Nakarating kami sa Venue kung saan gaganapin ang ika-60th Birthday ni Kapitan. Halos mga kilalang pamilya ang bisita nya. Narito din ang mga kamag anak nila na halatang hindi kasundo ni Troy.
Hindi kasi sya nakikisalamuha sa mga ito at nanatili sya sa table namin at hindi doon sa long table kung saan naroon ang pamilya nya.
Madaming mensahe at kung ano ano pa bago nagsimula ang Party. Panay naman ang tingin ko sa pagbabakasakali na makita ko si Kurt, ngunit halos isang oras na kami dito ay wala padin.
Hindi na ako makatiis kaya bahagya kong hinila si Troy upang bulungan.
"Nasaan si Kurt?" Tanong ko.
Inirapan nya ako.
"Di ka na makapaghintay?" Bulong nya.
Sumimangot ako.
Nagsimula ng magsayawan at nagkalat na ang mga tao. Lahat ay nag eenjoy habang ako ay tahimik lang na naghihintay sa timing ni Troy.
"Trish, sayaw tayo." Sabi nya na naging dahilan ng pagbaling ni Mommy at Daddy sa amin. "Uhm, Tita, Tito, pwede ko po bang isayaw si Trisha?"
Nagkatinginan si Mommy at Daddy bago tumango.
"Thank you po." Sagot nya.
Napabuntong hininga ako ng hawakan ni Troy ang kamay ko at hilahin patungo sa gitna.
"Nasaan sila?" Tanong ko.
"Nasa Parking, naghihintay." Sagot nya.
Tumingin sya kila Mommy na nakatingin sa amin.
"Kailangan nalang mawala ang atensyon nila Tita at Tito sa atin." Sabi nya.
Sandali pa kaming naghintay bago namin nakita si Mommy at Daddy na ngayon ay may mga kausap na. Wala na sa amin ang atensyon nila.
"Let's go, Trish." Sabi ni Troy at agad akong hinila patungo sa Parking Lot.
Halos marinig ko ang tibok ng puso ko.
Ilang buwan ko ng hindi nakikita si Kurt at ngayon ay makikita ko na sya ulit.
Nang makarating kami sa Parking Lot ay agad bumuhos ang luha ko ng patakbong lumapit sa akin ni Kurt.
I miss him so much!
Mahigpit nya akong niyakap at ganon din ako sa kanya.
"I-I miss you, Kurt." Humihikbing sabi ko.
Lalong humigpit ang yakap nya, halos hindi na ako makahinga ngunit wala akong planong bumitaw.
"I miss you more, Baby! I miss you so damn much!"
Ilang minuto kaming nanatiling nakayakap sa isa't isa bago kami bumitaw. Panay na kasi ang daing ni Paul na gusto nya din akong yakapin.
Nang pakawalan ako ni Kurt ay sya naman ang yumakap sakin.
"I miss you, Trish." Bulong nya.
"I miss you, too."
Nang bumitaw ako kay Paul ay kay Tanya naman ako yumakap.
"Grabeeee, ito ang unang beses na nagkahiwalay tayo ng ganto!" Umiiyak na sabi nya.
"Sorry, Tanya. Pati ikaw pinagbawalan din na makapunta sa bahay." Sabi ko.
Hinila ako ni Kurt na agad ikinasimangot ni Tanya.
"Kurt!" Reklamo nya.
"Sandali lang ang oras na pwede ko sya makasama. Akin na muna sya." Sabi nya at hinila ako patungo sa isang sasakyan na nakaparada.
Binuksan nya ang pinto at itinuro iyon sa akin.
"Kaninong sasakyan 'to?" Tanong ko.
"Sa akin." Sagot nya.
Nasa backseat kami at magkatabing nakaupo. Hawak nya ang kamay ko habang nakatitig sa akin.
Tinitigan ko din sya. He looks great! Mukang okay naman sya.
"Saan kayo nakatira ngayon?" Tanong ko.
"Nabili na namin yung House malapit lang din sa inyo. Yon yung House na gustong bilhin ni Mommy noon." Sabi nya.
"Hindi ba kayo nahihirapan?" Nag aalalang tanong ko.
Ngumiti sya at umiling.
"Wag ka mag alala sa amin. Maayos kami ni Paul." Hinawakan nya ang pisngi ko. "You don't look okay, Baby."
Halos mapapikit ako sa sobrang lambing ng boses nya.
"Namimiss kasi kita." Pag amin ko.
Tumango sya.
"Ganon din ako. Sobra!" Mahigpit nyang hinawakan ang kamay ko. "Trisha.."
Tumingin ako sa kanya.
"Mahal na mahal kita."
Pumatak ang luha sa mga mata ko. Hindi ko magawang magsalita. Tanging paghikbi lamang ang nagawa ko sa harap nya.
"But I'm not good for you now." Sabi nya na nagpailing sa akin.
"We can't be together right now. Kahit ipilit ko, hindi pwede. I really want what's best for you at sa ngayon, hindi pa ako yon."
"Kurt.."
"Do you trust me?" Tanong nya.
Tumango ako.
"Bumalik ka sa dati. Gain your Mom and Dad's trust again. Make them proud! Mag aral ka ulit and do the things that makes you happy. Ayokong nakakulong ka lang at malungkot. Can you do that for me?" Tanong nya.
"Pano ka? Pano tayo? Anong kailangan kong gawin para pumayag si Daddy at Mommy sa atin?" Nag aalalang tanong ko.
"You don't have to do anything for us, Trish. Let me do it! Akong bahala sa lahat. Ako ang gagawa ng paraan. For now, sarili mo lang muna isipin mo. Ako ng bahala sa atin, okay? Just trust me...
MAHAL NA MAHAL KITA."
Bahagya nyang hinila ang kamay ko at dahan dahan nyang inilapit ang kanyang mukha sa akin.
Napapikit ako ng maramdaman ko ang labi nyang dumampi sa labi ko.