Umihip ang malakas na hangin dahilan upang kumalat ang iilang hibla ng aking buhok sa aking mukha. Inalis ko iyon at iniipit sa aking tainga habang hindi inaalis ang aking mata sa dagat ng Costa Veniz.
"Hey!" Napalingon ako kay Paul na agad isinuot ang kaniyang Jacket sa akin. "Malamig dito sa labas. Hindi ka ba giniginaw?"
Ngumiti ako at umiling.
"Isa 'to sa mga na-miss ko dito. Yung malamig na simoy ng hangin lalo na kapag gabi at yung ingay na nagmumula sa agos ng dagat." Sabi ko.
Tumingin ako sa kanya na ngayon ay nakatingin na din sa karagatan.
"Can I ask you something?" May pagkaseryoso ang tinig niya.
"Ano 'yon?" Napakapit ako ng mahigpit sa Jacket niya na nakasuot sa akin dahil 'tila mas naramdaman ko ang lamig.
"Nagkita na ba kayo?" Seryosong tanong nya.
"Sino?" Patay malisya kong tanong kahit alam ko naman kung sino ang tinutukoy niya.
"Si Kuya. Nagkita na kayo?"
Umiling ako at ngumiti sa kanya.
"Buhat ng bumalik ako dito, hindi pa kami nagkikita." Sagot ko.
"Nandito siya sa Costa Veniz ngayon. Kasama si Yuna. Dito kasi gusto ni Yuna na ganapin ang Kasal nila." Lumingon sya sa akin at 'tila gustong basahin kung ano man ang magiging reaksyon ko.
Tumango ako at muling ibinalik ang tingin sa Dagat.
"I received the invitation last month pa. Super busy ko at akala ko nga hindi na ako makakauwi. But Mommy and Daddy forced me to. It's kinda weird nga e, since sila ang nagpatapon sa akin sa America and sila din ang nagpupumilit sakin na bumalik." Bahagya akong natawa.
"Maybe, It's Kuya who asked them to bring you Home." Sagot nya na lalong nagpatawa sakin.
"And you expected me to believe that? We both know what happened in the past, Paul." Sabi ko.
"Pero wala ka ng alam sa nangyari after that. Kung alam mo lang, Trisha.." buntong hininga nya.
Kumunot ang noo ko at tumingin sa kanya.
"You know something, aren't you? What is it? Spill it." Alam kong may gusto syang sabihin sa akin.
Umiling sya at hinawakan ang kamay ko.
"Let's go. Papadilim na." Sabi nya bago ako hilahin pabalik sa Bahay.
So, this is what it feels.
A/N:
This is a work of Fiction. Any names, characters and incidents are product of Author's Imagination. Any resemblance of an actual events, places, persons; living or death are purely coincidental.Plagiarism is a Crime punished by Law.