Mabilis gumaan ang loob ko kay Paul. Marami kasi siyang hilig na gusto ko din. Katulad ng paglalaro ng Volleyball, madalas ay sa Bakuran kami naglalaro. Kung minsan ay pumupunta kami sa dagat para doon maglaro. Magaling din siyang lumangoy at siya ang nagtuturo sa akin ngayon.
"Gusto kong pumunta sa malalim, Paul." Sabi ko.
Lumaki ako sa Costa Veniz ngunit hindi ako marunong lumangoy.
"Hindi pwede, Trisha. Hindi ka pa gaanong sanay lumangoy, baka malunod ka." Sabi nya matapos iabot ang sarong sa akin.
Ngumuso ako at naupo sa buhangin.
"Nakakauhaw." Sabi ko.
"Kukuha kita ng Juice. Dito ka lang ha?" Sabi niya.
Ngumiti ako at tumango.
Nakatingin lamang ako sa malawak na Dagat habang hinihintay ang pagdating ni Paul. Gosh! Parang inaakit ako.
Tumayo ako at tinanggal ang sarong ko. Medyo alam ko naman na kung paano lumangoy at isa pa, hindi naman ako lalayo.
Lumusong ako sa dagat at ginawa ang itinuro ni Paul ngunit dahil sa agos ay nailayo ako nito. Sinubukan kong umahon upang huminga ngunit hindi ko magawa.
Lalo akong kinabahan ng makita kong tinatangay na ako palayo ng agos.
"Pau--"
"Trisha!!"
"Hel--"
Sinubukan kong mag'floating ngunit tila nanigas ang aking paa.
Pumikit ako at nagsimulang magdasal. Kung ito na ang oras ko ay tatanggapin ko, ngunit tila masyado pa akong bata para mawala sa mundo. Hindi! Ayoko pa! Hindi pa ako handa.
Pero paano kung ito na talaga ang katapusan ko? Hindi ko man lang ba mararanasan ang maging dalaga? Ang magkaasawa? Ang magkaanak? Naiiyak na ako sa mga naiisip ko.
Pumikit ako ngunit bago ako tuluyang mawalan ng malay ay naramdaman ko na ang kamay na mahigpit na humapit sa aking bewang.
--
Nang magising ako ay narito na ako sa aking kwarto. Sa gilid ng kama ko ay naroon si Mommy, si Daddy naman ay malapit sa pintuan kausap ang Family Doctor namin na si Dr. Enrile. Sa paanan naman ay naroon si Paul at si Kurt na nakasandal sa wall.
"She's awake." Sabi ni Mommy. "Kamusta ang pakiramdam mo, Anak?" Nag aalalang tanong niya.
Lumapit si Daddy at Paul, si Kurt ay nanatili sa pwesto niya kanina.
"Mommy!!" Agad akong napaiyak at napayakap sa kaniya.
"Ssshhh. Tahan na, Anak." Alu niya sa akin habang hinahagod ang likod ko.
"Mabuti nalang at agad kang nadala sa pangpang at agad nabigyan ng CPR." Sabi ni Daddy.
Tumingin ako kay Paul at ngumiti.
"Thankyou, Paul." Humihikbing sabi ko.
"Hindi si Paul ang nagligtas sayo, Trisha." Sabi ni Mommy na ikinagulat ko.
"Sino?" Nagtatakang tanong ko.
"Si Kuya." sagot ni Paul.
Tumingin ako kay Kurt na seryoso lamang na nakatingin sa akin.