06

4.7K 113 1
                                    

CHAPTER SIX
THE TRUTH

Maxine Anne’s pov.

KINABUKASAN

“Hey, saan ka pupunta?” napatingin naman ako kung sino ‘yun, and it was Maxwell, mukhang kanina pa siya gising, at mukhang may inaayus na naman siyang documents.

“Uh.. may pupuntahan lang kami nila Jasmine, niyaya nila ako na lumabas.. total naman ay walang ginagawa.” sabi ko naman sakanya kaya naman napatingin siya sa’kin. Tumitig naman siya sa’kin ng seryoso sa’kin.

“Hindi diba maganda ang pakiramdam mo kagabi, diba? Baka lumala ‘yang pakiramdam mo, huh.” seryosong sabi naman niya sa’kin kaya naman, lumapit siya sa’kin ng subrang lapit.

“Okay na ako, nag-pahinga naman ako kagabi..” seryosong sabi ko naman sakanya, kita ko naman kung pa’no siya napabuntong hininga dahil sa sinabi ko sakanya.

“Tsaka sa condo lang naman nila kami ngayon, depende na lang.. kung talagang lalabas kaming tatlo.” seryosong sabi ko naman sakanya, napatitig naman siya sa’kin ng seryoso. Hindi niya ako madalas hinahayaan na pumunta kung saan-saan na condo, hindi niya rin ‘yun gugustuhin, papayagan lang niya ako kapag kasama siya. Pero ngayon, wala siyang magagawa dahil hindi pa naman nila na kasal kami, and besides.. ngayon ko balak sabihin sakanila ang tungkol sa’min ni Maxwell.

“Ah okay, just call me if sumama ang pakiramdam mo, huh? Dito lang muna ako sa condo mo,” tumango na lang ako sakanya saka ako tuloyang lumabas ng condo. Naiwan siyang mag-isa ‘dun, dahil busy naman siya. Hindi ko alam kung bakit ayaw niya sa kanyang office, sa mismong company nila. Minsan talaga ay hindi ko siya maintindihan, dahil tinamad akong mag-drive ng kotse ay nag-taxi na lang ako papunta kaila Jasmine at Yasmine, medyo malayo rin kasi ‘yung condo nila, mas malapit sa University. Napatingin naman ako sa cellphone ko ng bigla itong nag-vibrate.

From: my husband
Message: message me nakarating ka na kaila Jasmine.

Hindi ko na siya ni-reply-an, hanggang makarating kaila Jasmine ay tahimik pa rin ako, bigla-bigla kasing sumama na naman ‘yung pakiramdam ko, what the hell? Napabuntong hininga na lang ako saka ako tuloyang pumasuk sa condo ‘nung dalawa, I have.. spare key of their condo, ganun rin naman sila sa’kin.

To: my husband
Message: here na ako.

From: my husband
Message: okay, enjoy iloveyou baby.

Hindi na lang ako nag-reply.

“Maxine!” si Yasmine.

“Hey, asaan si Jasmine?” takang tanong ko naman sakanya.

“At her room, lalabas rin naman ‘yun.. later.. naligo lang.” tumango na lang ako sakanya saka ako nanahimik sa tabi niya. Hanggang lumabas si Jasmine. Wala kaming ginawa kundi mag-kwentuhan lang, napatingin naman ako sa cellphone ko ng biglang nag-vibrate na naman! Tinignan ko kung sino ‘yun, and it was him.. my husband. Anong trip nitong lalaki’ng ‘to?

“Uh wait lang.. may tumatawag sa’kin..” sabi ko naman sakanila.

“Hey? Napatawag, ka?” takang tanong ko naman sakabilang linya ng masagut ko ang kanyang tawag.

“I just checking on you..”

“Sira, okay lang ako, I’ll chat you na lang later.. if mag-papasundo ako..” sabi ko naman sakanya, rinig ko naman ang kanyang buntong hininga.

“Ah okay, I love you.” hindi ko alam kung anong isasagut ko sakanya tuwing mag-sasabi siya my i love you hindi ko alam. O baka hindi lang ako sanay? This past year lang naman siya naging ganyan ‘nung nag-away kaming dalawa dahil sa mga bullies ko sa campus.

“Oum. Bye..” sabi ko saka ko pinatay ‘yung tawag niya.

From: my husband
Message: you didn’t response on my iloveyou:(

Hindi ko alam kung pinag-t-tripan niya lang ba ako o hindi, hindi siya ganito sa’kin.. ‘nung kinasal kaming dalawa ay nag-bago siya, na parang hindi na siya ‘yung Maxwell na nakilala ko at minahal ko, hindi ko siya maintindihan, ano pa nga ba ang i-expect ko kay Maxwell? Hindi naman kami parehas ng nararamdaman para sa isa’t-isa, ni hindi ko nga alam kung bakit siya pumayag sa kasal na ‘to. O baka napilitan lang talaga siya. Ang alam ko ay si Brent ang ikakasal sa’kin at hindi siya, kaya laking pag-tataka ko na si Maxwell ang ipinakasal sa’kin at hindi si Brent, and after that wedding.. Brent didn’t show up to me, after that I don’t have any idea, if where he is. And kapag nalan ni Brent na hindi kami okay ng kuya niya, he probably took me away from Maxwell.

“Hoy? Okay ka lang ba? Bigla kang natahimik?” takang tanong naman ni Jasmine sa’kin kaya naman napatingin ako sakanya.. sakanilang dalawa ni Yasmine.

“Wala.. may iniisip lang ako..”

“Hmm? Care to share to us?”

“Ano kasi..” napahawak naman ako sa finger ring ko, hindi ko alam kung bakit ko suot ‘to ngayon, dati naman ay hindi ko ‘to sinusuot.. bali dalawang ring ang suot ko; the one ring is the engagement ring.. which is si Maxwell ang mismong nag-bigay nito, and the last ring is ‘yung wedding ring naming dalawa ni Maxwell, napatingin naman sila sa hawak ko.

“What the hell— are you fucking married!?” si Yasmine, siya ang unang nag-react, si Jasmine naman ay nanatiling gulat. At hindi alam ang kanyang sasabihin.

“Yeah, two years..”

“The heck? Kanino?” takang tanong naman ni Jasmine.

“Kay Nathan?” takang tanong naman ni Yasmine. Agad naman akong napailing dahil sa tanong niya.

“One of.. our.. professor..”

“What!? Who?” takang tanong naman nilang dalawa sa’kin kaya naman napabuntong hininga na lang ako saka ako tumingin sakanya ng seryoso.

“Uh, kung sasabihin ko sainyo.. pwede bang h’wag na h’wag niyong sasabihin kung anong tungkol sa’min, lalo na ngayon na matunog ‘yung pangalan niya sa University.” seryosong sabi ko naman sakanilang dalawa kaya naman napatingin sa’kin ng seryoso si Yasmine, si Yasmine kasi ay mabilis siyang maka-ramdam sa paligid niya agad niyang nalalaman ang isang sekreto ng isang tao.

“Don’t tell me.. it’s Mr. Maxwell? Siya lang naman ang matunog na pangalan sa campus, hindi dahil sa skills niya pati na rin sakanyang charms..” seryosong sabi naman ni Yasmine sa’kin.

“Yeah.. it’s him..”

“Hindi naman kasi dapat talaga si Maxwell ang ipapakasal sa’kin, it was Brent.. kapatid ni Maxwell, pero dahil may girlfriend siya ‘nung time na ‘yun, walang choice na si Maxwell ang ipakasal sa’kin.. they arrange us kahit wala kaming choice, two years na kaming kasal.. and mag-three years na sa December 07, pero wala.. hindi naman naging okay ‘yung past year namin ni Maxwell.. pero halata na bumabawi siya, hindi naman niya kailangan bumawi kasi halata naman na wala lang sakanya ‘tong marriage na ‘to.” mahabang sabi ko naman sakanilang dalawa ni Yasmine at Jasmine, gulat pa rin silang dalawa dahil sa sinabi ko.

“Alam mo andami mong pasabog! King ina ka!” si Yasmine saka ginuloy ng mahina ‘yung buhok ko.

“Sure kang okay ka sa set up niyo ngayon?”

“No, alam naman niya ‘yun.. for this whole semester lang naman.. after that, wala na naman uli.. kaya pwede ba? H’wag niyong sasabihin kahit kanino tungkol dito, actually alam ng buong SSG tungkol sa’min,” seryosong sabi ko naman sakanilang dalawa. Lahat kasi ng SSG Officers ay barkada ni Alexander kaya wala rin, alam nila tungkol sa’min ni Maxwell, because they witness kung pa’no kami ikinasal.

“Syempre alam ng mga ‘yun, SSG President ba naman ‘yung kapatid ni Mr. Maxwell.” sabi naman ni Yasmine napailing na lang ako sakanilang dalawa.

to be continue..

follow me here:

Facebook page: LadyUnderTheDarkness STORIES
Instagram: _ladyunderthedarkness
Twitter: LUTD_WP
Tiktok: a_ladyunderthedarkness

My Professor Is My Husband [ editing ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon