24

2.3K 55 3
                                    

TW: DEATH AND ABORTION.

CHAPTER TWENTY-FOUR
NATHALIE KELLEY MONTEFALCO

Maxwell's pov.

Hindi ako pamilyar sa kausap ni Tita ngayon, isa lang ang masasabi ko siya 'yung bumaril kay Samantha kanina. Pero mukhang siya ang totoong Tatay ni Maxine, at alam ko ring sila ang may mga pakana ng lahat. Dahil 'yun naman ang gusto nila Samantha at Pauline na gulohin ang buhay ni Maxine, kung hindi lang dahil talaga sa'kin ay hindi mangyayari 'to sa buhay ni Maxine. Pero alam ko— kahit hindi kami ikinasal ni Maxine ay malala pa rito ang pwedeng gawin ng mga Montefalco sa kanya. At hindi ko naman kakayanin kung may nangyari pang hindi maganda kay Maxine dahil sa kanila. Hindi ko sila mapapatawad, pero hindi ko sila maintindihan kung bakit kailangan nilang gawin pa 'to kay Maxine.

Hindi ba sila masaya na tahimik ang buhay ni Maxine? Na malayo sa kanila.. malayo sa kung anong buhay na meron talaga si Maxine, kung ano nga ba ang totoo na siya. Pero mukhang nakaka-mali ako, alam kung gagawa at gagawa ng paraan ang mga Montefalco na sirain ang kung anong meron kay Maxine— sa ganung ginawa nila kay Tito El, na akala ng mga Montefalco ang kabit ni Mrs. Irene Montefalco, hindi nila alam na mag-kapatid sila. Ang babaw ng mga dahilan nila para gawin ito kay Maxine. Lalong-lalo na si Pauline, she's fucking obsessed with me.

Kahit ilang beses ko na siyang sinabihan na si Maxine lang. Si Maxine lang ang babae'ng mamahalin ko pang-habang buhay.

Napatingin naman ako kay Travis ngayon na para bang problemado dahil sa nangyayari ngayon. Syempre, buong buhay niya na na kasama si Maxine na ayaw niyang may mangyaring hindi maganda sa kanya. Dahil nga ay napamahal na ito sa kanya— itinuring na ito bilang kapatid.

"Okay ka lang? Kanina ka pa d'yan tahimik." sabi ko naman kay Travis kaya naman napatingin siya sa'kin ng seryoso.

"Hindi ko lang inaasahan ang lahat.. lahat na nangyari kay Maxine ngayon." seryosong sabi naman niya sa'kin, napabuntong hininga na lang ako sa kanya. Umupo naman siya sa tabi ko. Hanggang ngayon nasa operation room pa rin si Maxine. Dahil may tama pala siya ng bala sa braso niya.

"I'm sorry.. kung maaga—" hindi ko na natapus pa ang sasabihin ko ng mag-salita siya kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Hindi mo kasalanan ang nangyayari kay Maxine.. sa asawa mo.. hindi ko lang matanggap na 'yung totoo niya pang pamilya ang may gustong patayin siya." seryosong sabi naman niya, kaya naman napabuntong hininga na lang ako dahil sa sinabi niya.

"Sino 'yung kausap ni Tita?" takang tanong ko naman sa kanya, kaya naman napatingin siya sa'kin.

"Maxine's real Dad. Ang narinig ko lang sa kanila na sila ang may pakana tungkol sa pag-kamatay ni Papa at may mag-kakapatid sila Pauline, Samantha at Maxine. Si Maxine at si Nathalie Kelley Montefalco ay iisa. Iniba kasi ni Papa 'yung pangalan ni Maxine para nga ay hindi na guluhin ito pa nila Pauline in the future— pinalabas na lang nila na patay na ang totoong Maxine, pero ang hindi nila alam ay palihim namang gumagawa ng paraan si Pauline malaman tungkol kay Maxine." seryosong sabi naman ni Travis, agad naman akong napakuyom sa aking kamay dahil sa sinabi ni Travis sa'kin ngayon.

How..

How.. heartless they are?

"Nalaman nilang hindi talaga pinapatay ni Tita Irene si Maxine, at pina-ampon na lang kay Daddy dahil nga ay mag-kapatid sila ito.. step-brother nito ang Papa. Itago ni Papa si Maxine sa lahat sa mga Montefalco para tahimik ang buhay niya. Kaya ganun na lang ang pagiging protective ni Papa kay Maxine 'nung nandito pa si Papa at si Lola." seryosong sabi naman ni Travis sa'kin, kaya naman napabuntong hininga na lang ako.

Hindi ko alam kung pa'no, kung pa'no nila ito nagagawa kay Maxine, hindi ko alam kung anong dahilan nila kung bakit nila 'to ginagawa sa kanya.

"Anong dahilan nila kung bakit ganito ang ginagawa nila kay Maxine?"

"Tangina. Ni hindi ko nga 'yun mapa-iyak, eh. Sila? 'Yung mga ayaw kung ginagawa kay Maxine ay nagagawa nila." sabi ko naman sa kanya.

"Kumalma ka nga, base sa theory na nalaman ko about Montefalco— ayaw nila ang kambal.. but unexpectedly kambal ang pinag-bubuntis noon ni Tita Irene." natigilan naman ako dahil sa sinabi ni Travis sa'kin.

"What do you mean?"

"That man.. wants to abort their twin."

_____

"Okay ka lang ba kuya?" napatingin naman ako kay Michiko ng biglang nag-salita, nasa hospital room kami ngayon ni Maxine, two days na siyang walang malay. Hindi pa rin siya nagigising simula 'nung na operahan siya.

"Obvious naman hindi, diba?" si Xavier, sasagut na sana ako kasu naunahan ako ni Xavier. Inis ko naman siyang sinamaan ng tingin, kita ko naman kung pa'no siya binatukan ni Papá dahil sa sagut niya. Kahit hindi naman siya ang tinatanong.

"Such a epal, talaga." si Michiko, napailing na lang ako sa kanilang dalawa. Kahit kailan talaga, oo. Ganyan na ganyan na talagang silang dalawa.

"Mag-pahinga ka na muna, Maxwell. Kami na muna ang bahala kay Maxine, tsaka ilang araw ka nang wala halus tulog, ano ka ba?" seryosong sabi naman ni Mamá, kaya naman napabuntong hininga na lang ako dahil sa kanyang tanong. Alam kung nag-aalala rin sila para sa'kin, dahil sa ginagawa ko.

"Má, pa'no naman ako makakapag-pahinga kung ganito ang lagay ni Maxine, na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising? Two days na siyang hindi magigising." seryosong sabi ko naman sa kanila, kaya naman napabuntong hininga na lang sila sa'kin dahil sa sinabi ko. They know me kung pa'no ako mag-alaala kay Maxine.

"Okay fine. It's your choice, Maxwell. Una na kami ng mga kapatid mo, okay? Sabihan mo na lang kami kung may kailangan kayo dito." seryosong sabi naman ni Mamá, tumango na lang ako sa kanya. Hanggang maka-alis sila ay hindi na ako umimik pa.

"Baby.. please.. gumising ka na please.." I whisper to Maxine, then I kissed her hand.

______

Michiko's pov.

"Bakit ganun? Ang unfair kay ate Maxine 'yung universe!" inis na sabi ko naman, papunta na kami ng campus ngayon sabay-sabay kaming pumasuk nila kuya Brent, kuya Xavier and Twinny. Syempre si kuya Brent ay naka uniform ng Professor.

"Michiko, hindi mo alam kung anong nangyayari. Kaya h'wag kang mag-sabi ng ganyan." sabi naman ni Alexander, I just rolled my eyes because of what he said to me.

"Pero tama naman si Michiko, ang unfair ng mundo kay Maxine.." sabi naman ni kuya Brent.

"Yeah, akala ng lahat okay lang siya, pero ang totoo hindi niya na kinakaya pa." seryosong sabi naman ni kuya Xavier.

"Kaya nga diba nasa tabi niya tayo?" sabi ko naman sa kanilang tatlo.

"Yeah, tsaka hindi naman siya pababayaan ni kuya Maxwell— si kuya, pa? Eh, patay na patay 'yun kay ate Maxine." natawa na lang ako dahil sa sinabi ni Alexander, totoo naman 'yung sinabi ni Alexander. Baliw na baliw si kuya Maxwell kay ate.

to be continue..

My Professor Is My Husband [ editing ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon