Prologue

221 78 15
                                    

Disclaimer

This is a work of fiction. The names, places, scenarios, events, incidents and universities in this story are either the product of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidental.

There might be typographical and grammatical errors


Author's imagination is the one who runs this story.






“Sam, nadelay ba flight mo? Akala ko ba alas otso ng umaga ang dating mo? Kanina pa akong alas syete rito na naghihintay sayo,” sabi ni kuya sa linya habang inaayos ko ang mga gamit dahil kakalanding lang ng eroplano.

Kuya, we finally arrived. Masyado ka na atang atat na makita ako.” Inipit ko ang cellphone ko sa pagitan ng tainga at kanang balikat ko habang kinukuha ang shades ko sa case nito.

Bukas na magsisimula ang first semester and it is your last year in college already. Bakit ba ito ang pinili mong araw para makabalik dito sa Pinas. The earlier, the better.” Umirap lang ako ang ere bago ko isinuot ang shades ko. Gosh, ilang taon nila akong hindi nakikita ay galit ang sasalubong sa akin.

Pumunta na ako sa baggage carousel para kunin ang maleta ko. Mataray ko namang sinagot ang kuya, Kahit na, maaga naman ang pinili kong departure time kaya maaga rin ang arrival.” Nang maaninag ko na ang kulay maroon kong maleta ay agad ko nang pinatay ang cellphone ko.

Nang nasa tapat ko na ang maleta ay buong lakas ko itong hinila roon. Come on, Samantha. Hindi ka sana naghihirap ngayon kung dalawang maleta ang ginamit mo imbes na ipinagsiksikan mo ang mga gamit sa iisang maleta.

Matagumpay ko namang nailapag sa sahig ang maleta nang may bumunggo rito. Napaawang ang aking bibig nang maitulak palayo ang aking maleta kaya agad ko itong hinabol. I need to buy another luggage dahil nakita kong nagcrack konti ang gilid nito. Kung sino man ang walang matang bumunggo rito ay sana mamalas.

Agad ko namang tinawagan si Kuya para sabihin kung nasaan ko dahil gusto ko nang makaalis dito. Kuya, andito ako sa--.” Gosh, two in a row?! Buti na lang ay mahigpit ang pagkakahawak ko sa maleta kung hindi, baka bumalik sa States ang maleta ko dahil sa lakas ng impact.

“Excuse me?” Matapang ko siyang hinarap habang nakahalukipkip. Humarap naman siya sa akin at may suot din siyang shades ngunit hindi ito sapat para matakpan ang pagkamasungit niya.

“Sa susunod, tignan mo ng mabuti ang dinaraanan mo,” pasigaw kong sabi sa kaniya at tinanggal niya ang earphones na nakakabit sa tainga niya. Naramdaman kong huminga siya ng malalim bago niya inilagay sa kaniyang bag ang earphones. Tsk, may oras pa siyang magyabang sa harapan ko.

“Miss, ikaw itong paharang-harang sa daan. Kaya sa susunod, dapat marunong kang tumabi,” masungit niyang sabi at hinila palayo ang kaniyang maleta. Bwisit. Bukas na lang sana ako lumipad patungo dito sa Pinas para hindi ko siya naengkwentro. Panira ng araw.

Padabog akong pumunta sa isang malapit na waiting area at doon ko itinuloy ang pagtawag kay kuya. Ilang saglit pa ay nakita ko na si kuya na nakasuot ng putting v-neck shirt at nakashorts na floral ang print.

The Last PetalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon