TPOLY 14

15 3 0
                                    

Alam kong naninibago sa akin si Cleo dahil sa hindi ko pagpansin sa kaniya. Sa totoo lang, kahit ako naiinis na sa nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagagalit at nasasaktan.




Sa tuwing magkakasalubong kami ni Kurt sa bahay ay para kaming may sakit na nakakahawa. Agad kaming iiwas sa isa't isa. Kaya pagdating ko galing School ay diretsyo na ako sa kwarto, magkukulong na ako doon at magpapanggap na tulog, maiwasan lang siya.




Nahihirapan ako sa sitwasyon namin at alam kong nahahalata na iyon nila Mommy at Daddy.




Kinabukasan, sinakto ko ang pag gising sa pag' gayak ko upang hindi na ako pilitin ni Mommy na mag agahan kasama sila.




"Papasok na 'ko, Mom, Dad." paalam ko sabay halik sa kanila.




"Sandali, Anak." tawag ni Mommy. "Baunin mo 'to. Kainin mo 'yan kapag nagutom ka."




Iniabot niya sa akin ang sandwich. Ngumiti ako at tumango.




"Thankyou, Mommy."




Bago ako tumalikod ay nakita kong pababa ng hagdan si Kurt. Nakabihis na 'rin siya at mukhang handa na din pumasok.





"O, nandito pa pala si Kurt. Magsabay na kayong pumasok." sabi ni Dad.





Nag iwas ako ng tingin ng makita kong nakatingin sa akin si Kurt.




"Magkalayo yung Building naming dalawa." sabi ko at tumalikod na.





Sumakay ako sa sasakyan at hinihintay si Mang Lito na aming driver para ihatid ako sa School. Nagulat nalang ako ng bumukas ang pintuan at maupo sa tabi ko si Kurt. Kasunod si Mang Lito na agad nagtungo sa Driver's seat.




Hindi ko pinansin si Kurt at ibinaling ang aking atensyon sa labas ng bintana.





"Magkaaway ba kayong dalawa?" tanong ni Mang Lito.





Hindi ako kumibo.



"Hindi po." sagot ni Kurt.




Nang makarating kami sa Parking Lot ng Campus ay nagmamadali akong bumaba.




"Thankyou, Mang Lito." sabi ko at mabilis na naglakad.




Nasa Hallway na ako ng maramdaman ko ang kamay na humawak sa braso ko. Humarap ako upang tignan iyon.




Nakita ko ang malungkot na mukha ni Kurt.




"Anong problema mo?" walang emosyong tanong ko.



"Pwede ba tayong magusap?"




Sandali ko siyang tinitigan bago ko dahan dahang tinanggal ang kamay niya.




"Hindi pwede."




Pagkasabi ko 'non ay tinalikuran ko na siya at mabilis akong naglakad patungo sa Building namin.




Nang makarating ako sa Room ay agad akong sinalubong ni Tanya.





"Trish, umiiyak si Cleo kanina." bulong niya.




Tumingin ako sa kaniya.





"Bakit?" tanong ko.




Nagkibit balikat siya.




The Pain Of Loving YouWhere stories live. Discover now