Ginawa ko ang gusto ni Kurt. Kinuha ko muli ang tiwala nila Mommy at Daddy. Lahat ng gusto nila ay sinunod ko. Hindi naman ako nahirapan dahil nagtiwala naman sila muli sa akin. Pinapayagan na din nila akong makalabas kahit papano. Nabawasan na din ang bantay dito sa bahay. Siguro ay iniisip din nila na hindi naman nila ako habang buhay maaaring itago.
Alam din ni Daddy lahat ng nangyayari kila Kurt. Nalaman ko iyon ng minsan ko silang marinig na magkausap ni Mommy. Hindi ko alam kung paano. Siguro ay may tao syang binabayaran upang magbantay sa dalawa.
Hindi na din kami nagkita ni Kurt simula noon. Namimiss ko sya ngunit pinanghawakan ko na lamang ang sinabi nya, malaki din ang tiwala ko sa kanya. Alam kong isang araw ay babalik sya at makakagawa sya ng paraan para sa aming dalawa.
--
Mabilis lumipas ang buwan. Debut ko na! Sobrang daming bisita. Lahat ng mga kaibigan nila Mommy at Daddy, mga kasama sa work, mga negosyante at mga kilalang pamilya dito sa Costa Veniz ay narito lahat.
Inimbitahan sila lahat ni Mommy. Ang sabi ko sa kanya ay simpleng handaan lang ang gusto ko ngunit hindi talaga sya pumayag kaya wala akong nagawa.
Si Troy ang naging 18 Roses ko. Halos lahat ng kakilala namin ay madalas na kaming asarin sa isa't isa, ngunit malinaw at alam ni Troy na may nagmamay ari na sa puso ko.
Ilang oras akong naghintay, nagbabakasakali na kahit anino ni Kurt ay makita ko. Kahit sa malayo. Kahit silip lang. Gusto ko lang malaman na naaalala nya ang Birthday ko.
Ngunit natapos na ang Party at dumating na ang gabi ay wala paring Kurt na nagparamdam.
Magdamag akong umiyak. Hindi ko na mapigilan. Sobrang miss na miss ko na sya. Gusto ko na syang yakapin. Gusto kong marinig ang boses nya. Gusto ko ulit marinig na sabihin nyang mahal na mahal nya ko, ngunit paano? Nasan sya?
Hindi ko na mapigilan ang humagulgol sa sobrang bigat na nararamdaman ko.
--
Kinabukasan ay napansin ni Mommy ang pamumula ng mata ko.
"Umiyak ka ba?" Tanong nya.
Umiling ako at ngumiti.
"Hindi kasi ako agad nakatulog kagabi, Mommy. Nanood muna ako, kaya siguro nagkaganto yung mata ko." Pagdadahilan ko.
"Maagang umalis ang Daddy mo. Gusto mo bang magshopping tayo?" Tanong nya.
Umiling lamang ako.
"Napagod po ako kahapon. Gusto ko lang magpahinga." Sagot ko.
Narinig ko ang malalim na buntong hininga niya.
"Stop waiting for him, Trisha." Sabi nya na naging dahilan ng pagbaling ko sa kanya. "He's already with someone."
"Huh? What are you talking about, Mom?" Naguguluhang tanong ko.
"Kurt." Napalitan ng pag aalala ang reaction ni Mommy ng bumaling sa akin. "He's living with someone else right now."
Napailing ako at bahagyang natawa.
"What? Hindi ko alam kung san mo yan narinig Mommy, but I don't believe it." Sagot ko. "Matagal na kaming hindi nagkikita at nagkakausap. But, I know, he can't do that."
Akma na akong tatayo ng bigla syang nagsalita muli.
"He's living with a girl named Yuna."
--
I cried and cried and cried.
Nagtataka na nga ako kung hindi ba mauubos ang luha ko? Wala na kong tigil sa pag iyak. I wanted to trust him! I wanted to trust his love! Pero bat ganon? Pano ni Mommy nalaman yung pangalan ng EX ni Kurt?
At napatunayan yon lahat ng isang araw ay may magpadala ng mga pictures sa akin, kung saan naroon si Kurt at ang isang magandang babae. And that's it!
Hindi nya nailaban! Hindi nya kinaya! Narealized nya sigurong mali at hindi maaari so he gave up! Ang masakit lang kasi.. Umasa ako! Naghintay ako! Akala ko kasi magagawan nya ng paraan dahil yon ang sabi nya! Akala ko kasi sa huli maaari din maging kami.