TPOLY 24

10 2 0
                                    

Pagkauwi ko sa bahay ay agad akong dumiretsyo sa kwarto. Bakit ganon? Bakit hanggang ngayon may epekto padin sya sakin? Ang akala ko ay okay na ko! Ang akala ko ay natanggal ko na kung ano man nararamdaman ko sa kanya! Pero bakit ganto ngayon? Bakit nakita ko lang sya, pakiramdam ko bumalik na naman ang lahat!


Hindi na dapat ako umuwi! Sana kahit anong pakiusap nila at pangungumbinsi ni Mommy at Daddy ay hindi padin dapat ako bumalik!



Okay na ko 'e. Nakalimutan ko na sya! Hindi ko na nga sya naiisip 'e. Pero bakit sa sandaling oras na yon, ganito na naman ako!



Gusto kong magalit sa sarili ko! Naging okay nga ba talaga ko? Nakalimutan ko ba talaga sya? Hindi ko na nga ba talaga sya iniisip? O, niloloko ko lang ang sarili ko?


"Trisha.." narinig ko ang tawag ni Manang mula sa labas.

Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko bago ko binuksan ang pinto.


"Okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong nya. Tumango ako. "May gustong kumausap sayo."


"Sino po?" Nagtatakang tanong ko.


"Si Kurt. Puntahan mo at nasa labas sya. Ayaw nya kasing pumasok kahit anong sabihin ko."


Lalo akong nagulat.


"Po? Anong ginagawa nya dito?"


Umiling si Manang.


"Hindi ko alam. Puntahan mo na doon at baka pinapapak na sya ng mga lamok sa labas."


Lumabas na si Manang ng kwarto ko ngunit nanatili akong nakaupo sa gilid ng kama.


Bakit sya nandito? Anong kailangan nya?

Sandali akong nag isip.

Hindi ako lalabas. Sigurado naman na aalis din sya. Isa pa, wala naman kaming dapat pag usapan pa.


Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame.


Halos isang oras na ang lumipas. Sigurado akong umalis na si Kurt. Hindi ko alam pero may parte sa akin na nakakaramdam ng panghihinayang.


Bumangon ako at nagtungo sa Veranda. Madilim na ang langit ngunit ang Buwan ay nagbibigay ng liwanag. Ang dami din bituin.


Bigla kong naalala ang pakiramdam ng lisanin ko ang Bayan na 'to. Ang lungkot, sakit, ang panghihinayang at ang galit. Halos lahat ata ng iba't ibang klase ng pakiramdam ay naramdaman ko na simula ng umalis ako.

Babalik na sana ako sa loob ng may marinig akong kaluskos mula sa ibaba. Napatingin ako sa may duyan at halos manlaki ang mga mata ko ng makita kong may tao.

Pilit kong inaaninag kung sino ang naroon at hindi ako pwedeng magkamali. Kahit malayo, kahit madilim at kahit ilang taon pa na hindi ko sya nakita, hindi ako pwedeng magkamali.

Si Kurt iyon.


Bumaba ako at nagtungo sa labas. Naglakad ako palapit sa duyan at nakita kong nakahiga sya doon at nakapikit. Dahan dahan ko syang nilapitan.

Nakatulog na ba sya?

Nakalapit na ako sa kanya ngunit nakapikit padin sya. Hindi ba sya nilalamok?


Umupo ako sa gilid at tinitigan sya.. mukang nakatulog na nga. Hindi ko maiwasan mapangiti. Muka padin syang suplado kahit tulog.


Bumaba ang tingin ko sa mapulang labi nya. Bigla kong naalala ang naging huling pagkikita namin kung saan hinalikan nya ako. Kung saan naniwala ako sa lahat ng sinabi nya. Kung saan umasa ako.

Parang biglang kumirot ang puso ko.


Akma na sana akong tatayo ng bigla syang dumilat. Sa sobrang gulat ko ay napaatras ako, mabilis naman syang bumangon upang hablutin ako ngunit huli na, bumagsak na ako at napaupo sa buhangin.

"Trisha!!" Nag aalalang tawag nya.

Nilapitan nya ako at inalalayang tumayo.

"Are you okay?" Tanong nya.


"O-Okay lang ako." Sabi ko habang pinapagpag ang buhangin sa suot ko.

Tumingin ako sa kanya. May multo ng ngiti sa mga labi nya.

Humalukipkip ako at nagtaas ng kilay.

"Bat ba kasi dyan ka natutulog sa duyan?" Inis na tanong ko.

"Hinihintay kita." Sagot nya bago tumingin sa kanyang wristwatch. "More than an hour na pala kong naghihintay."

"Sino ba kasi may sabing maghintay ka? At bakit ka ba kasi nandito?"

Nagulat ako ng bigla syang lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko.



Bahagyan nya kong hinila at dinala sa mga bisig nya. Hindi ko alam! Gustong tumutol ng utak ko pero ayaw gumalaw ng katawan ko.



"I miss you, Trisha." Ramdam ko ang lungkot at sakit sa sinabi nya. "I miss you so fucking much."




Gusto kong pagalitan ang sarili ko. Hindi ito tama!





Nanatili kami sa ganong posisyon hanggang sa kusa na syang bumitaw.





Tumitig sya sa mga mata ko at iba't ibang emosyon ang nakikita ko sa mga mata nya. Pangungulila, lungkot, sakit at pagmamahal. Pero bat ganon? Paano nya nagagawang ipakita sa akin ang emosyon na yan, samantalang alam namin pareho na ikakasal na sya!




Umiling ako at dahan dahang lumayo sa kanya. Bahagyang umawang ang labi nya.




"Hindi ko alam kung bakit ka nandito ngayon! Hindi ko alam kung anong gusto mo!" Iritado ko syang tinignan.




Mahal pa ba nya ko? May nararamdaman pa ba sya sakin? Alam ba nya na may nararamdaman pa ko sa kanya kaya sya ganto? Ginagawa nya lang ba to dahil don?




Nakaramdam ako ng galit!




"Trisha--"






"Umalis kana!" Pagkasabi non ay mabilis akong tumakbo patungo sa kwarto at doon iniyak lahat ng nararamdaman ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 4 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Pain Of Loving YouWhere stories live. Discover now