14

3.2K 65 2
                                    

CHAPTER FOURTEEN
BRENT

Brent’s pov.

Alam ko una palang hindi siya papayag sa arrange marriage, alam ko namang may nagugustuhan na siyang iba.. and it was Maxine, si Maxine na kapatid ni Travis.. actually step-sister, kahit ganun walang gap sakanilang dalawa.. sakanilang mag-kakapatid, hindi ko rin alam kung sino ang i-a-arrange sa’kin o kay kuya, hindi ko rin alam kung bakit.. basta ang alam ko isa sa mga kapatid ni Travis. It’s been a week since na finalize ‘yung kung sino ang i-a-arrange, dapat ako.. pero alam ni kuya Maxwell na may girlfriend ako, and that was Jasmine Morriegon, na nasa Japan. And it’s between two.. or three years since they got married, ngayon lang ako umuwi kahit wala naman akong choice pero dahil nasa Monteverde University ang girlfriend ko, she’s taking HUMSS like Maxine, probably mag-kakilala sila. Napatingin naman ako kay kuya Maxwell na parang ang lalim ng kanyang isip. Hindi mo alam kung anong iniisip niya, baka tungkol sa exchange student ng mga Montefalco sa’min, I know kung ga’no niya pinapalayo ang asawa niya sa mga ‘yun.. sad’yang ayaw niya lang mangyari kung anong nangyari years ago.

“Ano ba kasing naisip mo at gusto mong mag-turo sa M. U? Akala ko ba wala kang balak sundan ang girlfriend mo ‘dun?” takang tanong naman sa’kin ni kuya Maxwell, kaya naman napatingin ako sakanya ng seryoso. Nasa company kaming dalawa ngayon, past midnight na, buti nga at hindi siya hinahanap ng asawa niya. Alam niya kasing ‘dun nag-aaral ang girlfriend ko pero hindi niya alam kung sino.

“Bakit? Bawal?”

“Hindi naman sa bawal, Brent.. ang kasu ‘dun, alam mo naman kung anong rule diba?” sabi na naman niya sa’kin, kaya naman napatingin ako sakanya.

“Eh, ikaw.. asawa mo ‘yung isang student mo.” sabi ko naman sakanya, sinamaan naman niya ako ng tingin saka niya ako binato ng hawak-hawak na ballpen, nakailag naman ako sakanya saka ako napailing na lang ako sakanya.

“Ginagago mo ba ako, Brent? Ikaw nga ang dahilan kung bakit ako napunta sa Monteverde, sige.. hindi ba’t—”

“Yeah, yeah.. I did that because.. you want you’re wife to be.. safe..” mabagal kung sabi sakanya kaya naman napatingin siya sa’kin ng seryoso.

“Jasmine Morriegon, right? The name of your girlfriend, hmm?” napangisi naman ako dahil sa sinabi niya sa’kin, kaya naman napakunot ang aking noo dahil sa tanong sa’kin ni kuya Maxwell.

“Bakit? Ano meron? Kilala mo si Jasmine?”

“Kaibigan siya ni Maxine. Student ko ang girlfriend mo.” seryosong sabi naman ni kuya Maxwell kaya naman napatingin ako sakanya ng seryoso.

“So.. all this time, kilala mo ang girlfriend ko?” tumango naman siya sa’kin.

“Tss. Ano kaya ang magiging reaction ni Jasmine kung malaman niya ‘yung boyfriend niya ay muntik ng maging asawa ng kaibigan niya..” sabi naman ni kuya saka na naman siya ngumisi sa’kin. Minsan talaga ay hindi ko siya maintindihan, bwesit pinaalala niya na naman ang naka-raan— kung hindi lang talaga naging kami ni Jasmine ay baka kaming dalawa ni Maxine ang ikinasal at hindi sila ni kuya Maxwell. Syempre naman papayag si kuya Maxwell, una palang alam na namin nila Travis na may gusto siya kay Maxine, kaya nga madalas na t-turned down si Pauline.. Pauline Wilson, siya lang naman ang pinaka-bully sa campus dati, dahil kay kuya Maxwell. Syempre hindi alam iyon ni Jasmine.. hindi ko nga lang alam kung nasabi na sakanya iyon ni Maxine.

My Professor Is My Husband [ editing ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon