Chapter Twelve

7 0 0
                                    

Samantha Heartache POV:

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko ngayong nandito siya.

Kausap niya ang kapatid kong lalaki habang naglalaro.

"Oh, anak. Kamusta school----may kasama ka pala." Si mama na kakagaling lang yata sa kusina.

Napatingin ako kay kamatayan na ang kamay ay nasa loob ng kanyang bulsa. Nakalimutan ko nga na kasama ko pala 'tong kupal na 'to.

"Si Death nga pala ma." Sabi ko nalang.

"Ngayon ka lang ulit may dinala dito sa atin. At gwapo pa. Nanliligaw ka ba sa anak ko?" Biglang akong napatanga sa sinabi ni mama.

Anong ligaw?! Baka iligaw kamo ako niyan. Haist.

"Ma! Nakakahiya ka! Magluto ka na nga lang ulit doon!" Tatawa-tawa namang bumalik si mama sa kusina at mukhang nagluluto nga siya.

"I think your mom likes me." Tinignan ko naman si kamatayan ng nandidiring tingin.

"Hoy! Anong pinagsasabi mo jan? Dapat talaga hindi ka na sumama sa'kin eh." Ngumisi lang siya sakin.

"Ate! Sino 'yang kasama mo?" Tanong naman ng kapatid kong lalaki na hanggang ngayon ay nakikipaglaro pa rin kay Astray.

"Kakasabi ko lang kanina 'diba? Bingi lang?" Inis kong saad dahil napatingin na naman ako kay Astray na serysong nakatingin naman sa amin ni Kamatayan.

"Umupo ka muna do'n. Magbibihis lang ako." Sabi ko at walang lingon lingon na dumiretso sa kwarto ko.

Pagod akong humiga sa kama. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko ngayon lalo na at nandito si Astray. Bakit ba kasi nandito 'yon?!

Lumabas ako ng kwarto na naka tshirt na black at shorts.

Dumiretso ako sa kusina kung saan nakita ko si mama na abala sa pagluluto ng kung ano.

"Ano 'yang niluluto mo ma?" Kumuha ako ng tubig at umupo sa may upuan.

"Nagluluto ako ng ginataan. Nagbe-bake din ako ng cookies. Bakit?"

"Wala lang. Bakit nga pala siya nandito?" Tanong ko na ngayon ay pinaglalaruan ang tubig sa baso ko.

"Sino? Si Astray ba? Kasama siya ni Jayson kanina, hindi ko alam kung saan galing ang dalawang 'yon." Nagpatuloy lang si mama sa pagluluto habang ako naman ay napapaisip kung bakit magkasama ang dalawang 'yon kanina.

"Titaaaa. Luto na po ba?" Speaking of Jayson.

"Hindi pa, hintayin niyo lang at maluluto na ito."

Napatingin sa akin si Jayson, biglang sumeryoso ang mukha niya.

"Mag-usap nga tayo." Sabi ko at tumayo. Naglakad ako papuntang garden.

"Bakit mo siya kasama?" Tanong ko agad nang makasunod na siya sa akin.

"Tss. Bakit mo din kasama ang isang 'yon?" Nakakunot ang noo at mukhang naiinis.

"Wala kang pakialam." Sagot ko.

"Wala ka ding pakialam kung kasama ko si Astray." Sagot niya din.

Inis akong tumingin sa kanya.

"Ano bang trip mo Jayson?!" Naaasar talaga ako ngayon. Alam naman niyang ayaw na ayaw kong makita ang lalaking 'yon tapos papapuntahin niya pa dito.

"Sinabi ko naman sayo na lumayo ka kay Death 'diba?"

"Bakit ba? Ano bang dahilan? At pwede ba, wala kang pakialam sa kung sino ang lalayuan ko o hindi!"

"Dahil wala kang mapapala sa kanya! Mapapahamak ka lang!" Galit na sigaw niya.

Napatigil ako at nagtatakang tumingin sa kanya. Mapapahamak?

"Anong ibig mong sabihin?"

"Simula nang makilala mo 'yan. Nagsimula ka na naman sa pakikipag-away mo. At ngayong kumakalat na merong something sa inyo, lalo pang dadami 'yang kaaway mo."

"Anong dadami?" Shit, hindi ko siya maintindihan.

"Kasali din siya sa gang okay?!" Sigaw niya at umiwas ng tingin.

Si kamatayan? Hindi naman ako magtataka do'n.

"So? Ano kung kasali siya sa gang?" Pinikit niya ang mata na para bang inis na inis sa akin. Pwes naiinis din ako at hindi ko magets ang point niya.

"Ano ba, Sam! Mag-isip ka nga! Ipapahamak ka lang niya!"

"Bakit naman ako mapapahamak?" Napa-face palm na siya.

"Ewan ko sayo." Tumalikod na siya at mukhang iiwan pa ako dito.

"Bakit ako mapapahamak kung kaya kong iligtas ang sarili ko?" Sabi ko ng seryoso. Napahinto siya sa paglalakad.

"Alam mong ayaw ko na pinapakialaman ako, Jayson. So don't tell me what to do. I know what I'm doing." Sabi ko at nilagpasan siya.

"Huwag ka lang iiyak ulit 'pag nasaktan ka." Sabi niya na ikinahinto ko.

Humarap ako sa kanya at ngumisi.

"Hindi ko hahayaang masaktan ulit ako Jayson. Pinipigilan ko."

"Tss. Malamang hindi ka pa rin kasi nakaka-move on kay Astray." Asar niya na kinainis ko agad.

"Naka-move on na ako!" Sinabutan ko siya nang makalapit ako.

"Naka-move on pero naiinis pa din 'pag nakikita."

"Tigilan mo nga akooooo!"

Unexpectedly In Love With The Bad Boy [COMPLETED] Donde viven las historias. Descúbrelo ahora