Aral dito, aral doon!! Isa yan sa mga priority ko. Boyfriend?? Ano yun? Istorbo lang yan sa pag-aaral.
Promise ko kasi sa sarili ko na hanggat di pa ako nakakapagtapos ng pag-aaral di muna ako papasok sa isang relasyon. Sabi naman ng mga friends ko mas maganda daw na may boyfriend ako para magkaroon ng inspirasyon at mas lalo akong sipagin mag-aral. Ang sabi ko naman bakit boyfriend lang ba ang puwedeng maging inspirasyon andyan naman ang pamilya ko.
Sabi nila ang perfect ko daw. Maganda, matalino, mabait, basta lahat daw na sa akin na. Ideal girl daw ako ng mga lalaki.
Kaya maraming nanligaw sa akin. Pero lahat sila sawing palad. Una pa lang sinabi ko ng masasaktan lang sila. Pero ayun di nakikinig. Alam naman nila na studies ang priority ko.
Meron ngang isang muntik na "magpakamatay" dahil lang sa na reject ko siya.
Ganito kasi yan.
"Kei!! Kei!!" hay ayan na naman siya. Ang lakas talaga ng boses nitong si Hana. At nasa classroom pa kami nito buti walang teacher.
"Oh bakit anong problema?" Tanong ko sa kanya. Makikita mo sa mukha niya yung kaba at takot.
"Yung nanligaw sayo si RJ nasa rooftop at mukhang magpapakamatay. Tinatawag yung pangalan mo habang naiyak. Binasted mo ba??" ano magpapakamatay dahil lang dun? Ang OA niya ah!
"Teka ha!!!" tumayo ako sa kinauupuan ko at inilapag ang librong binabasa at hawak hawak ko kanina. At naglakad na ako papuntang rooftop.
"Waaaaaahhhh! Kei!! Alam mo namang mahal na mahal kita pero bat ginawa mo 'to sa akin.! Ha??" rinig kong sigaw ni RJ habang paakyat ng rooftop.
"RJ!! Bumaba ka nga diyan." sa wakas naakyat ko na rin siya. Kapagod ah!
"Kei?? Andito ka ba para sagotin na ako.?" hala!! Di noh!
"A-ano kasi ..! MAY IPIS SA PAA MO!! DALI UMALIS KA NA DIYAN.!"
"A-NO SAAN ! WAAHHH SAAN KEI! KEI WAAAH!" sigaw ni RJ na parang bakla.
Takot nga sa ipis tapos susubukan niya pang magpakamatay ako ba niloloko niya. Hahahaha!
Simula nun tumigil na sa pangungulit sa akin si RJ dahil natanggap niya ng wala talaga siyang pag-asa sa akin. Hay buti naman!
Nga pala hindi pa ako nagpapakilala. Ako nga pala si KEILA AGUSTIN, KEI for short. 4th year highschool kaya naman mas sinisikap kong mag-aral ngayon dahil graduating na. Laging top 1 sa klase.
Seryoso pag pag-aaral ang pag-uusapan. At yun nga sabi ko wala sa vocabulary ko yung salitang BOYFRIEND!! Hindi naman ako nag-mamadali. May tamang panahon para diyan. Sa ngayon aral muna!! ARAL! ARAL ! ARAL!
Pero paano kung dumating yung panahon na bigla na lang tumibok yung puso ko?? Yung mga sinabi ko ba eh hanggang salita na lang yun? Hindi ko ba magagawa yung mga pangako ko sa sarili ko. Yung mga balak kong gawin. Paano nga kaya??
Pero kung kaya naman--
"Waahh! Kei! Kei! Ililipat daw dito yung gwapong lalaki sa section D kasi daw umaangat sa klase kaya dito na siya ilalagay!" Excited na sabi ni Hana.
"Oh?? Talaga?? Minsan lang mangyari yun ah. Section D mapupunta dito sa Section A?" Namangha at nagulat na sabi ko.
"Oo nga eh transferee kasi kaya napunta doon. Tapos napansin ng mga teacher na matalino pala at napaka active daw sa klase! At isa pa ang matindi heartthrob waaahhh! Kei!!" Kinikilig na sabi ni Hana. Hay!! Ganyan talaga siya pag pasensyahan niyo na.
Wala kasi kaming teacher kaya ganyan siya.
"Ok class!" Ay kagulat naman 'tong teacher na 'to bigla na lang napasok.
"Ok class listen. May bago kayong kaklase from section D at nalipat siya dito dahil sa napansin ng mga teachers na matalino pala siya." So totoo pala yung sinabi ni Hana akala ko nakuha niya lang kung saan.
"Puwede ka ng pumasok Mr. Ventura." Pagkasabi ni Maam Delosantos nun ay may pumasok na napakatangkad na lalaki.
Ilang minuto rin akong tumitig sa kanya di ko na nga naiintidihan yung mga sinasabi niya. Nagpapakilala kasi ata siya. Grabe talaga bat parang ang perfect ng mukha niya?
"Huy!! Kei!!" Bigla akong nagulat sa pagtawag sa akin ni Hana. Nagising ako sa pag-kakatulala ko.
Eh kasi naman makakita ka ba naman ng ganon ka gwapo eh.
"A-aano ??" Utal utal na sabi ko dahil nga nagulat ako sa tawag ni Hana.
"Sabi ni maam diyan na lang daw si Ventura sa tabi mo." Mahinang bulong sa akin ni Hana. Nasa harapan ko kasi siya at walang nakaupo dito sa tabi ko.
"Ah.. si-sige. Sige po maam vacant seat naman po 'to." Bat ganon di ko matanggal yung tingin ko sa kanya.
"Sige na Mr. Ventura dun ka na sa tabi ni Ms. Agustin." Naglakad na papunta sa akin yung Ventura at sinundan ko lang siya ng tingin. Di niya naman napapansin dahil di siya nakatingin sa akin.
Pagkatapos ay umupo na siya sa tabi ko.
"Hi !! Ms. Agustin right??" Yung, yung ngiti niya bat ganoon lumiliwanag yung mukha niya.
Shocks bat ganoon ang lakas ng tibok ng puso ko ? Di puwede 'to hindi talaga!
"May dumi ba sa mukha ko??" Dahil sa tanong niyang yun eh nagising ako sa pagkatulala sa napakaperpekto niyang mukha.
"Ah... ano ah.. o-oo A-agustin nga." Utal utal na sabi ko nakakahiya ! Yung mukha niya kasi nakaka destruct.
"PFFTT.. HAHAHAHA! ANG CUTE MO !" Ano daw? A-ako cute? 'Bat ganoon feeling ko ang pula ng mukha ko.
Dahil sa pagtawa niya napatingin lahat ng mga classmates ko pati si Maam Delosantos.
"What's the problem Mr. Ventura. Why are you laughing??" Tanong ni maam. Aish! Naku!
"Nothing maam. Sorry po maam ang cute po kasi nitong katabi ko parang nakakita ng multo nung kinausap ko siya. Hahaha!" Sabi niya sabay kamot sa ulo.
Dahil dun eh napayuko na lang ako sa hiya. At di lang dahil sa hiya, dahil din sa pamumula ng mukha ko.
Bat ganito.. first time kong ma feel 'to.! NAKAKAINIS! AYOKO NITO! WAAAAHH!
----------
So kamusta po, ang unang part ng MKP?? Di ko po alam kung gagawin ko siyang short story o Full Book ba.. nagdadalawang isip ako. Kayo ba sabihin niyo naman kung itutuloy ko siya ? O short story na lang .. kung maganda ba.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Pero..
RandomStudies na isa sa mga pinakamahalagang priorities mo o love na biglaan na lang dumadating? COVER MADE BY: MaricrisMaliglig