TPOLY 3

21 2 0
                                    

Nang magising ako kinaumagahan ay wala na sila Daddy. Madaling araw daw sila nagbyahe at ang sabi ni Manang ay baka tumagal sila ng dalawang linggo roon.



Bumaba ako at nagtungo sa Dinning Area. Naabutan kong naglalagay ng butter sa pancake si Kurt. Mag isa lang siya doon.




"Where's Paul?" Tanong ko.




Sandali siyang nag angat ng tingin bago ibinalik muli sa pagkain ang atensyon.




Lumapit si Manang sa akin upang maglagay ng plato.




"Si Paul?" Tanong ko kay Manang.




"Tulog pa. Gusto mo bang gisingin ko siya?" Tanong niya.



"Wag na. Baka napuyat 'yon." Sabi ko.




Hindi na nagsalita si Manang at umalis na. Tahimik akong kumuha ng bacon at fried rice.




"Ketchup!!" Sigaw ko.




Nagmamadaling lumapit si Manang sa akin.




"Pasensya na at nakalimutan ko na hindi ka nga pala nakakakain ng walang ketchup. Matanda na talaga ko at nag uulyanin na." Natatawang sabi nya.




"Manang, 16 years mo na akong inaalagaan. Imposibleng makalimutan mo ang mga gusto ko." Naiiritang sabi ko.




"Pasensya na at tumatanda na ako." Sabi nya.



Tinignan ko sya ng masama.




"Hindi ka pwedeng tumanda. Aalagaan mo pa ang mga magiging anak ko." Sabi ko.




Tumawa si Manang dahil sa sinabi ko.




"Imposible iyan, Anak. Baka nga hindi ko na maabutan ang pagdadalaga mo." Sabi nya na mas lalong nagpairita sa akin.





"Hindi nga pwede! Dapat nandito ka pa kapag nagkaasawa at nagkaanak ako! Pati mga apo ko, aalagaan mo!" Inis na sabi ko.




Tumawa siya ng malakas bago tumango.




"Oh sige. Aalagaan ko ang magiging apo mo, kaya kumain ka na dyan at bilisan mong lumaki." sabi niya habang tumatawa.




Umalis na si Manang at naiwan kami ulit ni Kurt. Tahimik lang siya, as usual. Pero napapansin ko ang pagdapo ng tingin niya sa akin.





"Kailan ang pasukan?" biglang tanong niya.



Tss!



"Aba, ewan ko sayo! Bakit hindi mo tignan yung schedule na binigay sayo nung nag enrol ka?" Masungit na sabi ko.




Tumalim ang titig niya.




"I tried to act cool with you, but you're too brat." Sabi niya matapos tumayo.




"I'm not a brat!" Sigaw ko.





"Yes, You are!" Balik sigaw niya.




Ang pagkainis ko kay Kurt ay lalong tumindi, na kahit makita lang sya ay ayoko.




Dumaan ang mga araw na hindi namin magawang magusap. Nahihirapan na si Manang at Paul sa aming dalawa dahil maging sila man ay naiipit.




Si Tanya naman ay napapadalas ang pagbisita sa amin. Well, obvious naman na hindi ako ang ipinupunta niya dito kundi si Paul at Kurt.




"Hindi ko alam Tanya kung anong nagustuhan mo dyan." Tukoy ko kay Kurt habang umiinom ng Juice at pinapanood si Tanya na nagde-daydream. "Oh, ano? Ikinasal na ba kayo?"




Tumingin sya sa akin.




"Ang gwapo niya kaya. Sigurado ako kapag pumasok na siya sa School natin, hindi lang mga College Girls and magkakagusto sa kaniya, pati kapwa natin High School. Hayy.. Pwede bang itago nalang siya dito sa bahay? Dadami ang karibal ko." Problemadong sabi nya.




"Para kang tanga, Tanya." Irap ko sa kanya.




"Nasasabi mo 'yan kasi pinsan mo siya. Siyempre, wala kang mararamdamang kakaibang feelings sa kaniya. Pero ako? Alam ko, ramdam na ramdam ko. Itinadhana kami para isa't isa!"




Halos kilabutan ako sa sinasabi nya.




"Yuck! You're too young to think that way, Tanya! Umuwi ka na nga! Gabi na!" pagtataboy ko sa kaniya.





Inirapan nya ako at kahit ayaw niya pa ay napilitan na 'rin siyang umuwi.




"Nakakainis! Anong gwapo kay Kurt? Ang pangit niya kaya! Kahit hindi ko siya maging pinsan, hinding hindi ko siya magugustuhan!"

--

Nabalitaan nila Mommy nang makauwi sila ang nangyayaring iyon sa pagitan namin ni Kurt.



"Kailan ba kasi aalis sa bahay natin ang lalaking 'yon. I hate him so much!" Sabi ko kay Mommy.



"Trisha, ano ba talagang problema? Ano bang kinakainis mo kay Kurt?" Tanong niya nang puntahan niya ako sa kwarto para kausapin.




Hindi ako agad nakasagot at panandaliang nag isip. Teka! Bakit nga ba ako naiinis kay Kurt? Kung tutuusin ay wala naman siyang mabigat na kasalanan para maging ganito ang pagkainis ko sa kaniya.



"Ano? Sabihin mo sakin ang dahilan." Sabi ni Mommy.



"Hindi ko alam basta naiinis lang ako." sagot kong naguguluhan.




"I don't understand you, Trisha. Pwede bang mainis ka nalang bigla sa tao kahit wala naman itong kasalanan sayo?" Naguguluhang sabi ni Mommy.




Pwede nga ba? Pero iyon ang nararamdaman ko. Sobra akong naiinis sa kaniya.




Sinubukan kaming pag ayusin nila Mommy. Sinubukan ko na 'rin tutal naman ay magpinsan kami.


--

Isang araw ay nagtungo kaming tatlo sa Bayan. Habang naglalakad kami ay halos lahat ng kababaihan ay sa amin nakatuon. Nakikita ko sa kanila ang paghanga para sa dalawang lalaking kasama ko. Tinataasan ko ng kilay ang bawat babaeng tumitingin sa amin. Nagawa ko pang kumapit sa braso ni Paul at Kurt.




'Mainggit kayo!'




"Sobra ang kapit mo ah?" Natatawang sabi ni Paul.




Ngumiti ako ng pagkatamis tamis sa kaniya. Samantalang parang tuod naman na hindi makakilos si Kurt dahil sa pagkakahawak ko sa kaniya.




Nag angat ako ng tingin at naabutan kong seryoso siyang nakatingin sa kamay kong nakakapit sa braso niya.




Maging ako ay nakaramdam ng pagkailang dahil sa reaksyon niya. Hindi siya sanay na ganito ako.




Akma ko ng tatanggalin ang kamay ko sa pagkakahawak sa braso niya ngunit pinigilan niya ito. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at tumitig sa mga mata ko.

The Pain Of Loving YouWhere stories live. Discover now