CHAPTER THIRTY-FOUR
KIDNAPMaxine's pov.
Nagising na lang ako sa isang puting kwarto, napatingin naman ako sa lalaking kasama ko. And it was Maxwell. Tangina?
This is set up!
"What the hell?" rinig kung sabi naman ni Maxwell, kaya naman napatingin ako sa kanya. Ganun din naman siya sa'kin, saka niya na realize ang lahat.
"A-Anong.. tangina Brent!" inis namang sabi niya, hindi ko alam kung bakit 'to ginagawa ni Brent. Tumayo naman ako sa pag-kakahiga saka ako lumabas ng kwarto 'yun, natigilan naman akong makita kung nasaan kaming dalawa ni Maxwell ngayon.
Nasa Isla niya kami. Sa Isla kung sa'n niya ako dinala noon, 'nung panahong okay pa, okay pa kaming dalawa o baka naman ay may bago na 'nung panahon na 'yun. Ito 'yung Isla na binigay niya sa'kin. Baka nga dinadala niya rito si Pauline.
Hindi ko alam kung bakit ako nag-pauto sa lalaking 'yun na sumama sa kanya— kay Brent. Lumabas na lang ako sa may veranda dito sa second floor, wala pa ring nag-bago sa Islang 'to parang ito pa rin 'yung iniwan namin ni Maxwell noon. Pero iba na ngayon, kung dati ay kasal kaming dalawa ni Maxwell 'nung dinala niya ako dito pero ngayon ay wala na. Tapus na ang kwento naming dalawa ni Maxwell, at siya mismo ang tumapus 'nun.
Ganun niya ba kamahal si Pauline para lang saktan ako ng ganito? Hindi ko naman deserve 'tong mga nangyari sa'kin ten years ago. Kung mali nga 'yung pag-mamahal na binigay ko kay Maxwell.. may tama naman siyang ginawa at binigay sa'kin and it was Lucas. Hindi ko alam kung bakit sinabi ni kuya Travis kay Brent 'yun, akala ko hindi niya sasabihin sa mga Monteverde? Mukhang na pilitan 'yun sabihin, after all mag kakaibigan sila.
"What? With her talaga Brent? At talaga dito mo pa kami dinala 'no? What one month? Nasisiraan ka na ba ng bait, Brent? No hindi!"
"Bakit ba kasi kailangan pa 'to?" I just want to ask him kung ayaw niya ba akong makasama dito sa Islang 'to?
Napatingin naman ako kay Maxwell ng marinig 'yun, mukhang kausap niya si Brent sa phone nag-iwas na lang ako ng tingin sa kanya. One month? Anong gagawin ko dito ng one month? Tangina pa'no si Lucas, hahanapin niya ako 'nun. Ang tanging alam lang niya ay dinner ang pupuntahan ko kagabi, pero hindi niya alam na one month akong mawawala sa tabi niya.
Wala na akong narinig pa galing kay Maxwell kaya naman napatingin ako sa likuran ko, at wala na 'dun si Maxwell. Napabuntong hininga na lang ako saka ako pumasuk uli sa loob, narinig ko namang kausap siya sa phone baka si Brent or 'yung fiancé niya. Ano kayang maiisip ni Pauline na kasama ko ngayon 'yung fiancé niya sa Batangas? Sa Isla na hindi naman alam ng mga Montefalco.
Lumabas na lang ako sa labas mismo, wala pa ring nag bago tahimik pa rin. Walang pinag-bago 'to. Ang pinag-bago lang ay kung anong meron sa'ming dalawa ni Maxwell. Hindi ko alam ko hanggang kailan ko matitiis na makasama siya, mali atang umuwi pa ako dito. Wala naman na akong babalikan pa.
"Nandito ka lang pala.." napatingin naman ako kung sino 'yun at si Maxwell lang pala 'yun, oo nga pala kaming dalawa lang ang nandito sa Isla. Nag-iwas na lang ako ng tingin sa kanya.
"Alam mo ba 'to?" seryosong tanong niya sa'kin, agad naman akong umiling sa kanya.
"Ang sabi niya sasama lang ako sa kanya. But I didn't know na tayong dalawa lang ang nandito." sabi ko naman sa kanya saka ako nag-iwas ng tingin sa kanya, ganun rin naman siya. Nasa may tabi kami ng dagat ngayon. Nakaupo kaming dalawa sa buhangin.
BINABASA MO ANG
My Professor Is My Husband [ editing ]
De TodoMonteverde Series One Maxine Anne Saurez, a inspiring SSG Secretary of Monteverde University, her normal life was been miserable when she got to know Maxwell Monteverde, a heiress of Monteverde's. Officially Started: December 07, 2020 Officially En...