Chapter Thirteen

2 0 0
                                    

Samantha Heartache POV;

Hindi ko alam kung natamaan ba ako sa sinabi ni Jayson o hindi.

Oo at naiinis pa din ako kapag nakikita ko si Astray. Sino ba namang matutuwa kapag nakita mo 'yung taong nanakit sa'yo 'diba?

Pagkabalik namin sa loob ay nakahanda na ang mga niluto ni mama sa may mesa sa sala.

Pagpasok na pagpasok ko pa lang ay agad nang dumako ang tingin ko kay Astray na ang paningin ay agad ding tumutok sa akin.

Naiwas lang ang tingin ko sa kanya nang biglang maalala ko si Kamatayan. Na ngayon ay seryosong nakatingin sa'kin. Tinaasan ko lang siya ng kilay at lumapit upang tumabi sa kanya.

"Nasabi mo ba sa kambal na nandito ka sa'min?" Tanong ko agad pagkaupo ko.

"They don't need to know wherever I'm going all the time." He said that in a fucking cold voice.

"Syempre baka hanapin ka nila."

"Tss. Those two would understand and they will not look after me until I tell them." Umiwas na siya ng tingin. He rested his arms on back of the sofa kaya naman nagmumukha siyang nakaakbay sa akin.

Sasagot pa sana ulit ako nang sumulpot si mama na ngayon ay may dala ng juices.

Umupo si mama sa may pang-isahang sofa.

"Iho, matanong ko lang, classmate ka ba ng anak ko? Ngayon lang kasi ulit kasi nagdala 'yan ng lalaki dito e. Nakakapanibago."

"Yes, and I am going to ask your permission to court her."

Ah, akala ko naman kung ano---- teka?!

Lumingon ako kay kamatayan na nakangisi sa akin ngayon.

"Hoy! Ano bang sinasabi mo jan?!-----"

"Aba! Oo naman iho. Wala namang nobyo 'yang si Samantha ngayon." Nakita kong pasimpleng tumingin si mama kay Astray na nakikipaglaro lang naman sa kapatid ko.

"Hindi pwede." Sabat ni Jayson, nilalantakan ang cookies.

Shit naman! Kung ano-ano na namang sasabihin niyan.

"And why?"

Akala ko ay sasagot pa si Jayson. Pero hindi. Nakatingin lang siya ng seryoso kay Kamatayan bago lumipat ang tingin kay Astray na ngayon ay nakatutok na rin ang paningin sa'min.

Bakit niya pa kailangan sabihin 'yon?!

"Because she is mine."

Nalipat ang tingin niya sa akin.

Ang mga mata niyang seryosong nakatingin sa akin.

Shit!

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at pabagsak na sumandal sa sofa kaya nakaakbay na talaga si Kamatayan sa akin ngayon.

"Tss. Para kayong mga baliw. Tas ikaw ma!" Tinuro ko si mama na natatawa.

"Nakikisali ka pa, tsk."

"Wala namang masama doon." Tatawa-tawa pa si mama habang kumukuha ng cookies.

Umirap nalang ako at naglaro sa cp.

"I'm serious about what I said, Heartache." Bulong ni Kamatayan. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

Parang mga baliw talaga. Hindi ko alam kung seryoso sila sa mga pinagsasabi nila o gusto lang nila akong paglaruan e.

At si Astray... Anong mine mine?!

Siraulo ba siya?!

Argh! Badtrip!

Sa inis ay tinapos ko na ang nilalaro ko at tumayo. Tatambay nalang ako sa kwarto kesa makita ang mga nakakainis nilang mukha.

Unexpectedly In Love With The Bad Boy [COMPLETED] Donde viven las historias. Descúbrelo ahora