Chapter Eighteen

1 0 0
                                    

Samantha Hearthache's POV

Ano nga ba ulit gagawin ko?

Tumihaya ako sa kama at tinaas ang dalawang kamay.

Nang mabored ay kinuha ko ang cellphone ko at nagsimulang mag-scroll.

"Anak! May bisita ka!"

Inis akong tumayo mula sa pagkakahiga pagkarinig ng sinabi ni mama.

Sino na naman ba ang gumulo sa payapa kong pagpapahinga ngayon?

Alam kong hindi si Cai-Cai iyon dahil ang babaeng 'yon ay walang hiya lang na nagdidire-diretso papasok dito sa bahay. Feeling nga no'n siya may ari ng bahay namin e.

Noong una sobrang nahihiya pa 'yon. Hindi umaalis sa tabi ko 'pag nandito. Habang tumatagal aba, mama at papa na rin ang tawag sa magulang ko.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko. 

"Sino ba 'yon?! — aray!"

Hindi ko matandaang may harang na pala ang kwarto ko? Harang?!

Oo, malaking harang nga.

Nasa harap ko ngayon si Kamatayan. Standing straight in front of me. Focused.

Ano bang ginagawa nito rito sa bahay? Bakit hindi niya guluhin 'yung babaeng kasama niya? Sino nga ba 'yon?

"Hi."

Tinaasan ko lang ito ng kilay.

"Anong ginagawa mo rito? Hindi mo ba alam na pahinga ko ngayon? Ayaw kong makakita ng mga taong–"

Mabilis niya akong natulak papasok sa kwarto. Isinara niya 'yung pinto at nilock.

Wait! Anong ginagawa niya?! Feeling ko sobrang liit ng kwarto ko para sa aming dalawa. Napigil ko ang paghinga nang bigla itong tumingin ulit sa akin. Ha! Joke lang 'yon.

"Huwag mo akong iniinis ngayon Kamatayan ha. Umayos ka ja'n. Lumayas ka na nga rito! Si ano 'yung kulitin mo. Basta 'yung kasama mong naka coat."

Tumalikod na ako sa kanya at nagsimulang maglakad papunta sa kama ko.

Sumunod naman ito na parang tuta.

Pagkaharap ko ulit sa kanya ay muling tumama ang mukha ko sa dibdib niya. Putcha. Required ba na palaging may masaktan sa katawan ko?

Pinantay niya ang tingin naming dalawa. Nakakunot ang noo ko habang inis na tumitingin rito.

"Why are you like that to me? Did I do something wrong?" Malumanay nitong tanong.

Umiwas ako ng tingin ngunit sinusundan niya pa rin ito.

Bakit ba siya ganiyan?

"Tanungin mo 'yung babaeng kasama mo."

Narinig ko ang mahina nitong pagtawa na mas lalong nagpainis sa akin. Anong nakakatawa do'n?

Parang... Parang ang pangit pakinggan ng sinabi ko. Tunog nagseselos, hindi naman ako nagseselos.

"Oh. So you're jealous now?"

"Hindi ako nagseselos! Tsk. Alis nga!"

Itutulak ko na sana siya nang mahawakan niya agad ang dalawang kamay ko.

"No need to be jealous, okay? She's nothing to me. Plus, even if we're not together yet, I am sure that you're the one made for me."

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya.

"Hindi naman magiging tayo!"

He just chuckled before planting a kiss on my forehead.

"Hmm. If you say so."

I open my mouth to say something but words will not come out.

"Anyway, I saw you yesterday with Astray." Wala na siyang idinugtong pagkatapos niyon.

Si Astray.

"Nakita lang namin siya ni Caida."

Tapos inaya ko. Tapos nag-usap kami. Sinabi ko na ayaw ko na talaga. Pumayag siya. Wala man lang ginawa. Hindi man lang nag-try. Ang tanga ha. Kung hindi ko siya inaya, hindi na sana mangayayari 'yon. Mas lalo tuloy awkward ngayon. Pero syempre hindi ko na sinabi 'yon.

Tumango lang ito sa sagot ko.

"Matagal na kaming wala ni Astray. Kahit anong pilit pa niya sa'kin, wala na talaga."

Bakit nga ba ako nagsasabi nito sa kanya? Bakit ako nagpapaliwanag? Eh, wala namang kami?

"Isa pa. Bakit ko nga ba sinasabi sa'yo?"

Tumawa siya ng mahina. "I don't know either. But what you said is a relief for me."

"Okay. So pwede bang lumayas ka na?"

Umiling ito sa akin. Naglakad papuntang kama ko at humiga. He tapped the space beside him.

"Come here. I want to spend the entire day with you."

Inirapan ko siya. Anong tingin niya sa akin tatabihan ko siya ja'n? Kung nasa matino akong pag-iisip, syempre hindi. Pero wala ako sa tamang pag-iisip ngayon.

Natagpuan ko na lamang na humahakbang na ako palapit sa kanya. Nang hindi na siya makapaghintay ay hinila na niya ako.

"Tsk. Hindi ako makahinga bwisit ka." Reklamo ko. Niyakap niya kasi agad ako ng mahigpit na para bang mawawala ako.

"Sorry."

Medyo lumuwag 'yung yakap niya. Ewan ko pero parang mas gusto ko pa 'yung yakap niya kanina kesa ngayon. Wala tuloy sa sariling nayakap ko siya ng mahigpit.

He chuckled before pulling me again into a tighter hug.

Sobrang calming ng pakiramdam ko ngayon.

I felt his lips again on my forehead.

"Can we stay like this forever? I want us to stay like this forever." He whispered softly.

Hindi ko na siya sinagot. Humigpit lang 'yung yakap ko sa kanya, mas lalong sinusubsob ang mukha ko sa dibdib niya.

He tighten his hug too like I did.

Tanging ang paghinga lang naming dalawa ang naririnig ko ngayon. Kasabay ng pagtibok ng puso naming dalawa.

I can tell myself that, yes, I wanted us to stay like this forever too.

Unexpectedly In Love With The Bad Boy [COMPLETED] Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang