TPOLY 11

17 1 0
                                    

Sa araw araw na nakikita ko ang pagiging matamlay ni Paul at Kurt, lalo akong nasasaktan. Nawalan na sila ng gana sa kahit ano. Si Paul ay hindi na sumasali sa kahit anong aktibidad sa paaralan namin.




Ganon din si Kurt, pagkagaling sa School ay diretsyo bahay na sila. Sa hapagkainan ay wala silang imik. Hindi ko na 'rin sila nakakausap at gaanong nakakasama. Alam kong sobrang bigat ng pinagdadaanan nila at hindi ko alam kung anong kailangan kong gawin para mabawasan ito.





Maging sina Mommy at Daddy ay hindi na 'rin alam ang gagawin. Labis ang awa at sakit na nararamdaman nila para sa dalawa.




Gabi gabi ay naririnig ko ang impit na iyak ni Paul sa kwarto niya, si Kurt naman ay hindi ko na halos nakikita. Pagkagaling sa school ay magbibihis lang siya, pagkatapos ay aalis na. Sabi ni Manang, dumadating siya ng madaling araw na at aalis ulit ng umaga.




Hindi ko siya gaanong nakikita sa school at kapag lalapitan at susubukan ko siyang kausapin, hindi niya ako papansinin.





Kaya naman nang umalis siya pagkatapos niyang magbihis ay hinintay ko talaga siya.




Hindi ako natulog hanggang sa dumating siya at hindi naman ako nabigo. Dumating siya alas dos ng madaling araw. Nakasubsob ang mukha ko sa aking tuhod at nang mag angat ako ng tingin ay nakita ko ang gulat niyang mukha. Agad akong tumayo at nalanghap ko naman ang amoy ng beer sa kaniya. Namumula ang kaniyang mukha lalo na ang kaniyang labi.





"K-Kurt.." mahinang sambit ko sa pangalan nya. Agad akong napayuko ng biglang bumuhos ang mga luha ko.




Hindi ko mapigilan.. Sobrang nasasaktan ako sa nakikita ko sa kaniya.





Dahan dahan siyang lumapit sa akin. Hinawakan niya ang aking baba at iniangat ang aking mukha dahilan upang matitigan ko siya. Sakit, pagdaramhati at pagsisisi. Iyon ang iilan sa emosyon na nakikita ko sa mga mata niya.





"Bakit ka umiiyak? At bakit ka narito sa labas?" Tanong niya.





Humikbi ako at sinubukang tanggalin ang bara sa aking lalamunan.





"H-Hinihintay kita.." Pag amin ko.




Hinaplos niya ang pisngi ko at pinunasan ang mga luha ko.




"Kurt--"





"Lumayo ka na.." Sabi niya dahilan upang maguluhan ako.




"A-Anong--"




"Listen, Trisha. Hangga't maaga, lumayo ka na. Hindi mo ba nakikita? Lahat ng taong malapit sa akin at lahat ng taong mahalaga at minamahal ko.. Nawawala!"





Tumitig ako sa mga mata niya.




"Bakit kailangan 'kong lumayo?" Tanong ko.




"Dahil-- Dahil mahalaga ka na sa akin at alam kong darating ang araw na mawawala ka din! Iiwan mo 'rin ako.. Kaya hangga't kaya ko pa.. Lumayo ka na!" Sagot niya.





Hindi ko alam kung bakit hindi ko nagawang magsalita.




Nilagpasan niya ako at naglakad na sya papasok sa loob ng bahay. Naiwan akong tulala habang nakatingin sa kawalan.




Bakit wala akong nasabi? Dahil ba alam kong.. posibleng mangyari iyon?


--

Katulad ng mga nagdaang araw, ganon parin si Kurt samantalang medyo bumalik na sa dati si Paul. Although, may time na kapag magkasama kami ay bigla nalang siyang natutulala.



Narito kami ngayon sa duyan na ginawa niya sa ilalim ng puno ng Buko. Magkatabi kaming dalawa habang pinapanood ang mahinang agos ng Dagat. Humilig ako sa balikat niya at bahagyang ipinikit ang mga mata.




"Inaantok ka?" Tanong niya.




"Medyo." Sagot ko.




Umayos siya sa pagkakaupo upang maging komportable ako.





"Ang bilis ng mga pangyayari. Parang kailan lang nasa Manila kami at magkakasama. Si Mommy, si Daddy, si Kuya at Ako. Nagtatawanan, nagbibiruan. Pero bigla nalang nagbago ang lahat." Sabi niya dahilan upang mawala ang antok ko.





Nag angat ako ng tingin upang tignan si Paul na malungkot na nakatingin sa dagat.





"Kakatapos lang nilang magkaayos ni Kuya noong nalaman namin na may Stage 3 Cancer si Daddy."





Gusto kong magtanong pero hindi ko ginawa. Hinayaan ko lang siyang magsalita.




"Palagi kaming nasa Hospital upang alagaan si Daddy. Yung pagsisisi ni Kuya.. Nakita ko 'yon! At nakita ko kung paano siya nalungkot dahil sa sitwasyon ni Dad. Akala namin.. Okay na! Dahil pinayagan na si Daddy na lumabas ng Hospital. Pero isang araw bigla nalang kaming kinausap ni Mommy. Sabi niya.. Ipapagamot si Daddy sa US upang tuluyan na siyang gumaling. Pero hindi namin akalain na may taning na pala ang buhay niya.. At alam mo ba ang mas masakit?"




Kasabay ng pagbaling niya sa akin ang pagpatak ng luha ko.




"Ipinagkait niya sa amin ang huling oras niya. Mas pinili niyang hindi kami makasama sa mga huling araw ng buhay niya.. Para lang hindi kami masaktan!" Umiiyak na sabi niya.



Hindi ko mapigilan at tuluyan na 'rin akong humagulgol.





"Hindi ba niya naisip na mas masasaktan kami dahil hindi namin siya nakasama? Hindi ba niya naisip na mas masakit yon?"




Napatakip ako sa aking bibig upang pigilan ang paghagulgol.





"Tapos ngayon.. Si Mommy naman? Bigla niya 'rin kaming iniwan!" may pait at sakit sa bawat salitang binibitiwan niya.



Mahigpit ko siyang niyakap at doon na siya tuluyang humagulgol. Hinaplos ko ang kaniyang likod habang sabay kaming umiiyak. Hindi nila deserve 'to! Hindi nila deserve ang masaktan ng ganito!

The Pain Of Loving YouWhere stories live. Discover now