Samantha Heartache POV:
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
Nagtataka akong nakatingin sa kanya. Ba't pala nandito siya?! Eh, tagong lugar ito. Shit, hindi kaya nakita niya 'yung nangyari kanina? Baka naman hindi. AaaaAaaa.
"Ba't ka nandito?" Sa wakas ay natanong ko.
"Just fuckin' get in now."
Tinignan ko lang siya mula sa bintana ng kanyang kotse.
Ba't naman ako papasok ja'n sa kotse niya?! At bakit niya ba ako pinipilit?! Argh! Ngayon na nga lang ulit kami nag-usap tapos parang galit pa siya na ewan?
Nang hindi ako kumilos ay lumabas siya ng kotse. Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa braso.
Napakislot ako sa sakit dahil ang nahawakan niya 'yung nadaplisan pa kanina.
"What the fuck---?" Tignignan niya ang braso ko dahil sa reaksyon ko.
"Tss. What happened here?"
Tinatanong niya so hindi nakita 'yung nangyari? Parang huminahon ako sandali dahil doon.
Ayokong may makaalam na naman na ginagawa ko na naman iyon.
"Wala. Nadaplis lang." Sabi ko at tinanggal ang kamay niya.
"Really? Why is it a little bit deeper?" His eyes not leaving mine.
Naman oh! Bwisit talaga 'yon!
"Hindi ko kasi napansin--- argh! Stop questioning me okay?" Naiirita na ako at sumasabay pa ang sakit ng katawan ko.
Ikaw ba naman makipaglabang mag-isa?!
"I saw you with other guys. Tell me, did they do something to you?"
Shit,shit,shit. Hindi nga niya nakita 'yung nangyari. Pero nakita naman niya sila Goli.
"Wala. Mga tropa ko 'yon." Totoo naman. Dati.
"Tropa mo? Pero nung lumabas ka ganyan na itsura mo?" He gaze at my body.
Napatingin din tuloy ako sa sarili ko. Pawis na pawis ako at gusot-gusot na 'yung uniform ko. Meron pang konting mantsa ng dugo?! Argh!
"Ano- tsk- may ginawa lang kami..." Potek naman!
"And what is that?"
"Basta! Halika na nga!" Hinila ko na siya papuntang kotse niya.
Shit naman. Para bang nati-trigger 'yung mga muscles ko.
Binuksan ko ang pinto ng driver seat.
"Oh! Bilis na! Sasakay din ako!" Inis na sabi ko nang hindi man lang siya gumalaw. Napairap ako at pumuntang kabilang side at binuksan ang pinto.
Nang pumasok na ako ay 'saka lang siya pumasok.
Hinalughog ko ang cellphone ko sa bag ko.
Saktong tumatawag si Cai-Cai.
"Saaaaam!!!" Nailayo ko agad ang cellphone sa tenga ko dahil sa sigaw niya.
"Oh bakit ba? Kung makasigaw!" Napansin kong napatingin si Kamatayan bago ulit binalik ang tingin sa daan.
"Eh, kaseee~"
"Ano?!"
"Hehehe~"
Takte. Ano na naman kaya ang sasabihin nento?
"Cai-Cai masasapok na kita!"
"Ah, talaga ba?"
"Ewan ko sa'yo! Bahala ka ja'n!" Pinatay ko na ang tawag. Maya-maya lang ay tumawag ulit siya.
DU LIEST GERADE
Unexpectedly In Love With The Bad Boy [COMPLETED]
Jugendliteratur- Samantha Hearthache Suarez. Kung gaano ka-girly ang pangalan niya ay ganoon naman siyang ka-boyish gumalaw at kumilos. At sa hinding inaasahang pagkakataon, she became a girlfriend of Zilch Death Xenn na isang kilalang bad boy sa kanilang eskwela...