36

2.1K 54 7
                                    

author's note: Seth Montefalco 'yun 'yung anak nila Yesha and Marco * Marco Seth Montefalco * this chapter is flashback ten years ago.

lisan by VXON>>>>>

CHAPTER THIRTY-SIX
NOVEMBER SEVENTEEN

Maxine's pov.

"Are you sure na gusto mo siyang makita? Paalala lang huh, you are three months pregnant. H'wag kang gumawa ng hindi makakabuti sa bata, Maxine." seryosong sabi naman ni kuya Travis kaya naman napahawak na lang ako sa tiyan ko, nasa three months na ako ngayon. Medyo lumalaki na rin 'yung tiyan ko, umuwi lang kami para sabihin kay Maxwell tungkol sa bata. Last month pa kami nakauwi at ngayon ko lang gustong makita muli si Maxwell para sabihin sa kanya.

"May relationship ba sila?" tanong ko naman sa kanya, kaya naman napatingin sa'kin ng seryoso si kuya. Papunta kaming dalawa ngayon sa Company nila Maxwell ngayon, ang alam ko ay umuwi na ng France sila Brent at 'yung parents niya. Kaya tumigil siya sa pagiging Professor mas nag-focus siya sa pagiging COO ng company nila.

"Ilang buwan tayong nawala, Xine. Hindi natin masasabi, pero imposible naman na sila. Dahil alam kung ikaw lang naman ang minahal ng ganito ni Maxwell." seryosong sabi naman ni kuya Travis sa'kin, kaya naman napabuntong hininga na lang ako dahil sa sinabi niya.

"But still he cheated. Hindi ko nga alam kung anong paniniwalaan ko, eh. Kayo ba o 'yung mga pinakita niya sa'kin... Na mahal niya ako." seryosong sabi ko naman kay kuya Travis, napabuntong hininga na lang siya dahil sa mga sinabi ko. Natahimik naman kaming dalawa ng makarating kami sa Company ng mga Monteverde.

"Kung alam mo lang talaga ang nangyayari, hindi mo iisipin na nag-luko siya." seryosong sabi naman ni kuya Travis, kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Ano?"

"Wala." sabi naman niya.

_____

"Rhianna, nasa loob na si Maxwell?" takang tanong naman ni kuya Travis kay Rhianna, sa pinsan na secretary ni Maxwell. Nasa harapan kami ng office ni Maxwell.

"Nasa conference room, kausap 'yung ahas." sabi naman ni Rhianna, napatingin naman sa'kin si kuya Travis kaya naman napabuntong hininga na lang ako.

"Ah, ganun ba?"

"Importante ba 'yung pinag-uusapan nila?" tanong naman ni kuya Travis, sa kanya.

"Hindi ko alam. Mas okay kung puntahan niyo na lang, kasi kapag nalaman ni Michiko na nag-uusap silang dalawa ay baka ano na namang gagawin niya." seryosong sabi naman ni Rhianna kaya naman napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"What do you mean?" takang tanong ko naman sa kanya.

"Gumawa kasi ng iskandalo si Michiko last month, since nga nandun siya 'nung time na 'yun." seryosong sabi naman ni Rhianna.

"Puntahan niyo na lang, Trav.." sabi naman niya, kaya naman napabuntong hininga na lang kaming dalawa ni kuya Travis. Wala kaming sinayang na oras ni kuya— agad naming pinuntahan si Maxwell.

My Professor Is My Husband [ editing ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon