"Kei!!" Iminulat ko yung mata ko at nakita ko si Hana.
"Ano bang nangyari? Masama ba pakiramdam mo? Ok ka na ba?" Oo nga pala nasa clinic ako ngayon.
Bumangon ako at tignan siya. Tumango na lang ako bilang tugon sa mga tanong niya.
"Kei. Ayokong nakikita kang malungkot at mas lalong ayaw makita ng mama mo na nagkakaganyan ka." Sabi niya sa akin at hinawakan niya yung kamay ko.
"Tara uwi na tayo." Pagiiba ko ng usapan at niyaya ko na siyang umuwi
Lumabas na ako ng clinic at sinundan naman ako nitong si Hana palabas.
"Kei wait lang! Ok ka na ba?" Tanong sa akin ni Hana habang sinusundan niya ako papuntang gate.
Uwian na kasi. Grabe pa lang yung tulog ko napahaba.
"Oo ok na ako. Masakit lang talaga ulo ko kanina."
"Kaya pala nasigawan mo si Ventura kanina." Bigla akong natigilan sa paglalakad nang maalala ko yung ginawang pag-sigaw ko kay Ventura.
"Uy!" Ginulat ako
"A-ano! Oo masakit lang talaga ulo ko kanina. Sorry."
"Hay naku! Hindi ka dapat sa akin magsorry! Kay VENTURA!" Diniinan niya talaga yung pag-kakasabi ng pangalan ni Ventura at pakiramdam ko nakatingin sa likod ko si Hana.
At pakiramdam ko may tao rin sa likod ko. Humarap ako sa likod ko at nakita ko nga si Ventura.
"Ayan na oh! Ano Kei una na ako ah! Bye!" Hinawakan ni Hana yung balikat ko sabay takbo.
Kainis! Iniwan niya ako kasama tong si Ventura.
Spell AWKWARD!
Maglalakad na sana ako papuntang gate ng school namin para umuwi pero bigla siyang nagsalita.
"Ok ka na ba?" Tanong nagpatigil sa akin sa pag-alis ko.
"A-ano. Oo ok na ako." Utal utal na sagot ko.
"Ah. Sige una na ako." Pagpapaalam niya.
"Te-teka!" Bigla siyang tumigil at humarap ulit sa akin.
"Bakit? May problema ba?" Yung tono ng boses niya parang malungkot.
"A-ano kasi.. ano .. ah.." bakit ganoon nauutal ako.
Magso-sorry lang naman ako eh! Kasi naman bakit ko ba siya sinigawan.
"Sorry nasigawan kita kanina. Nadala lang naman ako kanina. Sorry talaga." Nakayukong sabi ko.
Ilang segundo rin na wala akong narinig na sagot mula sa kanya kaya inangat ko yung ulo ko.
At nakita ko na naman yung nakakalokang ngiti niya.
"Ok lang. Alam ko namang di mo sinasadya yun eh." Sabay ngiti na naman.
"So ok na tayo?"
"Ah.. pero may favor ako." Grabe naman akala ko ba ok na ? Bakit may favor pa rin?
"Favor? Ano basta madaling gawin." Sabi ko.
"Wala naman tayong pasok bukas diba? May malapit na perya dito. Samahan mo ko libre ko naman eh. Diba sabi ko sayo kanina dapat may pupuntahan tayo at tuturuan kitang ngumiti kaso sinigawan mo ko kaya akala ko galit ka. Ano ok ba? Sasamahan mo ko?" Sasama ba ako? Sige na nga wala naman akong gagawin.
At gusto ko rin makalimutan muna saglit itong lungkot ko.
"Ah sige." Pag-payag ko.
Nakita ko na naman yung ngiti niyang nagpapalusaw sa akin.
"Sabi mo yan ah. Walang bawian! 3:00 pm bukas kita tayo dito sa harap ng school para sabay tayo." Pag-kasabi niya nun nag-paalam na siya sa akin.
"Matuturuan mo kaya talaga ako? Sana nga." Isip isip ko habang tinitignan siya palayo.
----------
Sorry po late UD.
Matuturuan kaya ni Ventura mag-smile si Kei?
VOMMENT! THANKS
~YEOL~
![](https://img.wattpad.com/cover/24157764-288-k985654.jpg)
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Pero..
LosoweStudies na isa sa mga pinakamahalagang priorities mo o love na biglaan na lang dumadating? COVER MADE BY: MaricrisMaliglig