29

1.8K 44 1
                                    

TW: SUICIDAL.

you'll be safe here by moira dela torre>>>>

michaella — mika—ella

CHAPTER TWENTY-NINE
LUCAS MATTHEW

Maxine's pov.

FLASHBACK

Hindi ko alam kung kaya ko pa ba. Hindi ko alam kung bakit niya 'to sa'kin ginawa, bakit nga ba ako umasa na mamahalin niya rin ako gaya ng nararamdaman ko para sa kanya, pero mali pala ako. Siya rin pala ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon. Akala ko bumabawi siya sa dalawang taon pero mali pala ako. Ginawa niya lang pala 'yun para saktan ako ng malala, at hindi ko lang rin naramdaman na may iba na pala siya. Or maybe kaya naman pala nag-seselos sa'kin si Pauline ay dahil may relationship silang dalawa.

"Hey.. are you sure na okay ka lang?" si Nathan, kaya naman napatingin ako sa kanya ngayon. Kaka discharge ko lang sa Hospital dahil nga ay nag-collapse ako.

"Oo nga, pa-ulit-ulit, Nathan?" sabi ko naman sa kanya. Kaya naman napabuntong hininga na lang siya dahil sa sinabi ko sa kanya.

"Oo nga pala, kinuha ni kuya Travis 'yung mga gamit mo sa mga Monteverde — gaya ng sabi mo kagabi." seryosong sabi naman ni Nathan, tumango na lang ako sa kanya saka ako nanahimik.

"Anong balak mo na ngayon?" tanong naman sa'kin ni Yesha, kaya naman napatingin ako sa kanya. Kasama namin siya ngayon ni Nathan, si Marco naman ay may pinuntahan lang ganun din si kuya Travis — sa condo ni Marco kami ngayon, hindi kasi pwede sa condo nila kuya Travis at Marco, even sa bahay dahil baka puntahan raw ako 'dun ni Maxwell, ito naman ang gusto ko.

'Yung wala siyang mahahanap na Maxine sa kanyang paligid. Kahit alam ko namang imposible alam kung marami siyang connection, because of he is a mafia. Pero kaya naman daw 'yun pag-takpan nila Nathan at Marco.

"Australia." sabi ko naman sa kanila, natigilan naman silang dalawa ni Yesha dahil sa sinabi ko.

"What? Seryoso ka ba?" si Nathan, tumango naman ako sa kanya.

"Hindi naman pwedeng mag-stay ako dito, diba? Tsaka hindi ba't ayaw kung malaman niya kung nasaan ako?" sabi ko naman kay Nathan, agad naman siyang napabuntong hininga dahil sa sinabi ko sa kanya.

"Are you sure about, it? Mag-isa ka lang sa Australia." seryosong sabi naman niya. Natigilan naman kaming tatlo ng biglang may nag-salita sa likod namin. And it was kuya Travis.

"Who's going in Australia?" seryosong tanong naman nito sa'min.

"Si Max." maikling sagut naman ni Yesha sa kanya.

"Ano?"

"I want to study there." sabi ko naman sa kanya.

"Eh, sino naman ang kasama mo 'dun, huh?" seryosong tanong naman sa'kin ni kuya Travis.

"Si Trixie." sabi ko naman sa kanya.

"Did you already message her?" tanong naman ni kuya, tumango naman ako sa kanya.

______

My Professor Is My Husband [ editing ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon