12

3.3K 77 0
                                    

CHAPTER TWELVE
EXCHANGE STUDENT

The Unknown Character’s pov.

Hindi ko alam kung pa’no at bakit ako pinayagan ni Daddy na maging exchange student sa Monteverde University, napangisi naman ako sa naisip kung plano. Walang kwenta si Nathan, ni hindi niya malaman kung ano ba talaga si Maxine.. Maxine was my long lost twin sister, pero hindi ko alam kung siya nga ba ‘yun, or maybe I’m just being a delusional na buhay pa ang kakambal ko? Ano nga ba.. bakit ko ba hinahanap ang kakambal ko? Ako nga lang pala ang dahilan kung bakit siya pina-ampon, kung hindi lang sana ako may sakit ‘nung mga baby palang kami.. edi hindi na sana mangyayari ‘to sa’min. Hindi ko rin alam kung anong nangyari.. bakit kailangan nilang i-benta si Nathalie, sa mga Saurez? Eh, ang mga Montefalco ang mataas sakanila, hindi ko maintindihan, hindi ko rin alam.. dahil wala na si Mom, wala na siya. Mas pinili niyang wakasan ang kanyang buhay kesa ang maka-sama niya ako, hindi ko rin alam.. ano nga ba ang dahilan bakit ang gulo ng mga buhay namin.

Bakit nga ba magulo ang buhay ng Montefalco? Well, we’re all Mafia family. Nasa dugo na namin ang mga Mafia, ngunit wala ni isa ang nakaka-alam na isa kaming mga Mafia. Mas mabuti na lang siguro walang nakaka-alam kung ano nga ba kami,

Hindi ko alam kung tama ba ‘tong pumasuk ko, pa’no kapag hindi si Nathalie si Maxine? Pa’no? Hindi ko alam, imposible namang hindi siya si Nathalie dahil pare-parehas lang kaming dalawa ni Maxine. Or maybe she’s doppelganger.

“Are you ready?” napatingin naman ako kay Nathan, ng bigla siyang sumulpot sa tabi ko, he’s wearing his uniform. A Monteverde University uniform. Napatingin naman ako sa logo ng University na ‘yun, sa baba ‘nun ay pangalan niya.

Monteverde University
Montefalco, N.

“I was born ready.” sabi ko naman sakanya.

“Pa’no kung hindi si Maxine ang matagal mo ng hinahanap?” takang tanong naman niya sa’kin kaya naman napatingin ako sakanya ng seryoso.

“Alam mo na kung anong gagawin ko sakanya, kung ganun.” nakangising sabi ko naman sakanya.

“Wala ka ba talagang puso, Samantha? Ano ba ang gusto mo? Mawala sa mundo lahat ng pinag-hihinalaan mo na kakambal mo? Huh? Sa tingin mo ba magiging masaya si Tita Irene d’yan sa pinag-gagawa mo, ha!? Hindi!” sigaw niya sa’kin kaya naman napatingin ako sakanya ng seryoso. Bakit ba masyado siyang affected kay Maxine? Ano bang meron ang babae’ng ‘yun? At maraming patay na patay sakanya?

“Eh, ano ba ang paki-alam mo huh, Nathaniel? Pwede ba gawin mo na lang ang trabaho mo! At h’wag mong paki-alamanan ang mga plano ko!” inis na sabi ko naman sakanya, kaya naman napatingin siya sa’kin ng seryoso ang talim ng tingin niya sa’kin.

“Your fucking obsessed to your twin sister.” sabi niya saka siya unang pumasuk sa kanyang kotse.

____

Alexander Grey’s pov.

Hindi ko alam kung anong trip ni kuya Maxwell at pumayag siyang may exchange student ang mga Montefalco, alam naman niyang isa sa mga iyon ang gustong pumatay kay ate Maxine. Napailing na lang ako saka ako tumingin ng seryoso kay kuya Maxwell na ngayon ay busy na naman sa kanyang laptop.. he’s checking the exchange student. Wala naman akong paki-alam kung sino ‘yun, ang paki ko lang ay ang kaligtasan ni ate Maxine.

“Do you really.. not going to turn down the offer?” takang tanong ko naman kay kuya Maxwell kaya naman napatingin siya sa’kin ng seryoso, I know kuya’s dark side, alam kung part rin siya ng mga organization sa Monteverde, pero.. hanggang ngayon tinatago niya pa rin iyon kay ate Maxine, hindi niya magawang sabihin kung ano ba talaga siya.

“No. At subukan lang talaga ng mga Montefalco na galawin ang asawa ko..  hindi ko na alam kung anong pwede ko pang gawin sakanila. You know what I did to them..” seryosong sabi naman ni kuya Maxwell, napabuntong hininga na lang ko dahil sa sinabi niya. Alam kung may kinalalaman siya sa pag-kamatay ni Irene Montefalco, ang totoong Mommy ni ate Maxine. Alam ko lahat, dahil lahat kaming mag-kakapatid ay kasama sa organization ni kuya Maxwell.. alam rin ng parents namin iyon, at tanging si Michiko talaga ang walang alam sa pinag-gagawa naming apat.

“Kuya.. andami mo nang tinatago sa asawa mo,  sa tingin mo ba hindi siya mag-tataka sa mga kinikilos mo?” seryosong sabi ko naman kay kuya Maxwell, kita ko naman kung pa’no siya natigilan dahil sa sinabi ko sakanya. Alam ko naman na kayang protekta-han ni kuya si ate, simula ‘nung nalaman ni kuya Maxwell ang totoo tungkol kay ate, mas lalo siyang nag-pigil na gumawa ng ikakasakit ni ate, kaya mas pinili niyang dumistansya kay ate kahit ilang araw palang sila kasal noon.

“Malalaman naman ni Maxine ang totoo, pero hindi muna sa ngayon alam mong kung anong kayang gawin ni Brent sa’min.” seryosong sabi naman ni kuya Maxwell kaya naman napabuntong hininga na lang ako dahil sa sinabi niya. Tama naman siya, may kayang gawin si kuya Brent para lang mapag-hiwalay silang dalawa. Pero mukhang wala naman nang paki-alam si kuya ngayon.

“Bukas na darating si Ms. Samantha Kelley Montefalco.” seryosong sabi ko naman kaya naman napatingin sa’kin ng seryoso si kuya Maxwell, na para bang may mali akong sinabi.

“Samantha?” sasagut na sana ako ng biglang.. may sumagut. Kaya naman napatingin ako kung sino ‘yun, ganun din si kuya Maxwell. Gulat kaming parehas na makita kung sino ‘yun.. and it was ate Maxine. Standing in front of kuya Maxwell’s office.

“Sinong Samantha?” seryosong sabi naman ni ate Maxine, deretso siyang nakatingin kay kuya Maxwell.

“Maybe.. I need to go now.” sabi ko naman sakanilang dalawa. Saka ako lumabas ng office ni kuya Maxwell.

“Hoy Alexander, bumalik ka dito!” sigaw ni kuya pero hindi ko na lang iyon pinansin, at tuloyan silang iniwan sa loob ‘nun. Bahala mag-explain si kuya Maxwell.

____

Maxwell’s pov.

“Sinong Samantha?” napatingin naman ako sa boses na ‘yun, at ang boses na ‘yun ay.. it was my wife.

“Maybe.. I need to go now.” sabi naman ni Alexander kaya naman sinaman ko siya ng tingin.

“Hoy Alexander, bumalik ka dito!” sigaw ko naman pero wala akong natanggap na response na galing kay Alexander, napabuntong hininga na lang ako saka ako tumingin ng seryoso kay Maxine.

“Hmm.. sino ‘yung pinag-uusapan niyo ni Alexander? Hindi ‘yun ‘yung taong umiwan kay Alexander, eleven years ago.. sino ‘yung Samantha, Maxwell?” seryosong tanong naman sa’kin ni Maxine kaya naman napatingin ako sakanya ng seryoso.. kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang isang emotion lang, ang emotion na ‘yun ay selos.

“Iyon ‘yung exchange student.” sabi ko naman sakanya.

“Weh? Baka.. babae mo ‘yan.” sabi naman niya kaya naman siningkitan ko naman siya ng mga mata.

“Do you really think that I can cheat to you? Huh? Ni hindi nga kita mapaiyak.. mag-c-cheat pa sa’yo. Baby, wala ‘yun okay. Pinag-uusapan lang naman namin ni Alexander si Samantha, ‘yung exchange student. Takut ko lang sa’yo kapag nag-cheat ako.” sabi ko naman sakanya kita ko naman kung pa’no niya tinarayan.

That’s my girl, selosa.

“Selosa ang baby ko..”

“Ay? Bawal ba? Sorry ha, Maxwell.. ako lang naman ang asawa mo..” sabi naman niya. Natawa naman ako sa sinabi niya. Napangisi na lang ako, asawa.

“May sinabi ba akong bawal kang mag-selos? May karapatan ka naman, baby na mag-selos.. hmm? Tara na matulog na tayo,” sabi ko naman sakanya.

“Did you check already my research? May mga grammar ba?” takang tanong naman niya sa’kin.

“Wala kaya tara na, para fresh ka bukas.” sabi ko naman sakanya.

“I love you.. I will wait, Xine.. untill you say it..” sabi ko naman sakanya saka ko hinalikan sa labi.

to be continue..

Follow me here for more update

Facebook: LadyUnderTheDarkness STORIES
Instagram: _ladyunderthedarkness
TikTok: a_ladyunderthedarkness
Twitter ( x ): LUTD_WP

My Professor Is My Husband [ editing ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon