Chapter Sixteen

2 0 0
                                    

Samantha Heartache's POV;

Sana binalibag niyo nalang ako kung ganito rin pala ang mangyayari sa akin 'pag natulog ako.

Hawak hawak ko ang balakang ko habang tumatayo dahil sa kirot.

Nalaglag lang naman ako sa kama ko na patigilid yata. Ang lakas pa naman ng bagsak ko. Parang nabali yata 'yung buto ko ah. 

Inunat-unat ko ang katawan ko pagkatayo ko. Napangiwi ako sa sakit. Pusang gala talaga oh.

Napatigil ako sa ginagawa nang biglang may maalala.

"Hmm. Tutulog na ako kamatayan kaya manahimik ka ja'n. Pero huwag mong papatayin namimiss ko boses mo... Sana nandito ka sa tabi ko ngay-"

Ha?!!!

Nagkukumahog akong kinuha ang cellphone ko para malaman kung totoo ba talagang nangyari 'yung naalala ko o panaginip lang.

Agad akong nag-scroll.

Wth.

Parang tumigil ang mundo ko nang makumpirma na totoong nangyari nga iyon.

Nabitawan ko ang cellphone ko, napatulala habang nakatayo.

"Waaaaaaaaaaaah! Hindi! Hindi! Hindi pwedeng mangyari 'yon!"

Sinabunutan ko ang sarili dahil sa hiya. Shit! Anong katangahan 'yon?

"Aaaaaaaaaa! Nakakainis!"

Nagpagulong-gulong ako sa kama. Pinukpok ang ulo sa unan.

"Hoy! Ano ba?! Ang aga-aga ang ingay mo!"

Hindi ko tinignan ang biglang pumasok sa kwarto ko. Sa halip, mas lalo ko lamang nilakasan ang sigaw ko.

"Umagang-umaga para kang sabog, Sam."

Nakatulala lamang ang ako sa upuan. Paulit-ulit na pumapasok sa utak ko ang sinabi ko kay Kamatayan kaninang madaling araw.

What the fuck ka talaga self!

"Hoy! Ano bang nangyayari sa'yo?"

Sinamaan ko ng tingin si Cai-Cai dahil sa pagpitik nito ng noo ko. Hindi niya ba alam na sensitive ang balat ko?

"May naalala lang. Bakit ka ba nandito?"

Kumunot ang noo niya, parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Sam? Sam? Nauntog ka ba sa pader kanina? Nahulog sa kama?" Seryoso niyang tanong.

Luh. Paano niya nalaman 'yon?

"May powers ka ba Cai?"

Malakas niya akong binatukan. Shit.

"Gaga ka talaga! Ano bang nangyayari sa'yo? Para kang tanga. Naalog yata 'yang utak mo e."

Inirapan ko lang siya. Dumukdok ako sa study table ko habang si Cai-Cai naman ay prenteng nakahiga sa kama ko habang nagcecellphone.

"Kasi naman. Bwisit talaga." Pinukpok ko ang ulo ko sa lamesa.

Paulit-ulit nag-play sa utak ko ang sinabi ko kay Kamatayan.

Piste talaga.

Simula ngayon matutulog na ako ng maaga.

"Ano ba nangyari? Namimiss mo si Death o 'yung isa?"

Padabog akong tumayo.

"Simula ngayon huwag na huwag mong babanggitin ang pangalang 'yan."

Ayoko na maalala ang nangyari kahit tulog ako no'n.

"Nag-away kayo?"

Umiling ako.

Unexpectedly In Love With The Bad Boy [COMPLETED] Where stories live. Discover now