MKP 8

187 18 21
                                    

"Pa, alis na po ako." Pagpapaalam ko kay papa. Papasok na kasi ako.

"Sige ingat ka ah!"

Lumabas na ako ng bahay at papunta na ng sakayan ng jeep.

Habang nag-lalakad ako naisip ko bigla si Kyle. Papasok kaya siya? Kamusta kaya yun? Ano na kayang nangyari? Sana naman ok na siya.

Yan yung naisip ko habang nag-lalakad ako ng may mag-busina ng napakalakas.

Mayroon na palang jeep sa likod ko at muntikan na ata ako mabangga. Pero may humila sa akin.

"Hoy! Ano bayan! Mag-papakamatay ka bang bata ka? Mga kabataan talaga oh!" Sigaw nung driver. Naku naman! Sa kakaisip ko kay Kyle di ko na alam kung anong nangyayari sa paligid ko.

"Sorry po." paghingi ko ng tawad. Naramdaman ko namang may nakahawak pa rin sa kamay ko siya ata yung humila sa akin nung muntikan na akong masagasaan.

Hinarap ko kung sino yun at nakita ko si..

"Ven-- ah.. KYLE?" Bakit siya andito?

"Bakit ka nandito? Ikaw yun?" Tanong ko sa kanya siya ata yung humila sa akin.

"Oo. Sa susunod mag-ingat ka!" Malumanay na sabi niya. Iba pa rin siya ngayon. Di siya tulad nung dati na sobrang energetic at hyper.

"A-ano.. paanong?" Nakakapagtaka kasi eh. Bakit ba siya andito? Ang alam ko di naman siya tagadito at hindi dito yung dapat daanan niya papuntang school dahil mas malayo. So bakit andito siya.

"May dinaanan lang ako. Kaya andito ako." Buti sinagot niya yung tanong ko. Pero ganoon pa rin yung tono ng boses niya malumanay. Di pa rin siya ok?

Nabigla na lang ako nung nag-lakad siya. Hala! Di talaga siya ganyan eh!

"Ven-- Kyle! Teka!" Nasanay na akong tawagin siyang Ventura. Lumingon siya sa akin.

"Sabay na tayo."yaya ko sa kanya. Tumango lang naman siya at nag-lakad na ako papunta sa kanya.

"Ah.. ano, Kyle.." di ko alam kung paano ko sisimulan yung usapan namin.

Lilingon dapat siya sa akin ang kaso may jeep na at sumakay na kami.

Pag-kasakay namin di na naman ako inimik ni Kyle.

"Kyle.. kamusta pala?" Yun na lang yung lumabas sa bibig ko.

Humarap siya sa akin. Poker face yung mukha niya ngayon di tulad nung dati.

"Ok lang." Maikling sagot niya.

Nakakainis! Di ko alam kung paano ko siya kakausapin.

"Ah." Yun na lang yung naging sagot ko. Bakit ganito di ko siya ma-comfort, pero kapag ako lagi niya akong napapangiti.

----------

Nakababa na rin kami ng jeep. Pero hindi man lang ako pinansin, derederetso lang siya! Aish! Nakakainis na siya ah! Bahala na nga siya.

Binilisan ko ang lakad ko at nilampasan siya.

Pagkarating ko sa room umupo agad ako at inayos ang mga gamit ko. Nakita ko na rin si Kyle na pumasok at dumaan siya sa bandang kaliwa ko. At naupo na sa upuan niya.

Grabe talaga nakakainis! Di naman siya ganyan eh! Dati rati binabati niya pa ako kapag nadaan siya at pag-pasok niya pero ngayon wala.

Di ko na lang siya pinansin at sumimangot na lang ako. Nakapangalumbaba na lang ako at hinintay ko na lang si Hana.

Mayamaya pa ay nakita ko ng pumasok si Hana. Buti wala po yung teacher namin.

"Hi! Goodmorning Kei! Goodmorning din Kyle." Masiglang bati ni Hana. Pero di man lang siya nilingon ni Kyle. Ako naman binati ko siya pabalik ng matamlay.

Lumapit sa akin si Hana. At nakita ko sa mukha niya yung pag-tataka.

"Uy! Anong nangyari dun? Di ata hyper? Tapos ikaw rin bakit mukhang badtrip ka ata." Tanong niya sa akin sabay turo kay Kyle umupo na rin siya sa upuan niya na kaharap ko lang rin naman.

"Mahabang kwento." Naiinis na sagot ko.

Naiintindihan ko naman si Kyle kung bakit siya nagkakaganyan pero nakakainis pa rin kasi.. basta naiinis ako sa kanya!

Sa ilang minuto na pag-hihintay namin eh sa wakas dumating na rin yung prof namin.

----------

Nakakapagod ang dami kasing teacher na nagpasulat ng notes.

Sa wakas uwian na pero di ko pa rin nakakausap ng matino si Kyle.

Kinuha ko na yung bag ko na nakasukbit at lalabas na sana ako ng room ang kaso naalala ko si Kyle. Siguro puwedeng kausapin ko siya sasabay ako sa kanya. Nauna na rin kasi si Hana.

"Kyle!" Tawag ko sa kanya palabas na kasi siya ng room. Lumingon siya, ganoon pa rin yung nakikita kong mukha niya di tulad ng dati.

"Sabay na tayo." Medyo naiinis pa rin ako sa kanya.

Tahimik lang kaming nag-lalakad hanggang sa makalabas kami ng school at nandito na kami sa isang kalye na walang tao.

"Kyle!" Tinawag ko ulit siya at lumingon siya sa akin.

"Alam ko yang problema mo! Alam ko kung bakit ka nagkakaganyan. Akala ko ba, kaya ka nakakangiti dahil mas magaan sa loob at saka alam mo na yang ngiti mo eh, magpapasaya ng mga taong mahal mo at malapit sayo. Pero bakit ganon hindi mo na ginagawa yun." Sabi ko ng nakayuko ayokong harapin siya.

"Ikaw ang nagturo sa akin nun. Pero bakit ngayon sa sarili mo di mo magawa? Kyle kailangan mong makalimutan yung malulungkot na bagay. Nakakainis ka! Sabi mo sa akin dapat lagi akong ngumiti pero ikaw ito ngayon nagkakaganyan! At ang mas nakakains eh hindi ko alam kung paano kita matutulungan diyan sa problema mo at kung paano kita mapapangiti ulit. Naiinis din ako sa sarili ko. Di ko magawang tulungan ka! Pero kapag ako natutulungan mo." Nakayuko pa rin ako nun pero lumapit ako sa kanya.

"Kyle." Unti unti kong inangat yung ulo ko at tumingin ako sa kanya.

"Na mi-miss ko na yung dating Kyle. Kaya bumalik ka na. Ibalik mo yung mga ngiting nagturo sa akin kung paano ring ngumiti! Yung parang ganto.." ngumiti ako ng napakalaki. Gusto ko ngang gayahin yung ngiti niya, pero mukhang di puwede.

"Pfftt.." narinig ko yun! Ah!

"Hahaha!" Nagulat ako sa bigla niyang pag-tawa di lang siya ngumiti! Tumawa siya! Napatawa ko siya!

Nakatitig lang ako sa kanya habang natawa siya. Pinagmasdan ko yung mukha niya.

"Nakakatawa yung ngiti mo! Kung nakita mo lang talaga! Hahaha!" Nakatitig pa rin ako sa kanya di kasi ako makapaniwala na yung kaninang parang lantang gulay ay tumatawa na ngayon. Akala ko hindi ko siya kayang tulungan pero.. ito ngayon.

Tumigil na siya sa kakatawa at ngumiti na lang.

"Aaaahh!! Ngumiti ka na!! Ay hindi! Tumawa! Napatawa kita! Akala ko .. akala ko hindi na babalik yung Kyle na nakangit palagi! Aaahh!" Pagsigaw ko habang inaalog-alog ko yung balikat niya.

Natigil ako ng bigla niya akong hawakan sa balikat at hinila palapit nagulat na lang ako ng bigla niya akong yakapin.

Anong ginagawa niya?

"Salamat. Salamat Kei. Hayaan mo tatandaan ko yung sinabi mo. At ngingiti ako lagi para sayo. Kasi ngayon ikaw na yung isang reason na nagpapangiti sa akin. Kaya salamat Kei!" Kahit hindi ko nakikita yung mukha niya ngayon dahil yakap niya ako alam kong nakangiti siya.

Napangiti na lang din ako. Ang kaso na realize ko yakap pa rin pala niya ako! Waaahh! Naman eh! Namumula na naman ako !

----------

Sorry late UD hehe! Yay! Yan na! Haha! Bitin ba ulit? Haha..

By the way mukhang di lang 10 chapters 'to mukhang hahaba pa ata! ATA lang ah! Di ko pa po sure!

VOMMENT PLEASE!

~YEOLIE~

~KAMSA~

Mahal Kita Pero..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon