Hanggang ngayon di ko pa rin makalimutan yung sinabi sa akin ni Kyle.
'Di ko alam kung anong isasagot sa kanya. Alam kong masyado pa kaming bata para maramdaman yung ganun. Maari pa yung mag-bago kapag tumagal ang panahon.
At isa pa--
"Kei!!" Nagulat ako sa biglang pag-tawag sa akin ni Hana.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya. Nakita ko sa mukha niya yung kaba.
"Nasa bulletin board na yung mga nakapasa sa test." Nakapag-test na pala ako yung para dun sa libreng pag-aaral sa U.S. Magandang university yun at sikat.
"Talaga? Tara tignan natin." Tumayo ako sa kinauupuan ko. At hinawakan niya naman ako sa braso para hilahin papuntang bulletin board.
Napakalakas ng kabog ng dibdib ko gustong gusto ko talaga kasing mag-aral sa eskwelahan na yun.
"Ako na mag-hahanap ng pangalan mo Kei." Nagpresenta na si Hana. Di na kasi ako naka-abante pa. Hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
Nakita kong inisa-isa ni Hana yung nasa papel. Pag-katapos ay bumalik na siya sa puwesto ko.
Nakita ko sa mukha niya yung lungkot.
"Sinasabi ko na nga ba hindi ako nakapasa." Bumagsak na lang yung balikat ko at nag-lakad na pabalik dapat sa room namin. Pero hinila niya ako.
"Teka lang! Masyado ka namang nega Kei! Wala pa nga akong sinasabi." Humarap ako kay Hana na naguguluhan.
"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ko.
"Pumasa ka Kei! Makakapag-aral ka na sa U.S.!!" Biglang nanlaki yung mata ko, at hinawakan siya sa balikat at nagtatatalon.
"Talaga? Di ka ba nagbibiro!? Aah!! Hana! Nakapasa ako! Nakapasa ako!" Sigaw ko nagsitinginan tuloy yung mga estudyante sa akin. Kaya natigilan ako.
"Congrats Kei!" Niyakap ako bigla ni Hana. At sa pag-yakap niyang yun, bigla ako nakaramdam ng lungkot.
Kung nakapasa ako, paano na? Iiwan ko sila ng matagal? Diba ganoon ang mangyayari? Pati sila papa at kuya. At saka si Hana. Pati na rin si.. Kyle?
"Oh? Bakit ang lungkot mo ata?" Tanong sa akin ni Hana nung bumitaw na siya sa pag-kakayakap sa akin.
"Kasi ano.. siyempre kapag doon ako mag-aaral iiwan ko kayo. Ma-mimiss ko kayo." Malungkot na sambit ko.
"Kei.. di naman kami mawawala eh! At saka puwede naman sa chat! O kaya sa skype! Diba? Kaya smile na! Gayahin mo si Kyle laging nakangiti!" Napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Oy! Hana!" Nagulat ako ng marinig yung boses na yun mula sa likod ko. Parang ayoko tuloy humarap.
"Oy hello Kyle!" Pag-bati ni Hana pabalik.
"Nandito rin pala si Kei. Hi Kei!" Humarap ako sa kanya at ngumiti ng pilit. Parang walang nangyari ah! Parang wala siyang sinabi sa akin.
"Oy! Sige una na ako ah! May gagawin pa ako eh!" Nakita kong ngumiti ng kakaiba si Hana. Tsk! Iiwan na naman niya ako dito kay Kyle!
"Oy Hana! Teka!" Tawag ko kay Hana pero di niya ako pinansin susundan ko dapat ito pero hinila ako bigla ni Kyle.
Humarap ako sa kanya.
"Tara?" Tanong niya sa akin.
"Ha? Bakit saan ba tayo pupunta?" Di niya sinagot yung tanong ko at hinila na lang ako bigla.
Maya-maya ay nasa garden na pala kami.
"Bakit tayo andito?" Tanong ko.
"Wala lang." Ang tino naman ng sagot nito. Hinila niya ako dito tapos wala naman pala kaming gagawin buti na lang 15 minutes pa bago mag-simula yung next class namin.
Umupo siya sa mga damuhan at ganoon rin ako.
"Alam ko namang hindi mo ako papayagan diba?" Nalito naman ako sa sinabi niya. Anong di papayagan? Saan?
"Ha?" Nagtatakang tugon ko.
"Sa panliligaw sayo kasi bata pa tayo. Ayaw mong makaistorbo ako sa pagaaral mo." Ah yun pala.
Ayoko naman talaga. At tama yung sinabi niya. Siguradong magbabago pa yang feelings niya.
"Oo, tama ka. Ayokong masayang yung oras mo, dahil alam kong di rin naman kita sasagutin kung mangyayari yun." Nakatingin lang ako sa baba at pinaglalaruan yung mga damo.
"Hindi masasayang ang oras ko sayo." Nagulat ako sa sinabi niya.
"Sus! Sinasabi mo lang yan! Kapag nag-sawa ka ng ligawan ako susuko ka na rin tapos mag-hahanap ka ng iba. O kaya naman kapag sinagot kita sa katagalan maghihiwalay din tayo, kasi nga magsasawa rin tayo sa isa't isa at ang pinaka-importante ay di pa tayo ganoon ka matured para pasokin ang isang relasyon. Bata pa tayo marami pa tayong inaasikaso. Marami pa tayong kailangan malaman sa buhay." Nakatingin lang siya sa akin habang nagsasalita ako.
"Teka. Kailangan na natimg bumalik ng room. Baka ma late tayo sa next class." Tumayo na ako sa kinauupuan ko. At mag-lalakad na sana ako ng mapansin kong di pa rin siya natayo. Nakatingin lang siya sa akin.
"Yan ang gusto ko sayo eh." Nakita ko siyanh ngumiti ng matamis. Yung ngiti na nagustuhan ko sa kanya.
"Halika na!" Hinila ko siya patayo. At sumunod na rin siya sa akin.
"Ah... " gusto ko sanang sabihin sa kanya yung tungkol doon sa pag-kapasa ko sa test pero di ko alam kung saan ko uumpisahan.
Papunta na kami ng room.
"Ano yun? May gusto kang sabihin. Papayagan mo na ba ako?" Tinignan ko siya ng masama.
"Biro lang. Alam ko namang ayaw mo, tanggap ko na. Pero alam ko may sasabihin ka ano ba yun? May problema ka ba? Papangitiin kita ulit kung meron man." Nginitian niya na naman ako ulit.
"Kasi nakapasa ako sa test. Baka sa U.S. na ako mag-aral." Natigil siya sa paglalakad nung sinabi ko yun.
Pag-katapos ay bigla siyang humarap sa akin at ngumiti.
"Talaga? Wow! Congrats! Tara na? Baka ma-late pa tayo. Bilisan mo." Yun lang yun? Ganoon lang yun?
Hanggang sa mag-uwian naging matamlay si Kyle.
"Doon ka na ba mag-aaral?" Nagulat ako sa bigla niyang pagsasalita.
"Oo. Sigurado gusto rin naman yun nila papa at kuya na doon ako mag-aral." Sagot ko sa kanya.
Nagulat ako ng bigla niya akong hilahin at niyakap.
"Hihintayin kita." Narinig kong bulong niya.
"Ano ba yan? Teka nga di pa naman ako aalis!" Tinulak ko siya palayo para makawala ako sa yakap niya.
"At saka anong hihintayin mo ako?" Tanong ko sa kanya.
"Basta hihintayin kita." Anong hihintayin? Saan?
---------
Mianhe! Ngayon lang nakapag-ud! Mag vomment kayo please! Graduation gift niyo na sa akin! Haha!
~Exodus
~Kamsa
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Pero..
RandomStudies na isa sa mga pinakamahalagang priorities mo o love na biglaan na lang dumadating? COVER MADE BY: MaricrisMaliglig