Samantha Heartache POV:
Isa, dalawa, tatlo.
Kumalma ka lang, Samantha. Hindi ka pwedeng madamay na naman sa gulo.
"Oh, ano? Tutunganga ka lang ja'n?!" Sigaw na naman niya.
Matalim ko siyang tinignan. Wala akong panahon na patulan siya ngayon.
"Samantha.. mukhang nagbago ka na yata?" Lumapit siya sa akin at pinaikot ang buhok ko sa may daliri niya. Inis kong inalis ang kamay niya na nakapagpatawa sa kaniya.
"Hays, pag-ibig nga naman." Tumawa siya.
Konting-konti na lang at mauubos na ang pasensya ko sa kanya.
"Nasaan na nga pala si Astray? Hindi ba at palagi kayong magkasama no'n?" Ngumisi siya at parang nang-aasar.
"Ay, pasensya na. Wala na nga pala kayo no'n 'diba? Ilang taon na ba--- ah dalawang taon na pala." Mas lalo pang lumapad ang ngisi niya.
"Oo dalawang taon na nga. At kapag nagbanggit ka pa ng tungkol doon alam mo na ang mangyayari, Syn." Nilagpasan ko na siya pero hinawakan niya ako sa braso.
"Oh, not so fast Samantha." Naramdaman ko ang katawan niya sa likod ko.
"Hmm. Paano kung ganito nalang... Since wala na naman kayo ni Astray..." Naramdaman ko ang mukha sa may tenga ko.
"Bakit hindi nalang maging tayo?" Bulong niya.
Siniko ko siya kaya napahiwalay siya sa akin.
"Hindi ko gusto 'yung mga katulad mong.." tinignan ko siya ng diretso sa mata.
"Desperado." Napansin kong napatigil siya.
Ngumisi ako sa kanya na kinasama naman ng tingin niya.
Lumapit siya sa akin. Ramdam ko na ang galit niya at hindi ko alam kung bakit natutuwa ako.
"Masyado kang maraming sinabi. Oo o hindi lang ang sagot." Hinawakan niya ang braso ko ng mahigpit.
"Alam mo naman siguro ang sagot bakit nagtatanong ka pa?" Ngumisi ulit ako sa kanya.
Bakas na talaga ang inis sa mukha niya. Mas lalo niya pang hinigpitan ang hawak sa braso ko na nararamdaman ko na ang sakit pero hindi ko pinapakita sa kanya.
Magsasalita na sana siya nang may biglang humila naman sa kabila kong braso. Sa sobrang lakas ng hila niya ay natanggal ang pagkakahawak sa akin ni Syn.
Takte! Bakit palagi 'yung braso ko?!
"What the fuck do you think you're doing to her?"
Hindi ko alam kung matutuwa o maiinis ba ako nang marinig ko ang boses ni Kamatayan.
"At sino ka naman?" Tanong ni Syn.
"You don't need to know that."
"Tss. Anong ginagawa mo dito?" Mariin kong bulong kay Kamatayan. Tumingin lang siya sa akin ng seryoso bago bumalik ang tingin kay Syn.
"Oh. Ikaw na ba ang bago ni Samantha?" Nakangising tanong ni Syn.
Hindi sumagot si Kamatayan. Seryosong nakatingin lang siya kay Syn.
"Halika na. Umalis na tayo dito." Hinila-hila ko ang laylayan ng uniform ni Kamatayan.
"Oh Samatha, bakit parang umaatras ka yata?" Mabilis akong lumapit kay Syn at tinuhod siya.
"Kanina pa nauubos ang pasensya ko sa'yo." Sinuntok ko naman siya ngayon.
"Stop. Let's go."
Napatigil ako. Shit. Ba't ba kasi nandito siya?!
YOU ARE READING
Unexpectedly In Love With The Bad Boy [COMPLETED]
Teen Fiction- Samantha Hearthache Suarez. Kung gaano ka-girly ang pangalan niya ay ganoon naman siyang ka-boyish gumalaw at kumilos. At sa hinding inaasahang pagkakataon, she became a girlfriend of Zilch Death Xenn na isang kilalang bad boy sa kanilang eskwela...