dito ka lang by moira>>>>>>
CHAPTER THIRTY-FIVE
CHOOSE THE RIGHTMaxine's pov.
Naka-balik na kaming dalawa ni Maxwell, at simula 'nung naka-balik kaming dalawa ay hindi na kami pa nag-usap. Ilang araw na ang nakalipas ay hindi na siya nag-paramdan. Mas okay siguro kung ito na muna, alam niya kung anong nangyari sa'kin ten years ago at hindi niya pa alam tungkol kay Lucas. Mas okay siguro, ayaw kung madamay si Lucas sa mga nangyayari ngayon, lalo na sa'ming dalawa ni Maxwell. Ayaw kung madamay siya sa kung anong meron akong buhay. Mas okay na walang nakaka-alam tungkol sa kanya. Napabuntong hininga na lang ako saka ako lumabas ng kwarto naming dalawa ni Lucas.
Nadatnan ko naman sila Kaye, Eunice at Lucas na nag-uusap 'dun, sa may sofa. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nilang tatlo, since kahapon lang kaming dalawa ni Maxwell nakauwi ay ngayon ko lang nakita si Lucas, dahil 'nung umuwi ako ay na kaila Marco siya. Close kasi si Lucas kay Seth — anak nila Marco at Yesha. Mas bata sa kanya si Seth ng ilang taon. Buti nga ay hanggang ngayon ay okay pa rin sila Marco at Yesha kahit ilang bagyo na ang dumaan sa kanila ay ang tatag pa rin nilang dalawa.
"Mommy!" tawag sa'kin ni Lucas, kaya naman lumapit na ako sa kanilang tatlo.
"Ate.. mamaya na 'yung dinner with the Montefalco's syempre frame-up na naman lahat." sabi naman ni Eunice, alam niya rin kasi kung anong plano nila. Tumango na lang ako sa sinabi niya, saka ako nanahimik.
"Lucas, kamusta ang overnight with Seth?" seryosong tanong ko naman kay Lucas, kaya naman napatingin naman siya sa'kin ng seryoso.
"Okay naman po, Mommy. Siya lang naman po 'yung close ko.. even sa Australia tayo." sabi naman niya sa'kin kaya naman tumango na lang ako sa kanya saka ako pumantay sa kanya.
"Oo nga pala ate.. alam mo naman na ang lahat, diba? Nakapag-usap na kayo ni kuya.." si Kaye, kaya naman napatingin ako sa kanya ganun din sa kanya si Lucas, mukhang curious na pinag-uusapan namin ang kanyang ama.
Kahit sabihin niyang hindi niya gustong makita ang kanyang tatay — halata namang gusto niya itong makasama.
Pero pinapangunahan siya ng takut.
Alam niya tungkol kaila Pauline at Maxwell, pero hindi niya alam na ang lahat ng alam niya ay hindi totoo.
"Eh, kailan mo sasabihin kay kuya Maxwell, tungkol kay Lucas?" seryosong tanong naman sa'kin ni Kaye, kaya naman napabuntong hininga na lang ako dahil sa kanyang tanong sa'kin. Hindi ko alam kung papayag sa desisyon ko si Lucas.
Alam kung ayaw niyang makilala si Maxwell.
Pero hanggang kailan ko siya itatago?
"Do you want to meet him? Your Dad, Lucas?" seryosong tanong ko naman sa anak ko kaya naman napatingin siya sa'kin ng seryoso.
"No. Hindi ba't sabi niyo po, Mommy h'wag na natin siyang guluhin? So, why pa need ko siyang makita or makilala, diba?" seryosong tanong naman niya sa'kin, kaya naman napabuntong hininga na lang ako dahil sa sinabi niya sa'kin. Napatingin naman ako kay Felix ng bigla na lang siyang sumulpot sa likod nilang tatlo.
"Ate.. nand'yan si kuya Max."
"Anong ginagawa niya dito?"
BINABASA MO ANG
My Professor Is My Husband [ editing ]
RandomMonteverde Series One Maxine Anne Saurez, a inspiring SSG Secretary of Monteverde University, her normal life was been miserable when she got to know Maxwell Monteverde, a heiress of Monteverde's. Officially Started: December 07, 2020 Officially En...