Wala akong idea kung ano ba ang pagmamahal. Ito ba yung madalas mo siyang awayin dahil sa selos? Yung ibibigay mo ang lahat para sa kaniya? Yung gagawin mo ang lahat maging masaya lang siya?
Ito ba yung palagi kang masaya kapag kasama siya? Binubuo ng mga ngiti niya ang araw mo? Yung bawat kilos niya kabisado mo? O yung bawat oras, minuto, hinahanap mo siya? Yun ba ang pagmamahal?
Pero sa nagdaang taon ng buhay ko, nalaman ko na ang pagmamahal.. ay ang pagpaparaya sa kung saan ang tama at makakabuti para sa inyong dalawa!
Dahil may mga pagkakataon na kahit gaano niyo pa kagusto.. Hindi maaari. Dahil may mga bagay na hindi pwede, at hindi maaaring maging tama ang mali. Kaya kahit mahirap, kailangan mong isakripisyo ang pansarili mong kagustuhan para sa ikabubuti niyong dalawa.
Kinuha ko ang juice at sumipsip dito habang nakahiga sa sun lounge.
Sa limang taon na nawala ako sa Costa Veniz, marami ng nagbago. Naging tourist attraction na ang lugar na ito. Umasenso na din ang mga tao.
Tinanggal ko ang aking shades ng marinig ko ang pamilyar na boses sa gilid ko.
"Ang sakit sa skin ng araw." reklamo niya. "Magkaka-sunburned ata ako!"
Ngumiti ako at tumingin kay Jean.
"Nasaan si Paul?" tanong ko.
Nagkibit balikat siya at isinuot ang kaniyang shades.
"Hindi ko alam." sabi niya.
"Treat him right, Jean. Hindi yung parang wala kang pakielam sa kaniya." nakairap na sabi ko.
"Malaki na si Paul. Kaya na niyang alagaan sarili niya."
Napailing na lamang ako sa sinabi niya. If I know, head over heels inlove din naman siya sa pinsan ko, iyon nga lang, hindi niya pinapakita para ma-maintain ang siga image niya. Kawawang Paul. Pero hindi ko akalain na maiinlove siya sa siga, maangas at matapang na si Jean. Sino nga naman ang mag aakala? Sa dami ng nagkakagusto sa kaniya, sa kinaiinisan nya pang si Jean sya mapupunta?
"Speaking of the devil.." bulong ni Jean.
Napalingon ako sa kung saan siya nakatingin at nakita ko si Paul na naglalakad palapit sa amin. Agad siyang tumabi kay Jean at yumakap dito.
Napairap naman ako.
Nakita iyon ni Paul kaya mas lalo pa siyang yumakap kay Jean.
"Yuck!" sabi ko at agad tumayo.
Narinig ko ang halakhak ni Paul habang naglalakad ako palayo sa kanila.
"Get yourself a boyfriend, Trish! Baka tumanda kang dalaga!" sigaw niya.
Lalo akong nainis ng marinig ko ang mala-kobtrabidang halakhak ni Jean.
--
Tinignan ko ang kabuuan ng aming tahanan na iniwan ko ng limang taon. Dito sa tahanang ito nagsimula ang lahat. Dito sa tahanang ito nagsimula ang kwento namin, pero dito din sa tahanang ito nagtapos ang lahat.
Umakyat ako sa hagdan at nagtungo sa aking kwarto. Humiga ako at ipinikit ang aking mga mata. Naka-plano na magstay ako dito para lamang sa kasal ni Kurt at Yuna.
Hinayaan ko ang aking sarili na kainin ng antok.
Nagising nalang ako ng tumunog ang aking cellphone. Hindi ko alam kung anong oras na.
"Hello?" Inaantok na sabi ko.
"Hey.." napapaos na sabi niya mula sa kabilang linya.
Napangiti ako.
"What's up?" Tanong ko.
"Narito ka sa Costa veniz, pero hindi ka man lang nagpapakita."
Bahagya akong natawa dahil sa kaartehan ng boses niya.
"May bukas pa naman, Troy." Sabi ko.
"But I want to see you now. I'm outside your house!"
Ramdam ko ang frustration sa boses niya. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapangiti.
"Alright, give me a minute." Pagsuko ko.
Ibinaba ko na ang phone at bumangon na sa kama. Nagtungo ako sa bathroom upang maghilamos at magtoothbrush.
Tinignan ko ang wristwatch ko. It's already ten in the evening.
Nagsuot lamang ako ng loose jacket at shorts bago bumaba at lumabas ng bahay. Naabutan ko si Troy na nakaupo sa duyan sa ilalim ng puno ng buko. Bumaling siya sa akin at ngumiti.
Ngumiti din ako pabalik sa kaniya.
Tumayo siya at lumapit sa akin para yumakap.
"I missed you." Bulong niya.
"I missed you too." Sabi ko at kumalas sa yakap niya.
Sabay kaming naglakad patungo sa duyan at umupo doon. Tahimik lamang kami habang nakatanaw sa buwan.
"Trish.." tawag niya.
Kita ko mula sa pheripheral vision ko ang pagbaling at pagtitig niya sa akin.
"Mmm?" Tanong ko habang hindi inaalis ang aking paningin sa buwan at bituin.
"Are you okay?" Tanong niya.
Bumaling ako sa kaniya at bahagyang kumunot ang noo ko.
"I'm fine. Why?"
Bumuntong hininga siya bago nag iwas ng tingin.
"I just want to know if you're okay." Seryosong sabi niya.
Ngumiti ako at isinandal ang aking ulo sa kaniyang balikat.
"Thank you for always be there for me, Troy." Sincere na sabi ko.
"I just want you to be happy. At gusto ko na sa akin ka maging masaya, pero alam kong kahit anong gawin ko, hindi mo ako magagawang mahalin. Kaya kuntento na 'ko! Kuntento na 'ko na nasa tabi mo. At sa oras na magmahal ka ulit, gusto ko nasa tabi mo parin ako." Sabi niya.
Totoo ang naging pag ibig niya sa akin ngunit hindi ko iyon nagawang tanggapin. Dahil alam ko sa sarili ko na isang tao lang ang minahal ko.
Pero umaasa parin ako na darating ang araw na magagawa kong buksan muli ang puso ko para sa iba. At gusto kong si Troy ang papasukin dito.