CHAPTER THIRTY-TWO
DIVORCE PAPERSMaxine's pov.
He's all over the internet right now, dahil nga ay nag propose siya sa ate ko. Kanina pa ako gising, alam kung nasa kaila Marco ako dahil hindi ito ang kwarto naming dalawa ni Lucas. Napabuntong hininga na lang ako, mukhang dinala ako dito ni kuya Travis ng lasing na naman dahil sa kanya.. kay Maxwell, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako? Bakit, wala na ba akong karapatan na hindi masaktan? Andaming nangyari ten years ago pero hanggang ngayon ang sakit-sakit pa rin. Bumangon na lang ako saka ako lumabas ng kwarto na 'yun. Nadatnan ko pa 'yung dalawa na kumakain ng breakfast.
"Buti naman ay gising kana. Ano bang naisip mo at uminom ka na naman?" seryosong tanong sa'kin ni Nathan, kaya naman napabuntong hininga na lang ako sa kanya. Napatingin naman ako sa kanya ng seryoso.
"Good morning to you, kuya." sarcastic naman na sabi ko sa kanya kaya naman sinamaan na niya ako ng tingin pa.
"Tama na 'yan, baka sa'n na naman umabut 'yan, Max.. may dinala palang damit si Travis kagabi, 'nung dinala ka dito.. tsaka pinapasabi niya rin na ikaw na lang raw ang gumawa ng paraan kapag hinanap ka ng anak mo." seryosong sabi naman sa'kin ni Yesha, tumango na lang ako sa kanya. Hanggang ngayon sila pa rin, nananatiling kasal buti pa sila kahit may nanira ng kasal nila ay hindi sila sumuko — 'yung akin kasi siya pa mismo ang sumuko.
Hindi ko nga alam kung totoo ba 'yung pag-mamahal na binigay niya at ipinakita niya sa'kin ten years ago, kasi kung oo. Bakit niya ginawa 'yun? Why he broke my trust? Kahit alam naman niyang takut na takut na akong masaktan, but he did it. Ginawa niya pa rin. Kahit alam niyang hindi ko na kaya pa kapag nangyari 'yun, 'nung nalaman kung ampon ako nand'yan siya sa tabi ko, 'nung nalaman ko kung sino ba talaga ako ay nandyan siya sa tabi ko ngayon wala na.
Wala na siya sa tabi ko dahil iba na ang nasa kanyang piling. Hindi ko alam kung bakit ang ate ko pa?
"Hoy, tulala ka na naman." sabi naman ni Marco sa'kin kaya naman napatingin ako sa kanya.
"Huh? May sinasabi ka ba?" takang tanong ko naman sa kanya.
"Did you take your anti-depressant?" seryosong tanong sa'kin ni Marco, kaya naman tumango na lang ako sa kanya.
"Bakit kasi nag mahal kayo ng hindi naman worth it." sabi naman ni Yesha kaya naman napatingin ako sa kanya. Para bang may pinang-huhugutan siya.
"Nag-mahal lang naman ako pero grabe naman 'yung impact sa'kin, grabe naman 'yung bumalik sa'kin na pag-mamahal, puro sakit." sabi ko naman sa kanilang dalawa, kaya naman napatingin sa'kin ng seryoso si Marco.
"Alam kung alam mo na 'yung tungkol sa proposal niya, gusto mo pa rin bang ituloy 'yung pag-uwi sa Pinas?" seryosong tanong naman sa'kin ni Marco. Kaya naman napabuntong hininga na lang ako bago ako sumagut sa kanyang tanong.
"Honestly, wala naman na akong babalikan pa sa Pilipinas. Pero kasi si Mama kinukulit niya akong sumama sa kanilang umuwi, kasama si Lucas two months naman 'yun kaya okay lang. Eh, ano naman kung ikakasal na siya diba?" sabi ko naman sa kanya.
"Hindi pa rin ba siya nag file ng annulment papers?" takang tanong sa'kin ni Yesha kaya naman napatingin ako sa kanya ng seryoso.
"Mas okay kasi na siya ang mag file ng annulment at hindi ako. Wala kasing nakaka-alam na ako 'yung asawa niya." sabi ko naman sa kanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
My Professor Is My Husband [ editing ]
De TodoMonteverde Series One Maxine Anne Saurez, a inspiring SSG Secretary of Monteverde University, her normal life was been miserable when she got to know Maxwell Monteverde, a heiress of Monteverde's. Officially Started: December 07, 2020 Officially En...