Nang dumating ang alas sinko ay inihatid na ako ni Troy pabalik sa bahay. Hanggang gate nalang sya at di na sya pumasok sa loob.
Sa totoo lang, magaan ang loob ko kay Troy. Alam ko kasing mabuti siyang tao.
"See you tomorrow?" sabi niya.
Ngumiti ako at tumango.
"See you."
Sandali siyang tumitig sa akin bago tumalikod at naglakad palayo.
Nang makapasok ako sa bahay ay sinalubong ako ng seryosong mukha ni Mommy.
"Bakit, Mom?" tanong ko.
Hindi siya umimik at tumitig lang sa akin.
"Mommy, may problema ba?" tanong ko muli.
Pumikit siya ng madiin bago umiling.
"Wala, Anak. Kamusta ang date niyo ni Troy?" tanong niya.
Ngumiti ako.
"Date ba 'yon? Inilibot ko lang naman siya sa farm natin. Magbibihis lang po ako." paalam ko at nilagpasan na si Mommy.
Nang dumating ang hapunan ay tahimik lamang ako. Si Daddy lang ang nagsasalita sa amin, dahil maging si Mommy ay mukang malalim din ang iniisip.
"Hon, okay ka lang ba?" tanong ni Dad matapos mapansin ang pananahimik ni Mommy.
"Huh? Uhm.. Ayos lang ako, Hon." bumaling si Mommy sa akin. "Trisha, imbitahan mo ulit si Troy sa atin."
Nagulat ako sa sinabi niya.
"May pasok na po kami bukas." sabi ko.
"Bago siya umuwi. Padaanin mo siya dito. Kamusta nga pala ang date niyo kanina?" malakas ang boses na tanong niya.
Lalong kumunot ang noo ko. Naitanong na niya 'yan kanina sa akin ha? Paulit-ulit si Mommy.
"Hindi nga iyon date, Mommy." sabi ko at pasimple akong bumaling kay Kurt na nilalaro ng tinidor ang pagkain.
"Kailan mo siya sasagutin? Gusto ko siya para sayo." diretsyong sabi nya.
Nabilaukan ako sa sinabi ni Mommy.
Nagmamadali akong uminom ng tubig.
"Ano bang sinasabi mo, Mommy?" gulat na tanong ko.
"Wala naman problema sa amin ng Daddy mo kung magkakaboyfriend ka na." Sabi niya na agad kinontra ni Daddy.
"Ano ka ba, Hon. Magseseventeen palang 'yang Anak natin." sabi ni Dad.
Tumingin si Mommy kay Kurt.
"Ikaw, Kurt. Kamusta na kayo ni Cleo?" seryosong tanong niya.
Nag angat ng tingin si Kurt kay Mommy.
"Wala na po kami." sagot niya.
"Bakit?" Nagulat ako sa klase ng pagtatanong ni Mommy kay Kurt. "Maganda naman si Cleo at mabait. Bakit kayo naghiwalay?"
Tumingin si Kurt sa akin. Nakaramdam ako ng kaba ng tumingin din si Mommy akin.
"Tita, hindi po kasi kami magkasundo kaya mas pinili nalang po namin na maghiwalay." paliwanag ni Kurt.