Samatha Heartache POV:
Maraming nagsasabing masarap daw sa pakiramdam kapag nagmamahal. Syempre, mas masarap sa feeling 'yung mahal ka rin ng taong mahal mo 'diba? Sino ba naman ang hindi gugustuhin na mayroong nagmamahal sa'yo? Ang tanga mo nalang kung 'yung taong nagmamahal sa'yo ay ipagtatabuyan mo pa.
Pero hindi sa lahat ng oras ay masarap sa pakiramdam ang magmahal. Alam naman nating lahat na kapag nagmamahal ka hindi mo maiiwasang masaktan. Alam na alam na nating lahat 'yan. At 'yan ang bagay na hinding-hindi mo mapipigilan.
Bakit ko nga ba sinasabi 'to?
Kasi alam ko sarili kong nararamdaman ko na naman ito. Na nararamdaman ko na naman ang emosyong ito. Na alam kong sa huli makakasakit sa akin.
Am I ready to face these feelings? No.
Kahit saan ko tignan, lahat ng ginagawa niya... Nakakapagpa-alala talaga sa'kin kay Astray.
Siguro kasi alam kong sa sarili ko...na hindi pa talaga nawawala 'yung feelings na mayroon ako kay Astray.
A feeling that won't go away. No matter how I tried.
Hindi rin naman kasi ako sigurado kung may feelings din ba siya sa'kin o pinaglalaruan niya lang ba ako?
Naaalala ko pa 'yung time na 'yon. Ang araw na hindi ko alam kung totoo ba ang sinabi niya o ano.
He is talking with a girl that time.
Obvious naman na sa una pa lang ginamit na niya ako 'diba?
Why can't I just stay away from him and vice versa?
Hindi ko alam. Dahil sa tuwing sinusubukan ko... Lalo pa kaming naglalapit na dalawa.
Destiny? I don't believe with that shit.
Tss. Nahalikan na ako ng bwisit na Kamatayan na 'yon ng ilang beses! At hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko kung bakit ba kapag dumidikit na ang labi niya sa akin.. nagiging blangko ang utak ko.
Hindi naman ako ganito dati kay Astray.
Ba't ko ba sila ipinagkukumpara?!
Oo nga at naaalala ko si Astray sa kanya.. pero may something talaga kay Kamatayan e. Hindi masabi kung ano. Basta alam kong kapag nandyan siya..kapag tumama na 'yung tingin niya sa akin.. wala na.
Para akong nakikipaglaro pero alam kong sa huli talo ako.
Iyon ang nararamdaman ko. Taliwas sa nararamdaman ko noon kay Astray na alam kong mapipigilan ko.
Hays! Kamatayan! Ano itong ginawa mo sa akin?!
Tss. Ba't ko ba nilalabas itong lahat sa isang notebook?
Tinigil ko na ang ginagawa ko dahil parang mababaliw na ako. AaaAaaa.
Shit naman! Ba't naguguluhan ako ngayon?
Pesteng Kamatayan!
Sa umpisa pa lang alam ko nang wala kang magandang maidudulot sa akin!
Pero bakit gano'n? Hindi ko pa rin maiwasang mahulog?
Shit.
Hindi pwede ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/235016949-288-k80347.jpg)
ESTÁS LEYENDO
Unexpectedly In Love With The Bad Boy [COMPLETED]
Novela Juvenil- Samantha Hearthache Suarez. Kung gaano ka-girly ang pangalan niya ay ganoon naman siyang ka-boyish gumalaw at kumilos. At sa hinding inaasahang pagkakataon, she became a girlfriend of Zilch Death Xenn na isang kilalang bad boy sa kanilang eskwela...