla akong napahawak sa dibdib ko bakit ganito. Ang lakas ng tibok ng puso ko.

Ano 'to? Huwag mong sabihing totoo yung love at first sight!! Ay hindi! Hindi totoo yun! Baka nabigla lang ako dahil ngayon lang ako nakakita ng ganon kagwapo. Aissh!! Ano?? Sinabi ko bang gwapo siya??

Aishh! Naku ang aga aga yun na agad iniisip ko! Baka ma late pa ako nito.

Naglakad na ako papuntang C.R. at ginawa ko na siyempre ang karaniwang ginagawa kapag papasok ng school.

----------

Papunta na ako sa classroom ng may tumawag sa akin.

"Hey!"

Humarap ako at nakita ko siya. Naku naman di pa nga ako nakaka move on eh.

"Uh! Ha- hi. Ba-bakit??" utal utal na sagot ko.

"Sabay na tayo." sabi niya sabay ngiti dahil sa pagngiti niya eh di na kita yung mata niya.

"Ah si-sige." Bat ganito nauutal ako.

"Tara. Nga pala yung kahapon. Sorry dun sa pagtawa ko napahiya ka pa ata. Sorry ah." Paghingi niya ng paumanhin habang sabay kaming naglalakad papuntang classroom.

"O-ok lang ano ka ba! Hahaha!"

"So puwede bang maging friends tayo?" Sabi niya sabay harap sa akin at hinarangan yung daraanan ko.

"Ta-tayo??" Ako? Friends? Lalaki nagyaya na maging friends kami?

Minsan lang kasi ako yayain ng mga lalaki na gusto nilang makipagkaibigan sa akin.

Minsan kasi lumalapit lang sila sa akin dahil gusto nila manliligaw lang. Pero iba ata 'to ah. Kaibigan?

Hays. Siguro may ibang intensyon pa 'to.

"Oo tayo. Bakit ayaw mo ba? Ok lang kung ayaw mo. Heheheheh" sabi niya sabay kamot sa ulo niya.

Di ko na sinagot yung tanong niyang yun at naglakad na kami papuntang room.

"HI! KEI---" naputol sa pagsasalita si Hana ng makita niyang kasama ko si ...! Ano nga ba apelyido nito??

"Hello!!" Pagbati nung lalaking kasabay ko ngayon kay Hana dahil nakita niyang nakatitig si Hana sa kanya.

Bakit lagi 'tong nangiti parang walang problemang pinagdadaanan.

Gusto ko ring maging katulad niya.

"Hana pumasok na nga tayo." hinila ko na papasok ng room si Hana.

At dumeretso na ako sa upuan ko.

Yung upuan ko ay nasa second row. Sumunod naman 'tong si... aish!! Ano ba kasing pangalan nito??

Umupo siya sa tabi ko. Sa bandang left ko. Yung nasa right ko naman ay bintana lang.

Gusto ko kasing sumilip sa labas kapag alam ko yung tinuturo nung teacher at kapag boring. Kahit matalino naman ako nabobored pa rin ako sa pakikinig pero siyempre sinisigurado ko namang pag-uwi ng bahay magbubuklat ako ng libro.

Kumuha ako ng libro sa aking bag na nakasukbit sa upuan na nasa harap ko. At binasa ko ito, habang wala pa yung teacher namin.

"Ang boring naman." narinig kong sabi ni... waaahh! Matanong na nga pangalan nito.

Mahal Kita Pero..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon